CHAPTER 40

273 9 6
                                    

AMETHYST

Papunta kaming parking lot ni xian ng maramdaman kong hinawakan nya ang braso ko..

" Ganda.. Galit ka ba?" Tanong nya saka napahinto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Pinipigilan ko ang saril kong hindi maiyak..

" ano ba ang ginagawa mo xian? Bakit kayo magkasama ng babaeng yun?" Kalmado kong tanong

" gu-gusto ko lang naman siyang kausapin at pagsabihan na layuan na nya ako dahil hindi ko naman siya mahal ikaw ang mahal ko." Saad nya

" pero bakit mo hinayaan na mangyari ito..?" Tanong ko

" Ganda..i'm sorry hindi ko ginusto yun hindi ko alam ang mga nangyari" paliwanag nya at tuluyaan ng bumagsak ang mga luha ko dahilan para yakapin nya ako ng mahigpit habang nanatili lang akong nakatayo sa harap nyA.

" I'm sorry ganda..dahil sa akin nasasaktan ka ngayon hindi mo deserve ito.." saad nya habang nakayakap sa akin

" wag ka ng umiyak babe..ayoko sa lahat yung nakikita kang umiiyak at masakit din sa akin dahil ako ang dahilan ng sakit na nararamdaman mo ngayon na hindi mo naman dapat maramdaman... mahal na mahal kita babe sobra..." dagdag pa nya hanggang maramdaman ko na garalgal na ang boses nya saka lumuwag ang yakap nya at humarap sa akin.

" Ipangako mo sa akin babe na hindi ka susuko..at hindi mawawala ang pagmamahal mo sa akin.." sambit nya

" kahit kailan hindi mawawala o nawala ang pagmamahal ko sayo at kailan hindi kita susukuan pero may hihilingin lang akong pabor sayo" saad ko

" anything ganda lahat gagawin ko mapatawad no lang ako" sambit nya

" layuan mo ang babaeng yun,wag kang gagawa ng hakbang ng hindi ko alam..hindi pa ako handa na malaman nila mama at ng mommy ang mga nangyari as of now gusto kong tayong dalawa ang aayos nito..kakayanin natin ito" saad ko

" promise ganda lalayuan ko siya" sambit nya at muli nya akong niyakap

" thank you babe..mahal na mahal kita.." sambit nya

" mas mahal kita" sagot ko saka tinugon ang yakap nya.

Hindi ko alam kong kakayanin ko bang ilihim ito sa pamilya ko.ayokong magbago ang tingin nila sa asawa ko.. sana matapos na ito...

Pagkadating namin sa bahay ay nagulat kami ng makita si mommy sa sala..

" Surprise!!!!" Bungad ni mommy habang binababa sa crib si zach

" Mom?? What are you doing here?" Gulat na tanong ni xian

" surprise visit.. kahapon pa ako dumating naisip kong hindi magsabi sa inyo para isurprise kayo namiss ko kasi mga apo ko.." paliwanag ni mommy..

" saan ba kayo galing at bihis na bihis kayo ng ganito kaaga?" Tanong ni mommy

" ah naglakad-lakad lang po" sagot ko saka lumapit sa kanya at dinampian ng halik sa pisngi ganun din si xian

" kumusta namsn kayong mag-asawa?" Tanong ni mommy saka naman kami nagtunginan ni xian

" ok naman po mom minsan may hindi pinagkakaintundihan pero naaayos naman po" sagot ni xian sabay pisil sa palad ko

" buti naman..normal lang yung sa buhay mag-asawa ang importante nag-uusap at naaayos nyo yun..by the way baka magtagal ako dito sa pilipinas kaya sa condo na muna ako tutuloy" saad ni mommy.

Matapos naming mag-usap nagpaalam si mommy na aalis para dalawin sila tita yung parents ni nolan.. habang kami ay hinihintay na matapos maligo ang nga bata para mamasyal na din...


I Will Always Love You Book 2 ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon