CHAPTER 44

235 12 3
                                    

AMETHYST

Matapos kaming magprepare  para sa binyag ng bunso namin,nakahanda na rin si zoe ng bumaba kami mula sa kwarto masyado siyang excited para sa kapatid.

" Good morning mommy! Good morning Daddy! How do i look?" Tanong nya habang umiikot sa harap namin na para bang isang prinsesa na sinasayaw ng kanyang prinsipe..

" you're beautiful sweetie as always" saad ni pangit

" siyempre mana yan kay mommy.right baby?" Sambit ko

" ganda naman baka nakakalimutan mong kasama ako sa pagbuo dyan" nakanguso nyang sabi

" watch your words hon bata yang kaharap mo" saway ko

" what does it mean mom?" Tanong ni zoe

" nothing baby.. your daddy said that you are my princess coz i'm his queen.right Daddy?" Nakangiti kong sabi

" yes,baby ganun yun" sagot nya saka naman dumating sila mama,lola,kuya at ate ganun din si miley at marcus pati mga pamanks ko. Kasunod naman nila sila pat at lorraine,nolan at yumi na kasabay naman si mommy.

Tanghali na ng Matapos ang baptism ceremony ni zach kaya after namin sa church ay dumiretso na kami lahat sa bahay kung saan ang reception hindi ko alam pero parang kinakabahan ako..hindi ko rin inalis ang paningin ko kay zoe na nakikipaglaro sa mga pinsan nya..napujaw ang isip ko ng dumating si mama sa harap ko.

" anak,okay ka lang? Kumain kana ba? Gusto mo bang ako muna humawak kay baby zach?" Saad ni mama

" salamat po ma" sagot ko

" kumusta naman kayong mag-asawa?" Tanong nya

" ok naman po ma,masaya naman po kahit paano" sagot ko

" buti naman kung ganun" sagot ni mama habang karga si zach. Ilang sandali pa ay nagsalita na ang MC na kailangan na daw magbigay ng message ang parents and family sa baby as their wish for zach. Unang nagsalita si Xian.

" To my son,my one and only son.."panimula nya saka nagtawanan ang ilang bisita

" Welcome to the christian world! I wish you a lifetime of love and happiness, and I can't wait to watch who you become as you grow up me and mommy is always here for you and ate Zoe.. lahat gagawin namin ni mommy para mabigyan kayo ng magandang buhay..and i also hope that your relationship with God grows stronger with every passing day. I love you young man!" Dagdag pa nya napangiti naman ako ng tumingin siya sa akin

" And to my Wife,, thank for giving me a chance to become a father alam kong marami kang sinakripisyo for our family  never mo akong sinukuan sa kabila ng kakulangan ko dati at never nawala ang pagmamahal mo sa akin and i promised to love you forever dahil ikaw ang lakas ko ganda, ikaw ang buhay ko at ikaw ang mahal ko.this time hayaan mo akong maging asawa mo at ama ng mga anak natin pangako kung kinakailangan kong lumaban sa lahat ng hamon sa buhay gagawin ko maprotektahan ko lang kayo..mahal na mahal ko kayo" saad niya dahilan para mangilid ang luha ko at tuluyan ng bumagsak hindi ko alam pero nakaramdam ako ng saya sa mga sinabi nya.. alam ko sa sarili ko na mahal ko ang asawa ko at hindi nagbago yun hindi kayang takpan ng isang pagkakamali ang pagmamahal ko sa kanya..napukaw ako ng marinig ang sigawan at palakpakan ng mga bisita saka ko napansin ang paglapit ni xian para yakapin ako

" I love you so much ganda" bulong nya

" I love you too pangit" tugon ko hanggang sa makarinig kami ng sunod-sunod na palakpak pero hindi galing sa mga bisita namin kundi sa isang tao.. nagulat ako ng maaninag ang isang pamilyar na mukha kaya mabilis kong kinuha si zach kay mama at binigay kay duday.

I Will Always Love You Book 2 ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon