CHAPTER 22

347 11 1
                                    

8 months later

AMETHYST

Matapos ang ang kaganapan 8 months ago ay marami din ang magagandang nangyari,dumaan ang pasko at bagong taon na walang naging problema sa pamilya ko at wala na ding may nagpakilala na kapatid namin. Maayos na din yung relasyon naming magkakapatid lalo na sila lorraine,miley at marcus. Gaya ng dati ay tanging gamot na lang ang nagpapalakas sa mama nila miley dahil sa wala kaming mahanap na donor nakakaawa din siya minsan tingnan dahil sa nahihirapan na siyang kumilos o huminga sa tuwing inaatake siya kahit ganun ay bilib ako sa kayatagang pinapakita nila miley at marcus habang si lorraine ay magkasama pa rin sila ni xian sa opisina at patuloy pa din ang pangbunuset nya kay patrick sa tuwing dumadalaw sila sa bahay every weekend. At kasabay ng paglipas ng mga araw at buwan ay ang paglaki din ng isang anghel na nasa loob ng sinapupuna ko. At habang Nakaharap ako sa salamin ay di ko maiwasang pagmasdan  ang sarili ko, 8 months kana pala baby 1 month nalang makikita kana ni mommy kanya kapit lang ha wag muna magmamadali bulong ko habang hinihimas yung tiyan ko at di ko napansin ang paglapit ni xian at yumakap sa likod ko.

" ano iniisip mo ganda?" Tanong nya habang nakatukod ang baba nya sa balikat ko

" ang pangit ko na kasi eh," malungkot kong sabi

" ganda, walang pangit sayo okay,? Hindi ka pangit at mas lalong hindi bilbil yang nasa tyan mo ganda" pang-iinis nya

" tseeh!" Mataray kong sabi saka siya lumipat sa harap ko

" wag ka ng mainis mas lalo kang gumaganda eh" natatawa nyang sabi

" ewan ko sayo! Pag ako manganak.." inis kong sabi saka bahagyang lumayo sa kanya at naglakad palabas ng kwarto simula kasi ng magbuntis ako sa guest room na kami natutulog para di ako mahirapan mag akyat baba sa kwarto.

" what?! Ano gagawin mo?" Gulat nyang tanong habang nakasunod sa akin

" maghahahanap ako ng lalake na ipapalit sayo" biro ko pero seryoso ang mukha na humarap sa kanya at mabilis din naman siya iniwasan

" hoy! Ganda,hindi magandang biro yan" sigaw nya saka naman ako huminto sa paglalakad at humarap sa kanya

" mukha ba akong nagbibiro?" Seryoso kong tanong

" ganda naman eh!" Saad nya na parang bata na nakasimangot pa

" pero sige kung yun ang sa tingin mo ang magpapasaya sayo.. di kita pipigilan basta gusto ko lang malaman mo  na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko..alam kong malaki ang mga naging kasalanan ko kaya sige..deserve ko naman ang masaktan..kaya okay lang..okay lang talaga ganda" litaniya niya hindi ko alam kung sino nagturo dito para magdrama ng ganito dahilan para matawa ako o mainis sa pinagsasabi nito. Dinampot ko yung pillow sa sofa at binato yun sa kanya.

" hahaha para kang sira pangit! Di bagay sayo" natatawa kong sabi

" totoo naman ang sinasabi ko ah!" Nakanguso nyang sabi

" dito ka nga!" Utos ko sa kanya na lumapit sa sofa kung saan ako nakaupo

" ganun ba kadali para sayo ang ilet go ako? Hindi ka manlang ba gagawa ng way para ipaglaban ako?" Seryoso kong sabi habang nakaharap sa kanya habang inaayos ang necktie nya

" ganda, i'm sorry..pero siyempre hindi ako papayag na basta mo nalang ako iwan at ipagpalit sa iba" sagot nya

" at sa tingin mo magagawa ko yun?" Tanong ko

" hindi dahil hindi yun ang amethyst na kilala at minahal ko" madiin nyang sabi

" yun naman pala eh kaya dapat magtiwala ka sa pagmamahal ko,wag puro kaartehan pangit nagmumukhang ikaw ang babae sa atin" nakangiti kong sabi

I Will Always Love You Book 2 ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon