TORI
Nasa condo na ako ngayon at inaayos ang gamit ko para sa planong pansamantalang umuwi sa probinsya at ipaalam sa magulang ko ang pagbubuntis ko.. hanggang ngayon di pa rin mawala sa isip ko ang nga nangyari sa hospital..naminiss na kita xian..sana nakita muna kita bago ako umuwi ng probinsya bulong ko patapos na akong maisipan kong puntahan si xian sa opisina.
Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa kompanya at habang naglalakad ay di rin ako nakaligtas sa mga chismosang nagkalat sa kompanyang ito naghintay kayonv makuha ko si xian dahil lahat kayo ay patatalsikin ko sa konpanyang ito. Inis kong bulong malapit na ako sa opisina ng mapansin kong wala pa ring siya secretary well, mahirap nga naman akong palitan napasmirk kong sabi. At walang katok na pumasok ako sa opisina.
" Ye—." Putol sa sasabihin ng makita ako
" Hi baby..missed me?" Tanong ko sa kanya habang palapit sa table nya..
" what the hell you're doing here?" Kuyom ang kamaong tanong nya
" well, bawal ba bisitahin ang ama ng anak ko?" Sagot ko..
" baby oh,galit na naman ang daddy mo" saad ko habang hawak ang tyan ko.
" you are insane Miss. De guzman hindi dapat ang opisina ko ang pununtahan mo" galit nyang dahilan para mainis ako.ano akal nya sa akin baliw?
" Andito ako para kausapin ka" mahinahon kong sabi saka naupo at napansin ko ang isang kumpol ng cards na kung hindi ako nagkakamali ay invitation yung para sa binyag.nakaramdam ako ng inis at galit dahil may oras pa siya sa nga ganitong bagay samantalang sa anak namin ay wala..
" sabihin mo kong ano ang gusto at umalis kana bago pa kita ipakaladkad sa security" saad nya
" andito ako para humingi ng suporta sa anak mo" pagdadahilan ko wala na akong maisip na dahilan eh kaya agad siyang tumayo at may kinuha sa isang drawer dahilan para mabilis kong kinuha ang isang card sa mesa at mabilis na pinasok yun sa bag ko.
" here! Ito lang ang kaya kong ibigay sayo kapalit ng paglayo mo sa pamilya ko at wag mo ng subukan guluhin pa ulit ang pamilyang binuo at pinangarap ko dahil kahit kailan hindi ka magiging parte nun!" Mariin nyang sabi may sakit akong naramdaman ay binaliwala ko yun.hindi ako ganun ka bobo para basta nalang sumuko. Sabay ng pagkuha ko sa cheke ay mabilis akong lumabas sa opisina nya..
Pagkapasok ko sa kotse ay muli kong nilabas ang invitation card na nakuha sa table nya at di nga ako nagkamali para nga sa binyag yun..
At wala kayong balak imbitahan ako.? Kung ganun humanda kayo sa pasabog na gagawin ko..kung hindi na manlang ako magiging masaya na kasama si xian mas mabuti pang pare-pareho tayong lahat di maging masaya. Bulong ko saka dali-daling pinaandar ang sasakyan..
_____________________
AMETHYST
Matapos namin magmeet kaninang hapon nila lorraine ay tinawagan ako ni xian para magdinner sa labas with the kids hindi na rin ako nakatanggi dahil kasama naman ang mga bata. Habang naghihintay ako sa mag-aama ko na dumating ay nagmamasid-masid ako sa labas ng matanaw ko ang isang pamilyar na mukha.. It was Miss. Deguzmn bagamat nakaramdam ako ng kaba ay di ko yung pinahalata bagkus ay iniwas ko ang tingin sa kanya at nagkunwaring hindi ko siya nakita. Ilang sandali pa ay nakita ko ng papasok na ng resto sila xian at di ko na rin natanaw si Miss. De guzman.. paano nya nalamang nandito kami? Sinsundan nya ba kami? Bulong ko ng boses ni zoe ang pumukaw sa akin.
" mommy!" Sigaw ni zoe
" hi sweety" bati ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi binigay naman sa akin si zach
" anong meron?" Tanong ko kay xian
" wala lang, gusto ko lang bumawi sa inyo gaya ng pangako" saad nya napangiti naman ako. Alam kong malaking kaslanan ang ginawa ni xian pero hindi sapat yun para humantong kami sa hiwalayan at madamay ang mga anak namin. Mahal ko ang asawa ko at hindi nagbago yun. Sabi nga nila hate the sin not the sinner.
Matapos naming magdinner ay umuwi na kami at sinalubong naman kami nina duday kaya binigay ko naman sa kanila ang mga bata dahil nakatulog na din ang mga ito. Habang nasa kwarto kami.
" Ganda" tawag ni xian
" yes?" Sagot ko habang nakatalikod sa kanya while started to unbuttoned my shirt
" nagpunta ng opisina si Miss.De guzman" sambit nya dahilan para mahinto ako sa pagtanggal ng butones sa shirt ko at muli ko yun sinara
" pero ganda hindi ko alam na pupunta siya..nagpunta siya para humingi ng suporta at binigay ko gusto nya kapalit ng paglayo nya sa akin at sa pagtigil sa panggugulo nya sa atin..pagkatapos umalis na siya" paliwanag nya saka humarap sa kanya
" alam mo din bang nasa labas siya ng resto kanina?" Sambit ko
"What? Paano nya nalaman na dun ang punta ko?" Tanong nya
" hindi ko alam.sa totoo lang natatakot ako xian..natatakot ako sa maaari nyang gawin sa mga anak ko dahil sa kabaliwan nya sayo." Mariin kong sabi
" hindi ko hahayaan na mangyari yun ganda..pangako magdadagdag ako ng security sa bahay kong kinakailangan" sambit nya sa niyakap ako ng mahigpit..sa ngayon yun lang muna ang kailangan ko from my husband...
A/n: sorry sa matagal na UD guys na busy lang..salamat dahil sa mga comment nyo napupush akong mag UD😂
BINABASA MO ANG
I Will Always Love You Book 2 ( On Going )
RomanceVlogger na sila dito( XIAN & AMETHYST ) Book 2 na this! basahin po muna ang book 1 para mas lalong maintindihan.😄😘