CHAPTER 26

363 12 4
                                    

XIAN

After 2 weeks ay nakalabas na kami ng hospital kasama si baby Zach kasalukuyan naming binabaybay ang daan papunta sa village namin habang tulog ang mga supling at si amethyst naman ay di maalis ang tingin kay Zach

" babe,what's wrong?" Tanong ko sabay tingin sa salamin para makita ang mukha nya sa likod

" i'm just happy na pinayagan na si Zach na lumabas" sagot nya

" ang tapang ng anak mo eh parang ikaw" saad ko

" kagwapohan ko lang naman ang nakuha nya sa akin" dagdag ko

" so what do you mean? Na pangit ako,ganun?" Seryoso nyang tanong

" ganda hindi sa ganun, alam mo namang ikaw lang ang pinakamagandang babae sa paningin ko" nakangiti kong sabi sabay kindat sa kanya

" bukod sa mommy mo?" Tanong ko

" well, kung sa ina ang pag uusapan siyempre ang mommy ko at mama mo ang pinakamanganda sa lahat pero kung asawa, jowa,mistress o anuman ang tawag sa kanila ikaw ang bukod tanging pinakamaganda" kalmado kong sabi makabawi manlang,

" bolahin mo pa ako Mr. Alcantaraz" saad nya

" hindi kita binobola ganda dahil hindi ko alam ang salitang yan pagdating sayo" sagot ko

" okay,naniniwala naman ako basta galing sayo" sagot nya sabay ngiti..yung totoo? Nanganak ba talaga ito? Bakit parang hindi bulong ko. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bahay sinalubong kami ni Nolan, Marcus at kuya Zeus para tulungan ibaba ang mga gamit naman sa likod ng kotse habang karga ko ang natutulog na si zoe.

" welcome home bunso!" Bungad ni kuya sabay silip sa mukha ni Zach na karga ni ganda

" naku pakacute naman nitong pamangkin ko. Manang-mana kay tito" sambit nya ngumiti nalang ako dahil gwapo din naman si kuya zeus.. matapos ibaba ang mga gamit namin ay sabay na kaming pumasok ng biglang..

" Surpriseeeeees!!!!!!" Sigaw nilang lahat na nandun si mama, si mommy, si miley, tita mel, yumi, lorraine at patrick.,

" welcome home fren!" Bati ni patrick ganun din yung iba binuhat muna ni ate si baby habang inaalalayan naman kong maupo ni ganda

" Thank you sa inyong lahat,masyado nyo namang ginandahan ang preparation" nakangiting sabi ni ganda

" syempre..ganun ka namin kamahal eh" sagot ni yumi

" Awww...pakasweet nyo naman..nakakatats" pabirong sabi ni ganda

" masaya ako para sainyong mag-asawa iha" mahinang sabi ni tita mel

" buti nalang at naabutan ko pang ipanganak ang baby mo sana bago manlang ako mawala ay makita ko muna ang mga magiging apo ko sa mga anak ko" nakangiti nyang sabi kahit ramdam naman naming lahat ang lungkot nya sa posibleng hindi siya umabot sa time na yun pero we're still hoping na balang araw makita nya muna ang magiging anak nila marcus at miley.

" mommy naman! Masaya tayo ngayon kaya dapat goodvibes lang" saad ni miley na nakahawak sa kamay ng ina

" tama po si miley tita, aabot pa po kayo sa time na yun,positive lang po tayo." Kalmadaong sabi ni ganda naputol ang sasabihin namin ng dumAting si lola

" andito na ba ang apo ko?" Tanong ni lola at labis ang tuwa nya ng makita si baby

Matapos ang party ay isa-isa kong hinintay makaalis aNg mga bisita maaga din sila umalis dahil may kanya-kanya silang appointment. Naiwan kami ni ganda habang pinagmamasdan namin ang mga anak namin. Ilang sandali pa ay narinig kong nagbuntong hininga si amethyst..

I Will Always Love You Book 2 ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon