AMETHYST
Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko para makita ang ang paligid ko at ng mapansin kong nasa silid na ako ay agad kong nakita ang asawa ko na nasa tabi ko habang nasa sofa naman sila mama. Bahagya kong sinuklay ang buhok ni xian dahilan para maalimpungatan siya kahit kailan talaga ang gwapo ng asawa ko kahit bagong gising bulong ko
" ganda!!" Pasigaw nyang sabi
" ssshhhh" saway ko sa kanya
" baka magising sila mama" pabulong kong sabi
" thanks God gising ka na..di mo lang alam kong gaano mo ako pinag-alala" maiyak-iyak nyang sabi
" bakit? Ano ba nangyari? Si baby kumusta? Okay lang ba siya?"Sunod-sunod kong tanong
" calm down ganda, okay lang si baby he's safe." Kalmado nyang sagot
" nasa NICU pa siya dahil 8 months kailangan pa nyang magstay dun pero sabi ng doctor stable naman na daw siya" paliwanag ni xian
" i want to see him pangit" mahina kong sabi ng biglang makaramdam ako ng kirot sa tyan ko.
" soon, babe as of now magpahinga ka muna" saad nya, agad ko naman naunawaan ang gusto nya alam kong gusto nya lang ako magpalakas munA.
" alam mo ba ganda na muntikan ka ng mawala sa akin" saad ni xian na siya namang kinagulat ko
" oh? Bakit?" Tanong ko
" huminto kasi ang heartbeat mo ng ilang segundo at mula daw nun hindi na naging normal yung vitals mo buti nalang daw at lumalaban ka afte that incident" paliwanag ni pangit kita ko sa mga mata ang lungkot at tuwa lungkot dahil sa mga pinagdaanan ng mga oras na nasa OR ako at tuwa dahil sa paggising ko.
" thank you ganda" sambit nya
" what for?" Tanong ko
" for waking up today" saad nya
" I'm sorry for making you worried, hanggat kaya kong lumaban lalaban ako para sa pamilya natin lalo na ngayon na may bago tayong anghel sa pamilya" saad ko
" you're right babe ang importante ligtas kana at ang baby natin" saad nya habang hawak ang kamay ko dahan-dahan naman akong umupo aa higaan ko ng magising sila mama at mommy
" omo!" Gulat na sigaw ni mommy ng makita nya akong inaalalayan ni xian na maupo. Kasabay nun ang paggising din ni mama kaya sabay silang lumapig sa akin.
" okay ka lang ba anak? Wala bang masakit sayo? Nagugutom ka ba?" Sunod-sunod na tanong ni mama
" okay lang po ako pero nagugutom po ako" mahina kong sabi.
" ganun ba? O sige ibibili na kita ng makakain" tarantang sabi ni mama
" ma, wag na po tinawagan ko na si lorraine na bumili ng makakain nakiusap po kasi ako na siya muna mag-alaga kay amethyst" saad ni xian
" papasok ka?" Tanong ko
" babe i'm sorry ayoko sanang iwan ka kaya lang may meeting kami eh" saad nya
" ganun ba? Okay lang yun andito din naman sila mama at mommy pati si lorraine" saad ko
" talaga babe okay lang sayo?" Ulit nyang tanong
" yes,sige na maghanda kana baka mauna pa sayo ang mga ka meeting mo" utos ko mabilis naman siyang tumayo at nagtungo ng banyo.
" amethyst iha kumusta pakiramdam mo?" Tanong ni mommy
BINABASA MO ANG
I Will Always Love You Book 2 ( On Going )
RomanceVlogger na sila dito( XIAN & AMETHYST ) Book 2 na this! basahin po muna ang book 1 para mas lalong maintindihan.😄😘