XIAN
Dalawang araw na ako pabalik-balik sa mall nagbabakasakaling makita ko dun si Amethyst hindi rin pwede na magkita sila ni Becktoria kaya kailangan maunahan ko siya. Napukaw ang atensyon ko ng magring phone at si Becktoria nga ang tumatawag.
" bakit?" Tanong ko
" nasaan kayo? Please xian don't do this kayo nalang ang meron ako alam mo yan" sambit nya.
" alam ko pero sinayang mo lahat ng pagkakataon mo hindi naman aabot sa ganito kong natutunan mo lang mahalin ang anak ko. Pero hindi eh ikaw mismo ang sumira ng buhay mo Becktoria" sumbat ko sa kanya
" please xian, pangako hindi na ako uulit magbabago na din ako wag nyo lang ako iwan. Please..tell me kong nasan kayo ako na pupunta" naiiyak nyang sabi
" Hindi na.. takot sayo ang anak ko hindi ko alam kong ano mga sinabi mo sa kanya para masaktan siya kaya hindi ako papayag na walang gawin" sambit ko at agad pinatay ang phone kahit narinig ko pa siyang magsalita..
" Papa, sino po yun si mama?" Tanong ni Zach
" Anak, hindi siya ang mama mo" sambit ko sa kanya nakita ko naman ang pagbabago ng mukha nya
" okay" tipid nyang sagot saka pumasok ng banyo para maligo. Hindi ko alam pero simula ng malaman nya ang totoo parang mas gusto nya mag-isa kesa kausapin ako at hindi ko masisisi alam kong masasaktan siya kong malaman nya lahat.
______
TORI
Ahhh!!! Bwesit!" Inis kong sigaw dahilan para magtinginan ang mga costumer sa salon..
" hoy girl! Ano nangyayari sayo? Natatakot sayo mga costumer natin eh" saad ni tonya ang bakla kong kaibigan na business partner ko ng salon at matalik ko ding kaibigan mula pagkabata
" Sorry" mahina kong sagot saka lumapit sa akin
" ano bang problema mo? Sino kausap mo at ganyan ka kabwesit?" Usisa nya
" Si Xian" sagot
" oh ano kumusta sila? Kailan daw sila babalik?" Tanong nya
" wala na silang balak na bumalik sa akin bakla at hindi ako papayag" sagot ko
" eh ano gagawin mo?" Tanong nya
" hindi ko alam, isa lang alam ko hindi ko siya hahayaan na bumalik sa asawa nya" sagot ko saka tumayo at kinuha ang bag ko
" oh..oh.. saan ang punta mo?" Tanong nya
" may pupuntahan lang ako ikaw na bahala dito" bilin ko
" hoy girl! Kumalma ka ha baka pati puhunan natin dito sa salon mapunta sa pangpyansa mo" sambit nya hindi na ako sumagot pa at diretso nang lumabas para simulan hanapin sila Xian alam kong may mga kaibigan si Xian na alam kong nasan sila.
_______
AMETHYST
Hapon na ng matapos ang mission namin kaya naisip namin na mamasyal nalang muna kami at bumili ng mga pasalubong para sa pagbalik namin sa manila." Amethyst okay ka lang?" Tanong ni Ryan
" yeah, okay lang ako. Bakit mo natanong?" Tanong ko sa kanya habang namimili ng mga ipapasalubong nya
" Tahimik mo kasi eh" sambit nya
" wala, napagod lang siguro ako kanina dumagsa kasi ang mga tao sa venue natin kanina akala ko gagabihin na tayo" sagot ko
" Mommy, can we buy this?" Tanong ni zoe habang pinapakita nya sa akin ang ilang pack ng Dried Mango na favorite nya kainin kesa sa candy
" sure..lahat yan?" Gulat kong tanong sa kanya
" ah.. yeah.." sambit nya sabAy nagfinger heart kaya napangiti nalang din ako..
Matapos namin sa mall naisip naming bumalik na sa hotel dahil biglang umulan ng malakas pagkarating namin ay nagstay nalang muna kami sa lobby ng hotel para mag tea.. ilang sandali pa ay biglang kumulog at kumidlat dahilan para matakot si zoe
" sweetheart are you okAy" tanong ko sa kAnya
" a little bit mommy but i'm okay" sagot nya
" ang brave naman this girl" sabi ni Ryan
" hemmp" tanging sagot ni amethysp kay ryan sabat kunot ng noo
" bakit ganyan ka sa akin ha zoe? Nahehurt na ako ha" nakabusangot na sabi ni Ryan
" Samcheon, don't be sad na i like you naman as a friend of my mom eh it's just like gusto lang po kita inisin" sambit nya
" mag-ina nga kayo, pero seryoso zoe i like your mom too, liligawan ko na nga siya eh para maging Daddy mo na ako" pang-iinis ni Ryan dahilan para magsalubong ang kilay ni zoe
" Samcheon!" Pasigaw ni zoe
" wae? Ayaw mo ba akong maging Daddy mo?" Tanong ni Ryan habang ako nakikinig lang sa kanila
" No! Isa lang Daddy ko and beside you're too young for my mom" seryosong sabi ni Zoe dahilan para maibuga ko yung tea na iniinom ko
" anak, may problema ka ba sa akin?" Seryoso kong tanong dahilan para matawa sila ni Ryan
" hahaha mommy, You're so funny" tawang sabi ni Zoe. Kasabay ng pagkidlat,pagkulog at malakas na buhos ng ulang ay isang tinig ang umalingaw-ngaw sa lobby dahilan para magtayuan ang ilang at lumapit sa pinanggagalingan ng boses..
" help!!!!" Sigaw ng maliit na boses kaya tumayo na rin kami para makiusyoso
" mommy, what happened?" Tanong ni zoe
" i don't know baby" sagot saka hinawakan ko ang kaliwang kamay nya at Si Ryan naman sa kanan..
" omo!!" Gulat kong sabi
" wae?kilala mo ba yung bata amethyst" tanon ni Ryan
" yeah, siya yung batang tinulongan ko sa mall two days ago" sagot ko saka ko nilapitan ang umiiyak na bata
" liam?" Tanong ko
" help po!" Sambit nya habang umiiyak
" what's wrong? Ano ginagawa mo dito? Bakit mag-isa ka lang? Wala ka bang kasama?" Sunod-sunod kong tanong
" Amethyst kalma lang hindi masasagot lahat yan ng bata" awat ni Ryan
" Si Papa po inaaway ni mama" sambit nya habang umiiyak hanggang sa nagsigawan ang ilang tao sa lobby at laking gulat ko saan sila nakatingin lahat.
" D-Daddy" sambit ni Zoe habang ako di makagalaw sa kinatatayuaan ko na hindi ko alam kong isang panaginip lang ito na makita ang asawa ko sa ganitong sitwasyon
" Papa!!!" Sigaw ni Liam ang pumukaw sa akin nakatingin ang lahat kay Xian na tinututukan ng Kutsilyo sa leeg habang hindi ko na napigilan pa ang pagbagsak ng mga luha ko sa mga nakikita ko ngayon... Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ng makita ang babae sa likod ni xian na siyang may hawak ng kutsilyo.. ang babae ay walang iba kundi si...
BECTORIA...?
Itutuloy.....
BINABASA MO ANG
I Will Always Love You Book 2 ( On Going )
RomanceVlogger na sila dito( XIAN & AMETHYST ) Book 2 na this! basahin po muna ang book 1 para mas lalong maintindihan.😄😘