CHAPTER 10: Vlog #3 kiss mark prank

415 14 3
                                    


XIAN

Hapon na ng matapos ang pinagagawa sa akin ni ganda, na kay mama na si zoe nauna onaman si ate pearl sa akin papuntang airport dahil kasama siya sa ambulance na magdadala sa mama nila miley sa hospital . Nakita kong tumunog yung phone ko at si ganda pero hindi ko sinagot dahil may plano ako. Inayos ko ang camera sa harap ng kotse.

" Hi guys this is my third vlog and i'm going to airport now para sunduin ang asawa ko" saad ko sa harap ng camera ng notif na naman ang phone ko at nagtext si ganda na nasa airport na siya

" so ayun guys katetext lang ni ganda nasa airport na daw siya kaya susunduin ko na siya at kanina naglagay ako ng lipstick kiss mark sa collar ko,ayan" saad ko habang turo sa kwelyo ng damit ko.

" nag spray din ako ng victoria secret perfume para isipin nyang babae talaga ang kasama ko" natatawa kong sabi sa harap ng camera

" tingnan natin kong ano ang magiging reaksyon nya" dagdag ko habang nagmamaneho papuntang airport buti nalang hindi masyadong traffic kaya nakarating ako ng airport after a minutes. Pagkarating ko ay nagsuot ako ng jacket para di makita ng ibang tao. Sakto naman nasa labas na si ganda kaya agad ko din siya niyakap at kinuha ang bag nya na inilagay sa likod ng kotse. Pagbubuksan ko sana siya ng makita kong nasa loob na pala siya. Infairness kinakabahan ako sa prank na ito bulong ko

" hi ganda..nakaalis na ba sila ate" tanong ko saka inistart ang kotse

" yeah" tipid nyang sagot sabay hawak sa noo nya at saka hinilig ang ulo sa may bintana

" are you okay ganda?" Nag-aalala kong tanong saka hinawakan ang kamay nya pero bigla siyang umiwas. Tumingin ako sa camera na pigil ang tawa.

" ang init" reklamo saka dahan-dahan hinubad ang jacket at sinigurado kong makikita ni ganda ang fake lipstick mark sa collar ko. Hindi ko pa nahuhubad ng tuluyan ang jacket ng bigla akong sinapak sa balikat ni ganda.

" arraaayy!! Naman ganda ang sakit" daing ko

" ganyan ka ba kaexcited makita ako para di mo matanggal yang lipstick sa damit mo ha?!" Inis nyang sabi habang pigil ang tawa ko

" calm down ganda! Baka mabangga tayo" saad ko

" stop the car!" Sigaw nyang utos sa akin at dun na ako natawa

" bakit?" Natatawa kong tanong

" i said stop the car.!!" Galit nyang utos dahilan para maapakan ko ng bigla ang brake at muntik pa siyang mauntog

" damn!!!" Daing nya habang nakahawak sa noo nya

" g-ganda okay ka lang? S-sorry hindi ko sinasadya nabigla ako eh.." nag-aalala kong tanong pero pigil na pigil yung tawa ko sa harap ng camera

" isang araw lang ako wala xian tapos susunduin mo ako ng ganyan may lipstick sa collar...amoy babae ang pabango mo! Wow! Just wow! Salamat sa pasalubong" maiyak-iyak nyang sabi dun na ako humagalpak ng tawa.

" tapos ngayon gusto mo pang maaksidente tayo para magkasama kayo ng babae mo?! Buset ka!! Nanggigil na ako sayo kanina pa pagkaamoy ko sayo!!!magloloko ka naman lang..galingan mo naman buseet ka!!!!!!" Tuluyan na siyang naiyak sa inis at galit ata

" hahahaha" tawa ko

"what's funny? Katawa-tawa na ba ako ngayon?! Di ka na nahiya!! Kainis ka!" Umiiyak na nyang sabi saka tumalikod sa akin

" hey babe.. it's just a prank!" Natatawa kong pag amin sa kanya saka pinakita ang maliit na camera sa harap nya at ang lipstick  at perfume na ginamit ko.

I Will Always Love You Book 2 ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon