CHAPTER 50

184 9 3
                                    

TORI

Pauwi na ako ngayon sa probinsya kasama ang batang ito na hindi ko alam kong ano ang gagawin ko dito. Wala akong alam sa pag-aalaga ng bata.. Matapos ang isang oras ay nakarating na kami sa Tacloban kung saan ako lumaki alam kong hindi kami mahahanap dito.

Pagdating ko sa bahay ay nakita kong palabas ng gate si Inay. Kita ko sa mukha nya ang gulat lalo nat nakatingin ito sa sanggol na bitbit ko.

" Tori! Anak andito kana pala bakit di ka nagsabi para naman nasundo ka ng Tatay mo" masayang sabi ni nanay.

" gusto ko po kayong surpresahin kaya di na ako nagsabi pa" palusot ko

" halika at pumasok ka muna ng makapagpahingA ka, ito na ba ang apo ko?" Tanong nya kasabay ng pagbuhat nya dito pinaubaya ko naman sa kanya yung bata.

" opo, pasensya na po at di ko kayo nasabihan" saad ko. Wala pa akong balak sabihin sa kanila ang tungkol sa bata hindi ko din sinabi sa kanila ang tungkol sa amin ni kristoff at hindi din alam ni kristoff ang tungkol sa pamilya kapalit ng pagsama sa kanya. Nang time na yun gusto kong suluhin lahat dahil ayokong madamay sila pwedeng gawin ni kristoff kapag di ko siya sinunod. Wala rin akong balak ikwento sa kanila ang mga nangyari sa akin sa maynila.

" Anak, hain imo asawa? Keano diri kamo mag-upod?" ( anak, nasaan ang asawa mo at bakit di kayo magkasama? ) tanong ni nanay alam kong itatanong nya ito kaya nakahanda ako.

" May trabaho po Nay, Asya waray na kaupod haam." ( May trabaho po nay, kaya di nakasana sa amin. ). sagot ko.

" Asya ba?, sige pahuway la anai ako nala mabantay it bata" ( Ganun ba?, Sige magpahinga ka lang muna at ako na ang magbabantay sa bata ). Sagot ni nanay kaya agad akong pumasok sa kwarto. Pagkahiga ko ay agad naman tumunog ang phone ko kaya sinagot ko yun.

" Hello" sagot ko

" Hi, Babe..how are you?" Tanong nya. Si kristoff ang tumawag

" okay lang naman, kailan ka babalik ng pinas?" Tanong ko

" why?  Do you missed me already? Gusto mo na ba akong umuwi?" Sunod-sunod nyang tanong

" Hindi naman sa ganun. Natanong ko lang" sagot ko. Siguro tama nga siya na nagbago na siya dahil sa mahinahon lang ito magsalita hindi gaya ng dati na para bang lage may kaaway kaya takot din ako magtanong.

" Honestly, hindi ko pa alam kung kailan pero sasabihan naman kita. Gusto ko lang masiguro lahat para mabigyan kita ng magandang buhay at sa magiging anak natin" seryoso nyang sabi

" Gusto mo na ba talagang mag settle down na kasama ako" tanong ko sa kanya hindi ko alam pero gusto kong maiyak.

" Kung gusto mo, kasi ako gusto kitang pakasalan at gusto kong ikaw ang magiging ina ng mga anak ko. Ikaw ang gusto kong makasama babe. Alam kong hindi ako naging mabuting bf ng magkasama pa tayo, masyado kitang nasaktan hindi ko naisip na mas masakit para sayo ang mga araw na yun." Saad nya kaya natahimik lang ako habang pinapakinggan siya.

" Nung nawala ka kahit kasalanan ko ang pag-alis mo Sobra akong nagsisi babe, naisip ko lahat ang katarantaduhan na ginawa ko sayo. Kaya ng malaman ko kung saan ka nagtratrabaho sinubukan kitang kausapin dahil dun nabigyan ako ng chance na bumawi at baguhin ang buhay ko para sayo." Sambit nya kaya di ko na napigilan pa ang humikbi dahilan para marinig nya yun.

" Bakit, ngayon pa kristoff?" Tanong ko

" bakit? Hindi na ba pwede? May iba na ba?" Tanong nya. Napatigil ako bigla naisip ko na kapag sabihin kong meron baka hindi ko na siya makita pa.. nawala na si xian ayokong pati si kristoff mawala pa. Pano ko bubuhayin ang batang yun.

" babe?" Tawag nya saka lang ako natauhan

" ah..wala naman basta bumalik ka lang sapat na sa akin yun" sagot ko

" I promise babalikan kita hintayin mo lang ako babe mahal na mahal kita" sambit nya bago naputol ang usapan namin.

Nagising ako ng may marinig akong iyak ng sanggol kaya bumangon ako para lumabas.

" Nay, ano po nangyari?" Tanong ko habang palapit sa bata

" Diri ak maaram kanina pa ini nagtitinuok" ( Hindi ko alam, kanina pa ito umiiyak ). Tarantang sagot ni Nanay ng dumating mga kapatid ko galing school kasama si Tatay

" Ate?!!!" Sigaw ng mga kapatid ko ilang taon lang ako nawala ang lalaki na nila.

" Ate, Kakan-o ka pa umabot?" ( ate kailan ka pa dumating? ) . Tanong ni Cassey ang sumunod sa akin na graduating na din sa kursong Accountancy ang pangatlo naman ay si Kirk, Criminology naman ang kurso nya ang pang-apat at panglima ay kambal naman nasa High School na si Euhana at Yohan.

" kanina lang" sagot ko habang buhat yung baby

" Ate, Ano it name ine nga baby?" ( ano ang name ni baby?" Tanong ni kirk. Natigil ako saglit para isipin ang bagong name ng batang ito. WILLIAM CLARKSON nalang atleast dala nya apelyido ni kristoff

" Ah Liam nalang itawag nyo sa kanya" sagot ko saka sila nagkumpol-kumpol para laruin yung bata.

Hindi ko alam kong hanggang saan ang kaya ko para maging ina sa batang ito kong andito lang sana si Xian magiging masaya siguro kami.. namimiss na kita Xian hindi naman mangyayari ito kong ako ang pinili mo. Pabintong hininga kong bulong sa sarili..

A/n:
Anneyeong haseyo chinggu! Sorry ngayon lang ulit nakapag UD. Salamat sa matyagang paghihintay.mag ingat kayo lahat..😘😘

P.S: baka humingi ng Favor. Bago ako magproceed sa next chapter baka may alam sa inyo gumawa ng book cover. Gusto kong palitan ng cover yung Book 1. Gawin kong book cover yung mapipili ko. Thank you in advance guys.. saranghae😘❤️

I Will Always Love You Book 2 ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon