CHAPTER 37

229 7 3
                                    

AMETHYST

Mabigat ang katawan ko na bumangon,naalala kong sa kwarto pala ni zoe ako natulog. Hinalikan ko muna si zoe sa noo bago lumabas ng silid at nagtungo  sa room namin. Pagkabukas ko ng pinto ay tulog pa din si zach at nasa banyo naman si xian. Habang nakaupo sa sofa natanaw ko ang phone ni xian sa side table namin kaya nilapitan ko yun at binuksan buti nalang dahil alam ko pa ang ang password ng phone nya na ako din naman ang naglagay. Di pa pala nya pinapalitan.. bulong ko tiningnan ko naman ang contact nya at tiningnan kong may number siya ni Miss. Deguzman at ng makita ko yun ay mabilis kong sinend sa phone ko at maayos na binalik ang phone ni xian sa side table.. pagkaupo ko sa sofa ay sakto naman ang paglabas nya sa banyo.

" good morning babe" nakangiti nyang bati sa akin habang nakaharap sa malaking salamin sa kwarto namin

" good morning too babe" nakangiti kong sagot sa kanya. Ngiting agad din namang napawi habang tinitingnan ko ang asawa ko na tanging tuwalya lang ang suot nya..  nakangiti siya sa harap ng salamin habang inaayos ang sarili. yang mga ngiti na yan..sana ako pa din ang dahilan ng mga ngiti mo pangit.. bulong ko habang nakatingin lang sa ginagawa nya saka naman siya humarap sa akin habang bahagyang tinaas ang mga kamay na para bang humihingi ng yakap..

" how do i look babe?" Tanong nya

" you look great" puri ko sa kanya saka siya nangiti ulit at bumalik sa salamin.. yang katawan na yan..sinong mag-aakala na magkakaroon pala ako ng kahati. Bulong ko ng di ko namalayang naluha na pala ako. Agad ko naman yun pinunasan..

" hey, babe okay ka lang? May masakit ba sayo?" Ou meron yung puso ko... Nag-aalala nyang tanong

" yeah,okay lang ako babe napuwing lang ako, kailangan ki na din siguro maligo" pagdadahilan ko.

" ganun ba? Okay sige babe hintayin kita sa baba ha,dalhin ko na si zach para mapakain na rin nila duday" sagot nya. Tumango nalang din ako pagkalabas nila ay agad akong pumasok sa banyo.. kahit paano napagaan ng shower ang bigat ng puso ko ngayon dahil kasabay ng pagbagsak ng tubig ay ang pagbasak din ng mga luha kong kanina pa gusto kumawala.

Matapos ang preparation same as usual naihatid na namin sila duday sa bahay ni mama..nagmamaneho kami ngayon papunta sa mga trabaho.

" ganda okay ka lang ba talaga? Hindi ka din kumain ng breakfast" tanong ni xian habang nakatanaw naman ako sa labas ng bintana

" yeah,sa cafe nalang ako kakain" matamlay kong sagot at sumandal sa upuan habang nakapikit a sign na wag mokong istorbohin. Ilang sandali pa'y nakarating na kamj sa cafe.

" see you later ganda, i love you so much" saad nya saka nagbeso

" bye, i love you too" sagot ko,ng di ko na matanaw ang sasakyan nya ay pumasok na ako sa cafe.

" Good morning po mam" bati ni guard

" good morning din" sagot ko saka pumasok nadatnan ko naman si amy at shine na naglilinis ng table.

" good morning po mam" bati nilang lahat sa akin. Kaya binati ko din naman sila. Pagpasok ko sa opisina ay para bang sumama ang pakiramdam ko. At dahil hindi ko maiwasang hindi isipin ang mga nalaman ko at sa ginawa ni xian i decided na kausapin si Miss. Deguzman Kaya tinawagan ko ang number nya na kinuha ko kay xian.

" hello" sagot sa kabilang linya na si miss.deguzman

" it's me Amethyst Alcantaraz. Pwede ka bang pumunta sa cafe? Gusto kitang makausap" kalmado kong sabi. Ngunit wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.

I Will Always Love You Book 2 ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon