CHAPTER 27

277 9 1
                                    

After 3 months....

AMETHYST

( nakaharap sa salamin )

Anyare sa akin? Ako pa ba ito? Tanong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang kabuoan ng katawan ko. Aaminin kong simula ng ipanganak ko si zach ay unti-unti kong napabayaan ang sarili ko ang dating laging nakaayos ang buhok ngayon ay madalas nakalugay at buhaghag na.. ang dating maayos manamit ngayon ay wala ng pakialam kung ano ang hitsura ang importante maayos at naaalagaan ang mga anak.. ou, andyan si duday at grasya para tulongan ako pero iba pa rin yung ako mismo ang nag aalaga sa mga anak ko at naeenjoy ko naman yun kahit paano..napabuntong hininga nalang ako habang nagsusuklay ng biglang may kumatok..

" come in!" Saad ko sabay binaba ang suklay

" Ate, andyan po si mam loren at sir pat" saad ni duday

" okay sige, baba na ako" saad ko matapos ayusin ang sarili ay bumaba na ako,

" OMG! Baks ano nangyari sayo? Huling bisita ko dito eh nung binyag ni zach at kelan lang yun..saang digmaan ka galing?" Pang-iinis na tanong ni pat

" Tssk!" Irap ko sa kanya

" ou nga sis,pinapagod ka ba ng asawa mo? Ayyiiehh!! Masusundan na ba si zach??" Dugtong ni lorraine dahilan para mabato ko siya ng unan na nakapatong sa hita ko.

" buseet! Kung andito kayo para inisin ako magsilayas kayo!" Inis kong sabi. Wala ako sa mood eh..

" baks, nagsasabi lang kami ng totoo.. have you seen yourself in a mirror? Eh kahit tanongin mo yung salamin kung maganda ka ba eh ang isasagot nun ay yung mas maganda pa ako sayo.." mahinahon nyang sabi

" i know" tipid kong sabi

"Alam mong may nagbago sayo? Baka mamaya hindi na umuwi asawa mo" saad naman ni lorraine

" hindi ganun ang asawa ko" sagot ko kahit sa loob ko alam kong hindi perpekto ang asawa ko pero may tiwala ako sa kanya sapat yun para mapanatag ako..at nasasabi kong these past few months wala naman akong napapansin na kakaiba sa kanya..o baka naman hindi ko na siya nabibigyan ng time dahil mas marami ang oras ko sa mga anak ko. No...no..umiiling kong sabi sabi sa sarili

" hoy! Ano iniiling-iling mo dyan?" Tanong ni pat

" sis, alamo ko kung gaano ka kadedicated sa mga anak mo pero wag mong kalimutan na may asawa ka din" payo ni lorraine

" what do you want me to do?" Mahina kong tanong

" magdate kayo ng asawa mo besides andyan naman sila grasya at duday pati sila tita, kasi tingnan mo yung sarili mo pumayat kana,saka yang buhok mo kailan ka ba huling nagsuklay ha?" Sambit ni lorraine

" gusto mo bang magshopping tayo ngayon?" Dugtong ni pat

" not now.. sa weekend nalang" walang gana kong sagot

Matapos ang pag-uusap namin ay nagpaalam na din silang umalis kaya naman naisip kong tawagan si xian..

" hello ganda,my loves" masigla nyang sagot matapos magring ang phone nya..

" hi pangit,busy ka ba?" Tanong ko

" not really,why?" Tanong nya

" ahmn..wala namiss lang kita" sagot ko

" asuss! Hindi ka pa ba nagsasawa sa pagmumukha ko ganda?" Tanong nya para mapasmirk ako

" dapat ba magsawa na ako?" Balik kong tanong sa kanya

I Will Always Love You Book 2 ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon