Continuation
AMETHYST
Matapos kong magprepare ay nagpaalam na ako sa mag ama ko para umalis.
" bye princess " paalam ko kay zoe
" bye mommy take care" sagot nya sabay kiss sa cheeks
" pangit alis na ako ha" paalam ko kay xian
" ok ganda,ingat ha nagmamahalan pa tayo" nakangiti nyang sagot sabay kindat.
" tseee!" sagot ko akmang aalis na ako ng biglang hawakan ang kamay ko
" grabee naman ito wala man lang kiss" nakasimangot nyang sabi
" alam mo pangit para kang gas" seryoso kong sabi
" ayyiieehh pumipick up line siya.. sige nga bakit?" Abot tengang ngiti nyang tanong
" habang tumatagal pamahal ka ng pamahal" pigil ang ngiti kong sabi
" alam mo ganda.. ngayon ko lang nalaman na minsan corny ka din" seryoso nyang sabi buset na ito pinag-isipan ko yun eh. Kaya kinurot ko siya sa tagiliran nya
" ouchie!!" Maarte nyang daing
" baklang tow!" Saad kong sabi na marahan siyang pinalo sa balikat
" oh siya alis na ako pangit, i love you" paalam ko sabay kiss sa kanya
" cheeks lang?" reklamo nya
" ayun ohh" turo ko kay zoe na nakatingin sa amin.napakamot nalang siya
" i love you more ganda!" Dinig kong sagot nya habang papasok sa kotse.
MILEY
"Tita, pwede po ba akong pumunta sa bahay nila ate amethyst? Gusto ko po sanang mas makilala sila pero uwi po ako tonight" paalam ko kay tita
" oh sige iha,basta mag-iingat ka ha " sagot ni tita
" paano po pumunta dun?" Tanong ko
" ayy oo nga pala, sumakay ka ng taxi sabihin mo sa elton village ka ibaba,pagdating mo dun sabihi mo sa guard na pupuntuhan mo ang ate mo at sila na bahalang kumontak sa ate mo para makapasok ka." Paliwanag ni tita.
Ng makuha ko ang tamang address ay sakto namang may taxi na palabas kaya sumakay agad ako. Habang nasa biyahe ay tinawagan ko si marcus na nasa bahay ni kuya zeus.
" hello marcus,kumusta?" Tanong ko sa kanya
" ok lang naman ate tinuruan ako ni kuya na mag asikaso sa resto nila para daw sa susunod ako na daw maging manager ng resto nya." Sagot ni marcus
" good job marcus! Gawin mo ang gusto nila kunin mo yung tiwala nilA at kapag makuha mo na saka tayo kikilos" nakangiti kong sabi
" ate sigurado ka bang itutuloy mo ito? Mukhang mababait naman ang unang pamilya ni daddy eh wag na natin ituloy ito,magtratrabaho ako para may panggastos tayo kay mommy" pagpupumilit nyang sabi
" shut up marcus! Napag-usapan na natin ito kaya tumigil ka." Inis kong sabi kay marcus kaya agad ko siyang binabaan ng phone.
Ilang minuto lang nakalipas ay nakarating na kami sa elton village.
" saan po ang punta nyo ma'am?" Tanong ng guard
" sa bahay ng ate ko.kay Amethyst Alcantaraz , i'm miley ventura by the way" mataray kong sagot sa guard mabilis naman siyang nagtungo sa may phone at ilang sandali lang ay pinapasaok na nya ang taxi na sinasakyan ko. Pagkadating ko sa tapat ng malaking bahay nila ate amethyst ay inayos ko muna ang denim skirt ko with white shirt na v-neck. Saka nagdoorbell at niluwa ng pinto ang napaka gwapong lalake na gugustuhin kong makasama habang buhay .
BINABASA MO ANG
I Will Always Love You Book 2 ( On Going )
RomanceVlogger na sila dito( XIAN & AMETHYST ) Book 2 na this! basahin po muna ang book 1 para mas lalong maintindihan.😄😘