TORI
Hindi ko alam pero masaya ako sa araw na ito.. mukhang umaayon lahat sa plano ko marami ang nakasaksi sa deal namin ni xian kagabi na iiwan nya pamilya nya kapag mapatunayan na siya ang ama ng anak ko. Pero dahil alam kong hindi siya ang ama kaya ngayon susubukan kong kausapin ang kaibigan kong doctor para siya ang gumawa ng test result kapag nagpa paternity test na kami ni xian...
Nasa sala ako ngayon habang tinititigan ang perang ibabayad ko sa doctor. May kalakihan din ito kaya nakakapanhinayang pero kapag matapos ang test sobra sobra pa dito ang makukuha ko.. haisst excited na akong makasama dito si xian bulong ko hanggang sa tumunog ang phone ko at si inay ang tumatawag.
" hello anak,kumusta ka dyan? Akala ko ba uuwi ka?" Tanong ni inay nabanggit ko nga pala sa kanila na uuwi muna ako para magbakasyon
" opo inay,may inaayos lang po akong importante" sagot ko
" ganun ba? Oh sige basta magsabi ka para masundo ka ng itay at mga kapatid mo" malunkot na sabi ni inay
" opo inay..konting hintay lang po" sagot ko.matapos ang usapan ay agad kong inoff ang phone at nag prepare para umalis..
___________
XIAN
Maaga akong nagising dahil sa may pupuntahan ako kaya hindi ko na ginising pa sa ganda.
Ano bang nangyayari sayo Xian? Gaano ba kahirap para sayo ipaglaban ang pamilya mo..nagdesisyon kana naman ng walang pasabi sa asawa mo..tingin mo bang nagmukha kang mabuting asawa sa harap ng mga tao sa ginawa mo?? Paano kong may nangyari nga sa inyo? Paano?! Sermon ko sa sarili habang nagmamaneho papuntang hospital. Sinusubukan ko din si nolan pero hindi nya sinasagot ang mga tawag ko ganun din si mommy feeling ko iniwan nila ako sa pagkakataong ito na kailangan ko ng karamay..
Hindi mo sila masisisi Xian..hindi malungkot kong bulong..kasalanan ito ni Becktoria,hindi ko hahayaan na masira nya pamilya ko..
_________________
PATRICK
Blaaaaaagggggg!
Nagulat ako sa tinapong celphone ni Lorraine sa may pinto ng guest room kong saan ako natulog hindi na ako nakauwi sa mga nangyari.
" hey!calm down..ako lang ito" saad ko pagkabukas ng pinto
" paano ako kakalma? Sa mga nangyari kagabi gusto kong sabunutan ang babaeng yun! Naging malandi din ako dati pero hindi ganyan ka grabe kong di ko lang inisip sina tita terry at lola sinugod ko na ang babaeng yun!" Gigil nyang sabi
" wala tayong magagawa sa ngayon kundi hintayin ang result ng paternity test nila xian.." saad ko nakita ko namang pabagsak na umupo si lorraine. Minsan napapaisip ako sa dugong nanalaytay sa magkapatid para kayanin nila ang mga pagsubok nila sa buhay..
" Gusto mo bang magmall tayo?" Tanong ko
" bakit mo ko niyaya?" Tanong nya kung makatanong naman ito
" bakit hindi? Kailangan natin maipatanggal sa isip natin ang ganap kagabi." Saad ko kahit ang totoo gusto ko lang siyang makasama ngayong buong araw..
" sige,minsan ka lang kasi magyaya baka mamaya may feelings kana sa akin kailangan kong makita yun by your actions..para aware ako" sambit nya sabay tayo
" hoy! Anong feelings sinasabi mo dyan! Walang ganun lorraine at saka alam na ng lahat ang ginawa ni xian siguro naman pwede na nating ihinto ito." Saad ko saka naupo sa sofa nakita ko namang tumabi din siya..
" ou nga no? Sayang naman" malungkot nyang sabi
" lungkot-lungkotan teh?anong mukha yan ha" saad ko at nagulat ako sa sunod na ginawa nya dahan-dahan kasi nyang nilapit ang mukha nya sa akin habang paatras naman ako hanggang sa hindi na ako makagalaw dahil nakatukod ang mga kamay nya sa upuan habang nakatitig sa akin
" parang ayaw ko siyang tapusin Pat..pwede bang subukan lang natin?" Seryoso nyang sabi habang di pa inaalis ang mga titig nya dahilan paran kilabutan ako na kinakabahan na ewan..
" a-ano ibig mong s-sabihin?" Nauutal kong tanong
" ito..pwede bang ituloy nalang natin?" Seryoso pa rin nyang sabi kaya naman mabilis ko siyang hinawakan sa balikat para makatayo ako pero ng akmang tatayo na ako mabilis naman nyang nahablot ang kamay ko dahilan para ma out balance ako at bumagsak sa harap nya..
Dubbb...dubb...dubbb.. tibok ng puso ko na hindi ko maintindihan kong dapat pero imbes na tumayo ay nanatili akong nakatitig sa maganda nyang mga mata,at kahit ang paghinga nya ay amoy ko..seryoso ba siya? Tanong ko habang litaw ang isip ko ay naramdaman ko nalang ang kamay nya sa batok ko hanggang...
Tssssuuuuuppp 😍😘 hanggang sa naramdaman ko nalang ang labi nya na parang cotton candy pero para naman akong naestatwa sa ginawa nya bakla first time kong mahalikan ng babae.. paano gawin ito? Ano gagawin ko? Hanggang sa hindi ko na alam ang susunod na mga nangyari naramdaman ko nalang na tumutugon na ako sa halik nya hanggang sa tumunog ang phone ko at mabilis na tumayo..
Matapos kong sagutin ang tawag nagulat ako ng nakapoker face si lorraine habang nakatingin sa akin.
" Sige na,umalis kana" seryoso nyang sabi
" pasensya na biglAan kasi.." sagot ko at mabilis kong kinuha gamit ko para umalis ng palabas na ako
" I'm sorry" sambit ko pero wala pa rin siyang imik kaya tumalikod na ako para lumabas..
I'm sorry lorraine pero hindi pa ako handa at nagugulahan pa din ako..ayokong masaktan kita lalo kapag pumayag ako na ituloy ito..
Itutuloy....
BINABASA MO ANG
I Will Always Love You Book 2 ( On Going )
RomanceVlogger na sila dito( XIAN & AMETHYST ) Book 2 na this! basahin po muna ang book 1 para mas lalong maintindihan.😄😘