NOLAN
Maaga akong pumunta sa bahay nila yumi para sunduin siya.nadatnan kong nanonood ng UKG sila tita at tito ang mga magulang ni yumi
" iho nolan,matanong nga kita" seryosong sabi ni tito na agad naman umayos ng upo at humarap sa akin
" ano po yun tito?" Kinakabahan kong tanong
" wala ka bang balak pakasalan ang anak ko? Aba eh mag tatatlong taon na kayo" tanong ni tita
" so-sorry po tita,ang totoo po nyan naghahanap po ako ng tyempo para magpropose sa kanya" sagot ko
" seryoso ka ba dyan iho?"gulat na tanong ni tito
"Opo,kung pwede po sana hingin ang tulong nya para sa plano ko" saad ko
"Ou naman, sabihin mo sa amin kong ano ang matutulong namin.pero kailan ba?" Tanong ni tito
" this weekend po sana sa baguio,gusto ko pong maging memorable yung proposal ko for her" seryoso kong sabi
" oh my god! Mahal mag aasawa na anak natin..pa-paano na tayo?" Biglang iyak ni tita na napayakap naman kay tito
"Ano ka ba mahal,pinaghandaan na natin ito diba?alam natin pareho na darating tayo sa puntong ito na mag aasawa din ang anak natin..huhuhuhu" saad ni tito na akala ko siyang magpapakalma kay tita pero umiyak din. Nagulat naman kami ng biglang lumitaw sa likod nila tito ang soon to be wife ko.
" what's happening here? Anong ginawa mo sa mom at dad ko nolan?" Gulat nyang tanong na nakapamewang pa
" wa-wala.. naupo lang ako dito eh" saad ko saka naman siyang mabilis na lumapit sa mga magulang nya
" mom?"
"Dad?" Tawag nya sa parents nya
"Bakit kayo nahagulgul dyan?" Nagtataka nyang tanong
" wala anak,naiyak lang kami ng daddy mo sa movie na WONDER" nagpupunas ng luhang sagot ni tita
" hindi naman po WONDER ang pinanonood nyo eh UKG yan" saad ni yumi sabay tingin sa tv
" kanina yun anak,pinalipat ko kasi sa daddy mo nung part na namang si daisy,yung aso nila, kawawa naman si daisy..huhuhu" umiiyak ulit na sabi ni tita na sinabayan din ni tito kaya magkayakap silang umiiyak
"My gosh! Akala ko kong ano na..sige na po alis na po kami" saad ni yumi tumayo naman sila tita at binigyan siya ng mahigpit na yakap
" Mag-iingat ka nak ha..mahal ka namin ng daddy alam mo yan" saad ni tita saka hinalikan ang anak sa noo
" alam ko po yun at mahal na mahal ko din po kayo sobra" sagot ni yumi at nagyakapan silang tatlo bago kami umalis.
Habang nasa sasakyan kami ay di ko mapigilan di tingnan si yumi ng mapansin kong sumisinghot singhot siya
" babe,are you okay?" Tanong ko habang hawak siya sa kamay
" y-yeah" sagot nya
"You sure?" Tanong ko
" bakit ganun sila mom at dad babe? May problema ba sila? May sakit ba sila na hindi sinasabi sa akin?kawawa naman ang mga magulang ko babe" umiiyak nyang sabi habang bigla naman akng natawa
" tatawa-tawa ka dyan" saad nya
" eh kasi ang OA mo..hahaha hindi ba pwedeng nadala lang sila palabas" natatawa kong sabi
BINABASA MO ANG
I Will Always Love You Book 2 ( On Going )
RomanceVlogger na sila dito( XIAN & AMETHYST ) Book 2 na this! basahin po muna ang book 1 para mas lalong maintindihan.😄😘