AMETHYST
* sound ng nabasag na baso *
" bes, okay ka lang? Nasugatan ka ba?" Nag-aalalang tanong ni yumi nasa pharmacy ako para magvisit na din sa kanila habang hinihintay ang tawag ni xian kong saang resto sila nandun for lunch..
" okay lang ako bes, bigla akong kinabahan na di ko mauntindihan" kiakabahan kong sabi
" baka sa ininom mong kape kaya ganyan" sagot nya habang winawalis ang nabasag na baso sa opisina..
" siguro nga,nasibrahan ata" sagot ko ilang sandali pa ay narinig kong tumunog ang phone ko pero bigla naman bumilis ang heartbeat ko dahilan para manginig ang kamay ko.
" hey,kalma bes si xian lang yung tumatawag sagutin mo na" sambit ni yumi..
" h-hello babe where are you?" Kalmado kong tanong..
" b-babe i'm sorry.." humahagulgul nyang sabi dahilan para mas lalo akong kabahan..
" s-sorry for what? A-asan k-kayo? Anong n-nangyayari?" Natataranta kong tanong
" s-si z-zach.." sagot ni xian
" anong nangyari kay Zach?" Pasigaw kong tanong..
" n-na-wawala" umiiyak nyang sabi hindi ko alam kong ano mararamdaman ko para ba akong nanigas sa kinauupuan ko.. sana mali ang narinig ko..
" Asan kayo?" Tanong ko saka nya binigay ang address saka nagpasama kay yumi sa restaurant na sinabi ni xian..
" kalma lang bes ha, baka nagkamali ka lang ng rinig" saad ni yumi habang nagmamaneho
" sana yumi..sana.." umiiyak kong sabi..
Matapos ang kalahating oras ay nakarating na kami sa resto na sinabi ni xian. Patakbo akong pumasok kasama si yumi at sinalubong kami ni zoe..
" mommy!...mommy..!" Umiiyak na sigaw ni zoe
" what's wrong baby? Anong nangyari?" Tanong ko
" nasa opisina po sila mam" sagot ng isang crew sa resto na nagpapapatahan kay zoe sinamahan naman kami ng waiter sa opisina.. nadatnan ko si xian na natataranta kasama ang mga pulis at ang may-ari ng resto..
" b-babe i'm sorry" umiiyak na yumakap si xian
" anong nangyari?" Walang emosyon kong tanong
" babe" saad nya na di makatingin sa akin ng diretso
" tinatanong kita! Anong nangyari?! Nasaan si zach?! Nasaan ang anak ko?!" Galit kong sigaw kay xian
" h-hindi ko sinasadya" umiiyak pa din nyang sagot habang hawak ang mukha ko
" na ano?" Sagot ko
" na-na- naiwan ko siya sa car..akala ko kasi karga ko pa siya sa carrier nya ng pumasok kami dito..ta-tapo__"
*pak!!*
Isang malutong na sampal ang napakawalan ko kay xian dahilan para awatin ako ni yumi..
" p-paano mong na-nakalimutan ang anak mo xian?" Galit kong tanong habang walang tigil ang pag-agos ng luha ko
" i'm sorry" mahina nyang sabi
" sorry? Maibabalik ba ng sorry mo ang anak ko?!! Xian, Pinagkatiwalaan kita eh! Ipinagkatiwala ko sayo ang anak mo bakit mo hinayaang mangyari yun!" Umiiyak kong sabi
BINABASA MO ANG
I Will Always Love You Book 2 ( On Going )
RomanceVlogger na sila dito( XIAN & AMETHYST ) Book 2 na this! basahin po muna ang book 1 para mas lalong maintindihan.😄😘