CHAPTER 34

243 5 2
                                    

AMETHYST

Lumipas ang isang linggo ay napag-usapan naming mag-asawa ang pagbabalik ko sa trabaho, mapagkakatiwalaan naman na sila grasya at duday tsaka sasamahan din naman sila dito nila mama at lola kapag wala ako. Nasabi ko na din kay yumi ang balita ganun din kina pat at lorraine na hindi pa ako dinadalaw.. hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin ang biglaang pagpayag ni xian sa kagustuhan kong bumalik sa trabaho bukod dun madalas ko din siyang maabutan na para bang ang lalim lage ng iniisip pero binaliwala ko yun dahil madalas naman ang sagot nya ay wala.

" Babe, sabay kana sa akin ha tapos sunduin din kita mamaya after work" saad nya habang inaayos ang sarili sa harap ng salamin.

" sure" nakangiti kong sabi

" aba! Excited ang babe ko ha" saad nya saka lumapit sa akin at hinawi ang bewang ko palapit sa kanya

" bawal magpaligaw ha" nakanguso nyang sabi

" naman! Sayo lang ako..ikaw ba?" Saad ko dahilan para lumuwag ang pagkakahawak nya sa bewang ko

"A-ako? Syempre sayo lang din ako" saad nya na para bang napipilitan lang anyaresayo? Bulong ko saka ako binitAwan..

" let's go babe,baba na tayo first day mo ulit kaya di ka pwede malate" nakangiti nyang sabi at sabay na kaming bumaba.. bakit parang may nag-iba sayo babe? Habang pababa para magpaalam sa mga bata sakto naman ang pagdating nila mama at lola kasama si kuya zeus dahil hinatid niya sila mama

" Good morning po ma at lola" bati ko sa kanila

" magandang umaga din sAyo anak, alis na ba kayo?" Tanong ni mama

" opo ma" sagot ko

" oh sige basta mag-iingat kayo." Bilin ni mama

Matapos kong bilinan sila grasya at dudai para kay zoe at zach ay umalis na kaming mag-asawa.

" babe,regards mo ko kay yumi at kay nolan tapos pakisabi dumalaw naman sila baka nakasal na sila ng hindi natin alam" saad nya habang nagmamaneho

" hindi naman siguro.. by the way babe, pumasok ba si lorraine sa opisina? Bakit di mahagilap ang babaeng yun?" Nagtataka kong tanong

" pumasok siya this past few days according to my secretary." Sagot nya

" bakit di nagtetext yun" sambit ko

" baka busy lang" sagot naman nya

" pangit,thank you ha" saad ko

" thank you saan?" Sagot nya

" sa pagpayag na bumalik sa trabaho ko" nakangiti kong sabi

" wala yun ganda, baisip ko kasi na baka naboboard kana sa bahay i know you pa naman ayaw mo na walang ginagawa" paliwanag nya

" hindi naman sa ganun,masaya naman ako na nakakasama ko kayo siguro namiss ko lang yung trabaho ko" sagot ko

" okay lang yun babe as long as your happy" nakangiti nyang sabi

" thank you babe" sambit ko. Saka muling tinitigan si xian, napapansin kong parang may iba sa kanya lately minsan lang din siya mag open up sa akin ngayon kung di ko pa tatanungin di siya magsisimulang magsalita. Minsan din may mga tanong ako na iniiwasan nya na hindi naman nya ginagawa dati. Ayoko naman siyang pagdudahAn dahil hindi naman sapat lahat ng mga napapansin ko sa kanya para dudahan siya.

Ilang minuto lang ay naihatid na nya ako sa " URI SARANG CAFE" na pag-aari ko. naisip kong dito nalang muna pumasok kesa sa pharmacy alam ko namang kaya na ni Yumi at Miley ang pamamanage dun and besides Si Nolan na ang CEO nun simula kasi nung mawala si xian sa amin noon naibenta ko ang ilang shares ng pharmacy sa family ni nolan para may magamit sila mommy sa pagpapaospital kay xian. At yung perang naipon ko as pharmacist yun ang pinagpatayo ko ng Coffee shop.

I Will Always Love You Book 2 ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon