AMETHYSTNakaharap ako ngayon sa salamin habang inaayos ang damit ko para pumasok sa trabaho. Limang Taon na ang nakalipas pero wala pa rin akong ideya kong nasaan ang anak ko at masakit pa dun hindi lang si Zach ang Nawawala kundi pati na rin si Xian. Simula ng huli naming pagkikita at bumalik sa bahay gaya ng sabi nya ay hindi na siya nagpakita halos sumuko na ako sa mga nangyayari dahil pati asawa ko iniwan ako at hanggang ngayon wala pa rin kaming alam kong nasaan siya.
si mommy pabalik-balik ng korea nagbabaka sakaling dumating dun si xian. At sinisisi nya din ang sarili dahil nagalit siya dito ng mawala si Zach labas pasok din siya sa hospital ng unang taon na wala ang mag-ama ko.
Si Lorraine na din ang humawak sa kompanya kasama si Nolan at mga magulang nito.
Bumalik na din ako sa hospital at nagvovolunteer sa mga Medical Mission. Nagbabakasakali din ako na sa pamamagitan nito ay makita ko na sila. Dahil namimiss ko na sila.
Sa dalawang taon na wala ang mag-ama ko muntik ko na rin mapabayaan si zoe, Pero nilakasan ko ang loob ko hindi lang para sa kanya kundi kay Zach din at sa Daddy niya.
" Mommy! Let's Go.! Malelate na ako" sigaw ni Zoe kaya mabilis kong inayos lahat bago iwan ang bahay. Habang nasa sasakyan kami Zoe lage kaming nag-uusap.
" By the way baby, dun kana muna sa mommyla mo this weekend ha kasi may medical mission kami" paalam ko sa kanya
" saan po?" Tanong nya
" Tacloban daw eh kung saan tumama yung bagyong ursula " sagot ko
" ilang days po mommy? Hindi po ba pwede akong sumama?" Sambit nya.
" 5 days sweetie, don't worry lage naman kitang tatawagan eh" nakangiti kong sagot.
" gusto ko pong sumama mommy, promise behave lang po ako dun.sige na po" pilit nya saka ko siya tiningnan at hinawakan ang pisngi.
" oh sige total holidays pa naman" sagot ko
" yeheey! Thank you mommy" masigla nyang sabi pero bigla din namang nalungkot
" hey, what's wrong?" Tanong ko
" I missed Daddy and Zach mommy" nahihikbi nyang sabi
" Me too sweetie" sagot ko. Saka huminga ng malalim ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay ng classmate ni zoe may group project daw sila kaya hinatid ko na muna siya bago pumasok sa hospital.
Pagkadating ko ng hospital agad akong nagtungo sa clinic ko.
" Good Morning Doc" bati sa akin ni RAinsy isa sa mga nurse na nakaduty sa OPD.
" Good morning too" nakangiti kong sagot sa kanya
" madami ba akong pasyente ngayon? Gusto ko makauwi ng maaga para makapag-ayos for medical mission this weekends" tanong ko
" Tatlo pa lang po Doc yung nagpa sched this morning" sagot nya
" Okay give me 10 mins first before we start" sagot ko sa kanya saka pumasok sa office ko.pagkadating ko ay agad ko munang sinuot ang robe ko saka naupo at pumikit..
BINABASA MO ANG
I Will Always Love You Book 2 ( On Going )
Roman d'amourVlogger na sila dito( XIAN & AMETHYST ) Book 2 na this! basahin po muna ang book 1 para mas lalong maintindihan.😄😘