TORI
"Uugghhhhh!!!" Napasigaw nalang ako sa dami ng iniisip ko ngayon. Limang taon na kami bumukod ni Xian pero hanggang ngayon malayo pa rin ang loob nya sa akin walang araw na hindi nya pinaparamdam sa akin na wala lang ako sa buhay nya..
" Hoy girl! Okay ka lang?" Tanong sa akin ng kasama kong bakla sa salon
" mukha ba akong okay?" Mataray kong tanong sa kanya
" hulaan ko..yang Jowa mo na naman ang problema mo noh?" Tanong nya
" meron pa ba? Nakakainis lang kasi ginawa ko na lahat para mabaling sa akin ang atensyon nya pero lage nalang Amethyst ang bukang bibig nya o di kaya yang anak nya" inis kong sabi
" Maghunos-dili ka nga baka biglang sumulpot dyan yung bata.marinig ka nun" sambit nya habang naglilinis ng gamit
" hindi pupunta yun dito may lakad daw silang mag-ama di na ako sumama gagawin lang akong alalay ng mga yun" sagot ko sa kanya saka pabagsak na naupo sa sofa
" alam mo girl,simple lang naman ang problema mo bakit di mo subukang maging mabait sa bata ipakita mo sa kanya na mahal mo talaga siya para pag makita nakita ni xian ang ginagawa mo sa anak nya baka sakaling magbago yung pakikisama nya sayo.." suhestyon nya
" ikaw naman kasi lage mong binubulyawan yung bata ano ba kasalanan nun sayo? Di ba nga ikaw ang kumidnap sa kanya?" Dagdag pa nya dahilan para mabato ko siya ng unan.
" tseeh!! Tumigil ka nga! Kahit naman kasi ano gawin ko hindi ko magawang mahalin ang batang yun! Dahil sa tuwing nakikita ko siya naalala ko yung baby sa sinapupunan ko nun" inis kong sabi
" yung baby na hindi naman si Xian ang ama.right? Asan na ba ang mokong na si kristoff? Akala ko ba papakasalan ka non eh limang taon na girl hanggang ngayon wala pa din" sagot nya
" isa pang paalala bakla at sisisantihin kita makita mo!" Galit kong saka lang tinikom ang bibig nya ng magseryoso na ako.
Tama naman siya eh..hindi si Xian ang ama ng baby ko nun si Kristoff yun pero wala eh.. hindi ko na alam kong karma na ba ang tawag dito..hanggang ngayon kasi hindi pa ako kinontak ni kristoff at ayoko na rin umasa pa. Kaya ngayon sisiguraduhin kong tuluyan ng mahuhulog ang loob sa akin ni xian kong kailangan kong subukan ulit pakisamahan ang anak nya gagawin ko wag lang siya mawala sa akin at bumalik sa asawa nya..hindi ako papayag..
Gabi na ng makauwi si Xian at Liam.. Ou Liam ang pinangalan ko sa kanya wala namang nagawa si xian..
" bakit ngayon lang kay_" hindi natapos sasabihin ko ng biglang magsalita si Liam
" mama,look oh madami kaming nakuhang tickets sa Arcade kaya nakuha ko yung robot na ito" sambit nya habang pinapakita nya sa akin ang laruan nya.
" kainin mo yan! Pumasok ka nga dun sa kwarto mo sabat ka ng sabat eh!" Inis kong sabi bata bigla naman nalungkot kaya tumakbo papunta sa silid sakto naman ang pagpasok ni XiAn.
" Ano na naman ang sinabi mo sa anak ko ha Becktoria?!" Sigaw niya mula sa pinto
" wala..narinig mo bang may sinabi ako? At saka bakit ka ba nagagalit ha!?" Pasigaw kong tanong sa kanya
" Sa susunod na na bulyawan mo ang anak ko hindi ako magdadalawang isip iwan ka!" Galit nyang sabi
" eh di gawin mo! May choice ka naman ah bakit ka pa nagstay? Dahil ba mahal mo na ako?" Mahinahon kong sabi saka lumapit sa kanya.
" yun ba xian? Yun ba ang dahilan mo?" Ulit kong tanong sa kanya habang nakayakap sa kanya pero di ko feel ang pagyakap nya sa akin.. bagkos umiwas pa siya..
" walang ganun! Alam mo kong ano nararamdaman ko sayo? galit! Galit ang nararamdaman ko dahil napakamakasarili mo!" Gigil nyang sabi
" ah you're right! May choice nga ako iwan ka.. Don't worry at hindi na magtatagal yun kaya bago pa dumating ang araw na yun ayusin mo pakikisama mo sa anak ko baka sakali magbago pa isip ko.." pahabol nya saka tumalikod
" Ano ibig mong sabihin!? Tingin mo papayag ako?! Magkamatayan na Xian pero hindi kita basta-basta susukuan! Tandaan mo yan!! Uugghhh!!!!" Sigaw ko sa kanya wala na akong paki kong marinig nya yun o hindi!! Kong hindi dahil sa batang yun maayos na sana kami ngayon!! Wala naman ako balak akoin ang batang yun eh dahil ang balak ko ay ibalik siya sa mama nya kapalit kay Xian! Pero nagkaletchee-letchee na lahat ng plano ko dahil sa batang yan! Buset!!!..
A/n: thank you sa paghihintay Readers mag-ingat kayo lahat ha.. ❤️❤️❤️ saranghae😘
BINABASA MO ANG
I Will Always Love You Book 2 ( On Going )
RomanceVlogger na sila dito( XIAN & AMETHYST ) Book 2 na this! basahin po muna ang book 1 para mas lalong maintindihan.😄😘