XIAN
Habang nagdidinner kami ni zach naisip kong sabihin sa kanya ng dahan-dahan ang lahat napapansin ko kasing nanahimik siya this pas few days
" Anak may sasabihin papa ha at gusto kong makinig kang mabuti. Okay" saad ko kay zach tumango naman siya bilang sagot sa sinabi ko
" Hindi Liam ang totoo mong pangalan it was zach. If you asked me why hindi natin kasama ang mommy mo at ate zoe mo yun ay Dahil kinidnap ka ni Becktoria at dinala dito para ilayo sa amin. Galit sa akin ang mommy dahil sa pagkawala mo. To make the story short ginawa ko lahat para mahanap ka and thanks God dahil nakita ko kayo." Paliwanag ko
" bakit hindi po tayo bumalik sa kanila?" Tanong nya humarap ako sa kanya saka nagsalita muli
" sinubukan ko pero hindi pumayag si Becktoria pinagbantaan nya ang mommy mo pati si zoe kaya mas pinili ko nalang manatili para protektahan ka" dagdag ko pa
" pero ngayon sigurado na ako para sa pag-uwi natin" saad ko
" paano si mama?" Tanong nya
" kahit ganun po si mama mahal ko siya" umiiyak nyang sabi saka sya niyakap at nagulat kami ng biglang may kumatok dahil wala naman akong inaasahan na bisita.
" miss me?" Bungad ni becktoria ng buksan ko ang pinto.
" a-anong ginagawa mo dito? P-paano?" Gulat kong tanong sa Kanya saka hinawi ako para makapasok siya
" Sinabi ko na sa iyo na wag mo kong subukan" seryoso nyang sabi saka nagpunta sa may kitchen at walang ano-anong kinuha ang isang kutsilyo at marahan nya itong hinimas sa harap ni zach
" hi young man, di mo ba namiss si mama?" Tanong nya kay zach kaya mabilis kong kinarga si zach
" pakiusap Becktoria tumigil ka na! Itigil mo na kabaliwan mo dahil kahut kailan di ako mapapasayo!" Sigaw ko sa kanya saka ko binaba si zach habang umaatras palapit sa pinto
" Run!!" Sigaw ko kay zach at saka mabilis na binuksan ang pinto para makalabas siya
" papa!" Umiiyak nyang sigaw ng makalabas
" wag mo ng subukan xian kong ayaw mong tuluyang mawala ang anak mo at tingin mo ba na mag-isa lang akong sumugod dito? Kung ipagtatabuyan mo pa din ako anytime pwede kong kunin ang buhay ng anak mo, sige! Makipagtigasan ka lang" mariin nyang sabi parang hindi si Becktoria ang kaharap ko
" wag mo sasaktan ang anak ko.. sasama ako sayo!" Sigaw kong sabi saka siya lumabas habang nakahawak sa balikat ko at nakatago sa jacket ang isang patalim habang naglalakad kami sa pasilyo pati na rin sa paglabas ng elevator ay walang may nakapansin sa amin hanggang makarating kami sa lobby
" bwesit talaga yang anak mo kahit kailan! Gumawa p ng eksena!" Galit na pabulong ni Becktoria
" AMETHYST" mahina kong sabi ng makita ko siyang kausap si zach
" Daddy!" Dinig kong sigaw ni Zoe dahilan para di ko mapigilan ang mga luha ko lalo na ng tumingin sa pwesto namin si Amethyst Ang asawa ko na mahal na mahal ko bulong ko habang naramdaman ko naman ang dulo ng patalim na hawak ni Beckoria dahilan para mapangiwi ako at di ko inalis ang paningin ko sa asawa ko para bang gusto kong tumakbo palapit sa kanya at yakapin siya ng mahigpit.. sa wakas buo na kami ng pamilya ko..
" lumakad ka kong ayaw mong isaksak ko ito!" Madiin nyang sabi habang nakatutok na sa leeg ko ang patalim na hawak nya... ramdam ko din ang panginginig sa boses nya na para bang hindi nya inasahan ang mga nangyari...
BINABASA MO ANG
I Will Always Love You Book 2 ( On Going )
RomanceVlogger na sila dito( XIAN & AMETHYST ) Book 2 na this! basahin po muna ang book 1 para mas lalong maintindihan.😄😘