spookify 5

193 2 0
                                    

FOOT STEP

Hi readers and admins 😊 sana po mapost ito. Ako nga po pala si pyro (not my real name) gusto ko lang po sana ishare yung naranasan ko nung gr. 11 ako sa bahay ng gf ko na ngayon ex ko na (di naman sya masakit hahahaha char) nangyari po ito nung February 2017, di ko matandaan yung exact na araw. So ito na nga, nag sleep over ako non sa bahay ng gf ko (di ko na sasabihin kung saan pero around Sta. Mesa Manila sya) dahil magmumula pa ako sa Quiapo kailangan ko pang sumakay ng jeep papunta sa kanila. Mga around 11pm na ng gabi nun ako nakaalis ng bahay at nakasakay ng jeep papunta sa kanila para magsleepover. Pagkarating ko sa bahay nila, siguro mga exact 12am na nun o mag12am na, agad akong bumati sa papa nya at ate nya (Apat silang magkakapatid, dalawa silang babae at dalawa ring lalaki). Ang itsura ng bahay nila, may dalawang palapag. Sa baba yung cr nila at kusina pati sala tapos sa iklawang palapag naman maya dalawang kwarto at terrace. Sa unang kwarto nandun yung ate nya which is solo lang nya at sa pangalawang kwarto naman ay sa gf ko at sa bunso nilang kapatid na itatago natin sa pangalang Rey tapos sa labas naman ng kwarto nila yung isa pa nilang kapatid na itatago naman natin sa pangalang Riv. So fast forward tayo. Pagakyat ko palang ng hagdan nila iba na agad pakiramdam ko, yung piling na parang may pumipigil sayo. Di ko nalang pinansin at nagpatuloy ako sa pagakyat pagdating ko sa 2nd floor nila tanaw mo agad yung terrace nila at putsa!! Sobrang creepy nya talaga dahil sobrang dilim tapos piling mo may nakatayo na itim na tao dun dahil sa mga nakasampay na damit. Kaya dumeretso na agad ako sa kwarto ng gf ko, pagkahiga ko parang may naaninag akong anino na dumaan pero di ko pinansin kahit deep inside kinikilabutan na ako at namamawis ng malamig. Mga 2am dinalaw na ako ng antok ko at nauna naring nakatulog non ang gf ko dahil antukin po talaga sya. Bago pa ako makatulog may narinig ako yapak, rinig mo talaga dahil parang sobrang bigat nung paa nya para makapg produce ng ganung sound. Iniexpect ko nun na baka si Riv lang yun, baka matutulog na sya (btw madaling araw na po talaga kung matulog si Riv dahil adik po sya sa LOL na isang online games) then pinalipas ko na ang gabing yun ng parang wala lang at natulog na. Pagkagising ko ng 8 ng umaga, ako nalang ang nasa kwarto dahil pumasok na sa school yung tatlo (ate at dalawa nyang kapatid) yung papa naman nya mas maagang pumapasok dahil 5am palang umaalis na sya para magtrabaho. Kaya ang mangyayare dalawa lang kami ng gf ko sa bahay nila. Bumaba ako para tignan kung anong ginagawa ng gf ko sa baba, pagbaba ko biglang bumukas yung pinto ng cr syempre kinabatutan ako dahil putsa kahiy minsan di pa ako naniwala sa mga sinasabi nilang mumu o kung ano anong kemerot nila na kababalaghan. So back to topic, pagbukas ng pinto, lumabas agad ako dahil wala pa gf ko nun baka may binili lang sya para sa almusal namin. Di talaga ako pumasok sa loob hanggat di pa sya dumarating. Pagdating ng gf ko di ko muna kinwento sa kanya ang nangyari dahil baka matakot lang din sya. So paglipas ng ilang minutong pagpapakalma pumasok na ako sa kwarto nya habang sya naman ay nagluto ng almusal namin (swerte ko talaga sa kanya dati) pagpasok ko ng kwarto nya sinarado koo yung pinto at naglaro ako ng mobile games sa phone nya para di ako mabored, after a minute may footstep nanaman akong naririnig, at dahil dalawa lang kami sa bahay expect sya yun pagkatapos nun palakas ng palaks yung footstep, yung alam mong papalapit na sa kinaroroonan mo yung tunog nya then pagkatapos nun biglang huminto kaya tumingin ako sa ilalim ng pinto (may shadow ka parin namang makikita dun kung may tao man sa labas o wala) may shadow sya kaya alam kong yung gf ko yun, then nung kumatok sya pinagbukasan ko agad at p***ng *na!! Walang katao tao, napatakbo talaga ako ng mabilis nun sa baba, yung takbong kala mo hinahabol ng aso, as in ganun talaga madapa dapa pa nga ako eh. Pagbaba ko gulat na gulat gf ko dahil sobrang nanginginig talaga ako nun sa takot at yung pawis ko tagaktak na sobrang lamig. Nung napakalma ako, kinwento ko sa gf ko yung nangyari at di manlang sya nagulat dahil takte alam nya pala yun at di manlang ako binalaan o sinabihan 😑 kinwento nya sa akin na lagi daw talagang may nagpaparamdam dun at sa cr naman nila minsan daw nagpapakita yung lola nila (a year ago nang patay) tapos sa terrace naman daw nila tuwing gabi may sumisitsit, pinabless na daw nila yung bahay kaso ganun parin daw talaga pero di naman daw sila sinasaktan kaya nasanay nalang sila. At dito po magtatapos ang aking kwento, pasensya na po kung may kahabaan at pakiintindi nalang po yung kwento baka po kasi may mali ako ng type eh hahahahahaha.

(Tr.UU)

HORROR STORIESWhere stories live. Discover now