XIAN
Maaga akong pumasok sa opisina dahil hindi din naman ako nakatulog ng maayos dahil iniisip ko pa rin ang sinabi ni Amethyst habang nasa CR siya nasa labas ako nun ng magsalita siya
" hanggang kailan mo kayang iwasan si xian? Kaya pa ba ng puso mo na nakikitang nahihirapan ang asawa mo? Nahihirapan di naman ako pero hindi ko lang maiwasang hindi isipin ang mga nangyari sa 5 taon na wala siya at becktoria na yun ang kasama nya" sambit niya.
Hindi ko din naman masisisi si Ganda dahil kasalanan ko din, kaya kahit ano ang mangyari hindi ko susukuan ang asawa ko sa pagkakataong ito.. napukaw ang atensyon ko ng pumasok si Nolan sa opisina ko.
" lalim ng iniisip natin insan ha,may maitutulong ba ako.?" Tanong nya saka naupo sa sofa. Inakala ko din na matatagalan bago nya ako kausapin yun pala hindi nakatiis.. tumayo ako para samahang siya maupo sa sofa.
" Si Amethyst kasi, feeling ko iniiwasan niya ako o para bang wala na siyang gana sa akin. Parang iba na kesa dati." Kwento ko
" haisst..alam mo kasi insan simula ng mawala kayo ni zach pinilit nya ang sarili nyang bumangon,at magpakatatag kasama na siguro dun pati yung nararamdaman nya sayo. You know what i mean right?" Sambit nya
" hindi, ano ba ang ibig mong sabihin?" Tanong ko
" ang ibig kong sabihin parang namanhid yung puso nya sa mga nangyari pero ang importante naman mahal ka nya, hayaan mo muna maghilom ang lahat then after new year bakit di mo siyang yayain magbakasyon? Yung kayong dalawa lang" suhestyon nya. Naisip kong may punto din si Nolan
" tama ka, at babawi ako sa kanya" nakangiti kong sabi pagkalabas ni Nolan ay nagpabook na ako ng ticket hindi sa ibang bansa kundi sa Batanes... gusto ko siya ulit dalhin dun.. sa lugar kong saan nagsimula ang lahat.. matapos kong magpabook ng ticket for two tinawagan ko si Ganda..
" Ganda" tawag ko sa kanya
" hemmn" sagot nya
" nasa ospital kana?" Tanong ko balak kong makipaglunch sa kanya baka mamAya si Ryan na naman ang kasama nya
" yes,why?" Tanong nya
" invite sana kita maglunch,okay lang ba?" Tanong ko
" ah ganun ba?, ano kasi..hindi ako makakalabas ngayon kasi may mga pasyente pa ako.early kasi out ko today" sagot nya. Bagama't nadisappoint ako inintindi ko pa din dahil trabaho nya yun at alam ko kong gaano ka dedicated sa work nya si amethyst
" ah oh sige okay lang sunduin na lang kita" sambit ko
" sure meet me at 5:00 pm" mabilis nyang sagot.. sabay baba ng phone nya.
tinapos ko ang trabaho ng hindi namamalayan ang oras. Nang tingnan ko ang wristwatch ay mabilis kong inayos ang gamit ko para lumabas ng opisina para puntahan si Amethyst..
Matapos ang isang oras ay nakarating na din ako sa hospital kong saang nagtratrabaho si ganda naghintay ako sa loob ng kotse kung saan matatanaw ko si amethyst sa paglabas nya. Maya-maya pa ay lalabas na sana ako ng makita kong palabas si Ganda at kasama ang Ryan na yun. Aaminin kong nakakaramdam ako ng selos sa tuwing nakikita ko silang magkasama at kung gaano kasaya si Amethyst habang nag-uusap sila. Pakiramdam ko wala na akong lugar sa kanya. Pero hindi ako susuko..hindi ngayon at hindi kailanman..
BINABASA MO ANG
I Will Always Love You Book 2 ( On Going )
RomansaVlogger na sila dito( XIAN & AMETHYST ) Book 2 na this! basahin po muna ang book 1 para mas lalong maintindihan.😄😘