AMETHYST
Kinagabihan ay nagkaroon ng dinner sa bahay lahat ng family ko dumating ganun din ang side ni Xian pero yung mommy nya hindi nakarating dahil nasa korea pa ito. Walang tigil ang pag-iyak nya ng tawagan ko at ipaalam na nakauwi na si xian at zach sa bahay nabanggit nya din na uuwi siya ng pilipinas as soon as possible..
" Naku ito na ba ang apo ko? Ang laki mo na iho. Diyos ko ang Apo ko!" NaiiyAk na sabi ni mama habang yakap-yakap nya ito
" Zach apo, maaaring hindi mo kami makilala kasi baby ka pa ng huli ka naming makita" dagdag ni mama
" Liam po ang pangalan ko" sagot ni zach napatingin naman si Mama sa akin.. ayokong pilitin si zach na tanggapin kami kailangan namin maghintay kong kailan siya handa.
" ah ganun ba? Okay lang yun kahit ano pa pangalan mo ang importante nakabalik na kayo ng papa mo" sambit ni mama lahat sila kinakausap si zach pero walang may lumapit kay Xian kaya nanatili itong nakaupo sa gilid na para bang naghihintay na may lumapit sa kanya para kausapin siya. Dahil dun nakaramdam ako ng awa para sa kanya pero hindi rin mawala sa isip ko ang ginawa nya na hanggang ngayon hindi ko maintindihan kong bakit kailangan nyang paabutin ng limang taon para magpakita sa amin gusto kong manghinayang sa limang taon na yun pero ngayon habang pinagmamasdan ko siya hindi lang awa ang nararamdaman ko dahil sa kabila nun hindi pa rin nabawasan ang pagmamahal ko sa asawa ko, siguro ko lang ng sapat na panahon para matanggap at makalimutan ang lahat..
Habang naghahahain kami ni mama ng makakain kasama si lorraine at ate ay napansin kong nilapitan ni kuya at Nolan si Xian..
" hoy sis! Okay ka lang? Wag kang mag-alala hindi bubugbugin nina Nolan ang asawa mo" sambit ni Lorraine
" Alam ko naman yun" tipid kong sagot
" eh kumusta naman kayo?" Tanong ni ate
" nakapag-usap na ba kayo ng asawa mo Anak?" Tanong namAn ni mama
" Opo, naipaliwanag na din nya lahat sa akin pero mahirap pa rin tanggapin siguro kailangan ko lang ng sapat na panahon" sagot ko sabay buntong hininga
" ewan ko ba diyan kay Xian! Kahit ano gawin ko hindi ko magawang magalit dyan sa asawa mo..tingnan mo nga oh parang napakainosenti pa rin ang mukha!" Inis na sabi ni yumi
" alam mo anak wala akong ibang gusto ngayon kundi ang magkaayos kayo ng makapagsimula kayo ulit alam kong mahirap pero kailangan kasi may mga anak kayo" saad ni mama
" soon po siguro ma kapag lubos na ako matanggap ni zach sa ngayon kasi wala pa rin siyang ibang kinkilalang ina kundi si Becktoria ayoko naman madaliin yung bata" malungkot kong sabi..
Muli kong tiningnan si xian pero wala na siya sa kinauupuan nya habang si zach at mga pinsan ay naglalaro naman paminsa-minsan nakikita kong tumatawa si zach at halos hindi rin siya bitawan ni Zoe..
_______
XIAN
Masaya akong nakatayo sa gilid habang pinagmamasdan sila mama at mga kapatid ni Amethyst, Masaya din naman ako na kahit paano nakakausap nila si zach Pero hindi ko pa rin maiwasan na hindi malungkot at the same time dahil para bang lumayo ang loon nila sa akin at naiintindihan ko naman yun..
" Ayos ka lang?" Tanong ni kiya Zeus magkasama sila ni Nolan ngayon kinakausap ako , pinilit kong ngumiti at tumango bilang sagot sa tanong nyA
" Long time no see InsAn" bati ni Nolan. Naramdaman ko naman ang pagtapik ni kuya zeus senyales na maupo muna kami.
" Alam mo Xian, magsisinungaling ako kung sasabihin ko sayong hindi ako nagalit sa ginawa mo. Limang taon kang nawala iniwan mo ang mag-ina mo ng walang pasabi dahilan para halos sumuko na si Amethyst kung hindi lang dahil kay Zoe nun siguro wala na ang kapatid ko ngayon." Seryosong sabi ni kuya
BINABASA MO ANG
I Will Always Love You Book 2 ( On Going )
RomanceVlogger na sila dito( XIAN & AMETHYST ) Book 2 na this! basahin po muna ang book 1 para mas lalong maintindihan.😄😘