CHAPTER 28

314 9 4
                                    

TORI's POV

Hi there! My name is Becktoria De Guzman Secretary ni sir XIAN. Isa lang naman akong ordinaryong babae na may malaking ambisyon sa buhay. Lima kaming magkakapatid at ako ang panganay sa kagustuhan kong maihaon sa hirap ang pamilya nagsikap akong mag-aral habang nagtratrabaho para sa pang-araw-araw na kailangan ko lalo na sa skwela hindi biro ang pinagdaanan ko bago ko marating ang buhay na meron na ako ngayon ang dating waiter sa nga bar ngayon ay isang ganap na secretary ng isang sikat na kompanya. Isa sa mga dahilan kung bakit ako nag apply dito ay dahil kay Sir Xian, una ko siyang nakita sa isang magazine na binabasa ko noon sa parlor hanggang sa personal ko siyang makita sa bar na pinapasukan ko. Hindi man ako nabigyan ng pagkakataon lapitan siya noon ngayon ay abot kamay ko na siya. Sobrang saya ko sa tuwing sinasama nya ako sa mga business trip nya lalo na ngayon na isasama nya ako sa korea para sa business meeting na gaganapin sa seoul. Nakakaexcite, alam kong mali na pagpantasyahan si sir at lihim na minamahal dahil sa may asawa at mga anak na siya.. Pero kaya kong ibigay ang mga yun sa kanya,anak,pamilya at pagmamahal bulong ko habang nag-iimpake ng gamit

Si Sir Xian ang magbibigay sa akin ng magandang buhay..siya lang... napukaw ang isip ko ng biglang may tumawag sa phone ko at si mama yun.

" hello ma, napatawag po kayo?" Tanong ko

" itatanong ko lang kung makakauwi ka ba sa graduation ng kapatid mo?" Tanong ni mama

" ah,susubukan ko po ma kung papayagan ako ng boss ko" sagot ko

" oh sige, bastA magsabi ka ha para masundo ka namin,tapos mag-iingat ka palage dyan" bilin ni mama

" opo ma,wag po kayong mag-alala sa akin kayo lang po inaalala ko basta wag po kayo masyadong magpapagod" saad ko kay mama

" salamat anak, salamat sa lahat ng ginawa mo para sa pamilya natin" saad ni mama

" ma, pamilya po tayo at ako po ang panganay kaya responsibilidad ko pong ibigay sa inyo ang magandang buhay na gusto ko para sa inyo" sagot ko

" sige na po ma,tawag nalang po ako sa susunod may gagawin pa po ako" paalam ko kay mama

" oh sige anak,ingat ka lage dyan,mahal ka namin" bilin ni mama

" mahal ko din po kayo ma regards po kay papa" bilin ko. Matapos ang pag-uusap namin ni mama ay naghanda na ako para pumasok sa trabaho.

After an hour ay nakarating na ako sa opisina and as usual wala pa si sir,kaya pumasok muna ako sa opisina para ayusin ang mga gamit nyA sa araw-araw na paglilinis ko dito ay hindi ko maiwasang hindi mainis sa tuwing nakikita ko ang picture ng asawa nya sa table na kung pwede lang basagin ay binasag ko na pero para kay sir titiisin ko ang importante magkasama kami maghapon. Ilang minuto lang ay naramdaman kong bumukas ang pinto at sa amoy pa lang alam kong si Sir Xian ang pumasok.

" Good morning Sir" bati ko sa bagong dating ng napakagwapo kong boss

" Good morning Miss. De Guzman" bati ni sir ang gwapo nya talaga kinikilig kong bulong sa sarili

" ok na ba lahat para sa trip tomorrow?" Tanong nya sabay lagay ng suit case nya sa table

" yes sir, seattled na po lahat"  sagot ko

" good" tipid nyang sagot saka ako nagpaalam na lumabas habang nagtratrabaho ako ay muling tumunog ang phone ko ngunit unknown ang caller

" hello" sagot ko

" hi babe, kumusta?" Sagot ng pamilyar na boses dahilan para magbago ang mood ko

" bakit ka napatawag? Saan mo nakuha number ko?" Tanong ko

I Will Always Love You Book 2 ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon