AMETHYST
Nauna akong nagising ngayon dahil balak kong iprank si xian.namumuro na kasi lage nalang ako ang biktima.charroot! Sinet up ko muna yung camera.
" Hi guys!! Now i'm going to prank xian sana makabawi manlang ako sa mga prank na ginawa nya sa akin." Mahina kong sabi sa harap ng camera habang tulog pa si xian
" maglalagay ako ng maliit na camera dito sa kitchen kung saan di nya makikita." Saad ko saka nilagay ang camera sa may lababo sapat para makita si xian matapos kong iset up ang camera ay umakyat ako sa kwarto para iwan ang phone ko dun sa side table
" ayun guys nalagay ko na yung phone ko sa side table ni xian at yung phone na hawak ko ngayon ay ang phone na gamit ko sa beaver hospital as a resident doctor dito nakasave ang number ng lahat ng mga kasama at kaibigan ko sa hospital. Yung number nito ay nakasave sa phone as Ken.. so titingnan natin ano ang magiging reaksyon nya" saad ko habang dahan-dahan bumababa ng hagdan at nagtungo sa kitchen dun ko tinext ang phone ko gamit yung phone ng beaver
Text Message
Hi JOY my loves.. i missed you so much bumalik ka na sa hospital hindi kompleto ang araw ko kapag di ko nakikita ang maganda mong ngiti 😘😘😘❤️❤️💚💙💜
Message sent to Dr.AMatapos kong isend yung message nagmissed call din ako para sure na magigising si xian sa lakas ng ringtone nun..pagkatapos ay tinago ko sa cabinet ang phone na hawak ko ng nakasilent... inayos ko din ang camera na nakapwesto malapit sa sala.
1
2
3
" Ganda!!!... Amethyst!!!" Tawag nya sa akin habang tumatakbo pababa ng hagdan lihim naman akong napangiti na nakasandal ang likod sa may lababo ngunit ngunit bahagya naman akong natawa ng maapakan nya ang isa sa mga parts ng lego castle ni zoe na hindi naligpit.
" araaay!!!lintek na laruan ito!" Daing nya sabay tayo na hawak-hawak ang phone ko. Ganito siguro yung pakiramdam nya tuwing nagpraprank sa akin yung pigil na pigil ang tawa.buset! Ganunpaman nanatili pa rin seryoso ang mukha ko na nakatingin sa kanya.
" problema mo? Bakit ka tumatakbo?" Nakataas ang kilay kong tanong sa kanya saka lumapit sa ref para kumuha ng tubig.
" ano ito ganda??! Ano ito?!!" Natataranta nyang tanong na bahagyang nakataas ng kanan nyang kamay ang phone ko.
"Cellphone yan pangit! Cellphone!! ano pa ba sa tingin mo ang tawag dyan? Typewriter?" Pigil ang tawa kong sabi
" Ganda! Wag kang pilosopo! Ano ito?? Ano ibig sabihin nito?" Ulit nyang tanong na nakikita ko na sa mukha nya ang inis at galit na para bang anumang oras ay sasabog na siya. Pero nanatili lang akong tahimik dahil baka humagalpak na ako sa tawa kung magsalita pa ako.
"Bakit tahimik ka amethyst? Ano ito? Magpaliwanag ka!?" Naluluha nyang tanong habang ako ay kagat-kagat ang dila sa pagpigil na di matawa
" cellphone nga yan!! At saka paano ako magpapaliwanag eh kanina kapa dada ng dada dyan" seryoso kong tanong
"Ano ba kasi punto mo? Nabagok kana naman ba para di mo maalala na cellphone ang hawak mo" Inis kong tanong kunyari
" hindi yun ang ibig kong sabihin. Ito! sino ito? Bakit may nagtext sayo na miss kana daw nya! Bumalik kana daw sa hospital keso di kumpleto ang araw nya na wala ka! See? Sino ito ganda? Sino?!" Gigil nyang sabi habang binabasa ang text na sinend ko kanina
BINABASA MO ANG
I Will Always Love You Book 2 ( On Going )
RomanceVlogger na sila dito( XIAN & AMETHYST ) Book 2 na this! basahin po muna ang book 1 para mas lalong maintindihan.😄😘