CHAPTER 58

173 9 0
                                    

AMETHYST

Habang nasa eroplano Magkatabi kami ni zoe at si Ryan naman malapit sa bintana at sa kabilang upuan naman ay si xian at zach. Hindi ko alam kong bakit walang kibo si xian simula kanina ni hindi nga siya sumagot ng tanongin ko kong okay lang siya matapos makawala kay Becktoria dahil dun hinayaan ko nalang muna dahil marami siyang dapat ipaliwanag sa akin.

" Grabe di ako maka move sa ginawa mo kagabe amethyst akala ko sa mga kdrama lang may ganun eh" sambit ni Ryan habang ginagawa sa hangin ang pagbato ko ng payong kay Becktoria dahilan para mapangiti nalang ako sa ginagawa nya

" paano mo naisip yun?" Tanong nya

" duda ka pa ba?" Sagot ko

" ou nga pala, wala ka nga palang di kayang gawin kaya lalong tumitindi ang nararamdaman ko sayo eh" seryoso nyang sabi habang nakahawak sa dib-dib nya

" magtigil ka nga dyan!" saway ko sa kanya  habang pinandilatan siya nasa kabilang seat ko lang si Xian kaya alam kong naririnig nya yun at ramdam ko rin na nakatingin siya sa amin.

" Samcheon.. stop it.." pabulong na sabi ni zoe na kagigising la. Agad naman tumahimik si Ryan dahilan para mangiti nalang ako saka sumandal at bahagyang tumingin sa kinauupuan nila xian naabutan ko din na nakatingin siya sa amin at para bang may binubulong-bulong. Ngumiti ako sa kanya pero biglang sumandal at pinikit ang mata.. luhh! Ano yun? Galit siya? Pwes maghintay kang makauwi tayo. Bulong ko saka pinikit ang mata habang nalingon lang sa kanila...

____

XIAN

Nasa iisang eroplano lang kami nila amethyst at ang kasama nilang Doctor isa na dun yung lalakeng laging nakadikit sa asawa ko. Ano ba relasyon nila? Bakit ganun nalang yung closeness nilang dalawa? Inis kong bulong sa sarili ko habang palihim silang pinagmamasdan at di ko magawang magselos dahil nagagawa ng lalakaeng yun pangitiin ang asawa ko.. ako dapat ang gumagawa ako lang.. nakapikit si ganda at di mawala ang paningin ko sa kanya dahil sa limang taon na wala ako ramdam ko kong gaano ako kasabik sa asawa ko at sobrang miss ko na marinig ang tawa nya, ang kulitan namin lahat namimiss ko na sa kanya.. nabaling ang paningin ko ng magising si zach

" P-papa?" Tawag ni zach sa akin

" zach, bakit? May masakit ba sayo?" Tanong ko sa kanya

" Ano po mangyayari kay mama? Ikukulong ba nila ang mama ko?" Sunod-sunod nyang tanong

" kasi anak kailangan, nakita mo naman diba? Kong ano ginawa niya sa atin?" Kalmado kong paliwanag kay zach

" kahit na po. Mama ko pa rin siya" sagot nya habang nangingilid ang luha nya

" anak balang a-"" hindi ko natapos sasabihin ko ng mapansin kong nakatingin si Amethyst sa gawi namin

" anak pagdating nating sa manila sasabihin ko sayo lahat sa ngayon rest ka muna andito lang si papa" sambit ko saka niyakap siya at muling tumingin kay amethyst pero bigla siyang tumalikod at humarap kay zoe kita ko yung lungkot sa mga mata nya at kasalanan ko lahat yun..

Matapos ang mahigit isang oras at kalahati nakarating na kami sa bahay inakyat ko muna si zach sa kwarto dahil tulog pa ito si zoe naman ay umakyat na din kasi may gagawin pa daw siya na hindi nga kami nakapag-usap pa ng maayos sa gusto ko munang ayusin sa amin ni ganda..

Sinundan ko si amethyst sa kusina kumuha siya ng baso para uminom habang nakaharap sa lababo dahil dun hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin ang asawa ko.

" I missed you so much babe" sambit ko habang nakayakap sa likod nya ilang sandali pa ay naramdaman ko ang paghawak ng kamay nya sa kamay ko para humiwalay sa pagkakayakap ko.

" Gusto kong marinig lahat ng paliwanag mo Xian kong bakit bigla kang nawala sa panahon na kailangan kita?" Tanong nya

" Nagpaalam naman ako sayo diba? Na aalis ako at hahanapin ko ang anak natin" sagot ko

" limang taon yun xian.. limang taon kang nawala, mga taon na dapat pareho nating hinahanap si zach" naiiyak nyang sAbi

" pero kinailangan kong gawin yun" sambit ko dahilan para magbago ang ekspresyin ng kukha nya

" kinailangan? Bakit? Para sa babaeng yun? Para magkasama kayo? Sabihin mo plinano nyo ba lahat yun?" Madiin nyang sabi hindi ko naman siya kong saan nanggagaling ang galit niya

" may choice ka naman eh kong gugustuhin mo kaso pinagkait mo sa akin ang limang taon na dapat kasama ko anak ko!" Dagdag pa nya

" hindi ko ginusto yun babe..maniwala ka sa akin maraming beses kong sinubukan bumalik sa inyo kasama si zach pero lage rin akong naabutan ni becktoria, pinagbantaan nya ang buhay namin ni zach kaya i'm sorry kong mas pinili kong manatili dun para matiyak ang kaligtasan ni zach at ilayo kayo sa masamang balak ni becktoria" paliwanag ko

" kaya yun ang naisip mong paraan.ganun? Hindi mo ba naisip ang mararamdaman ko? Hindi mo alam kong gaano kasakit para sa akin na hindi lang ang anak ko ang nawawala kundi pati.. pati ikaw!" Sigaw niya habang

" halos mabaliw ako Xian.. at pati zoe muntikan ng mawalan ng ina.. kaya naman natin yun eh..maraming paraan para makawala ka kung sinabi mo lang pwede naman kitang puntahAn kung hindi mo kayang labanan ang babaeng yun!" Umiiyak nyang sabi

" Ganda, I'm sorry hindi ko alam" naiiyak kong sabi akmang yayakapin siya ngunit umiiwas din..

" I'm sorry dahil sa kaduwagan ko hindi ko na naisip yun..please forgive me..babawiin ko ang limang taon na yun pangako" sambit ko sa kanya.."

" ewan ko Xian! Ewan ko!" Madiin nyang sabi habang naglalakad papunta sa stairs

" Ganda please..andito na ako, andito na din si zach buo na tayo.ipinapangako kong hindi na ako papayag na mawasak ang pamilyA nAtin..please ganda patawarun mo lang ako" pakiusAp ko sa kanya

" hindi ganun kadali yun Xian, hindi ko alam kong paano pa kitang pagkakatiwalaan o dapat pa ngA bA kitang pagkatiwalAan" seryoso nyang sabi

" Hindi mo na ba ako mahal?may iba kana ba?" Nangingilid ang luha kong tinanong yun sa kanya alam kong hindi ito ang time para dito pero hindi ako papayag na siyA naman ang mawala sa akin

" Hindi ko alam" walang emosyon nyang sabi saka umakyat sa kwarto hindi ko na rin siya hinabol pa at muling nilibot ang paningin sa paligid ko.wala pa ring pinagbago ang bahay namin..gusto kong matulog sa tabi niya..bulong ko

Nagtungo ako sa sofa para matulog at magpahinga muna mamaya ko nalang ulit kakausapin ang asawa ko...



Itutuloy...

I Will Always Love You Book 2 ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon