6-B unit
Ako si tinang di ko tunay na pangalan haha tawag lang sakin ng mga hangal kong kaklase. Di ko na rin sasabihin ang lugar kung nasan ang apartment na tinutuluyan namin.
Ako ang nagrecommend sa apat ko pang mga kaibigan na mas ahead pa saakin na sa apartment na to nalang kami magrent since malapit sa school at maayos ang facilities ng buong building. Akala naming lima maayos at payapa kaming makakatulog at makakapag aral gabi gabi sa naturang unit pero nagkamali kami. Habang tumatagal kung ano ano na nararanasan namin. Makaraan ang ilang linggo ng paninirahan namin sa apartment, napagpasyahan naming umuwi muna sa kanya kanyang bahay namin. May hinihintay pa kaming isang naliligo non si ate kat tapos kaming apat nasa kusina nakaupo kami non pabilog habang nagkkwentuhan. Nung medyo natahimik na, may tumawag sa pangalan ko. Talagang rinig naming apat yun. At pakiramdam ko katabi lang namin kasi malinaw tsaka malapit lang yung boses. Pero ni isa samin walang kaboses yung tumawag sa pangalan ko. Sabi ko wag nyo sagutin kung di umulit. Si ate tel, one night habang nakahilata daw sya hindi sya sigurado kung tulog ba sya o namamalikmata lang. At dahil dalawang double decks ang nasa kwarto namin nasa taas sya ng kama ni ate cam bale dalawa kaming nasa taas. Naramdaman nyang may nakadagan sa kanyang itim tapos nakakita sya ng puro insekto sa may kisame moth kung tawagin. Tapos maya maya bigla nalang may tumapat sa mukha nyang itim. Hindi nya alam yung gagawin nya non hanggang sa napaiyak nalang sya yun ang kwento nya. Minsan din nagdala yung isa naming kasama ng bisita. Sabi ng bisita nya bakit daw parang may bata sa loob tapos kwento nya samin mabigat yung pakiramdam pagpasok nya palang ng unit namin. Wala naman kaming batang kasama. Isip bata pwede pa. Lols haha wala pa yan sa kalahati ng mga naranasan namin. Isang araw paalis ako ng apartment at naiwan din ako mag isa non doon pupunta ako sa bahay ng tita ko. Bandang 2:45 nag aayos pa ako ng gamit ko sa kama nila ate kay sa baba ng kama ko bale magkatabi yung kama nila ate kay at ate cam. Higaan ko yung nasa taas nila ate kay. Nung naiready ko na nagsalamin pa ako sandali sa labas ng kwarto tas bumalik ulit sa loob. Ayos ng konti sa fes tas konting kembot para makaalis na. 3:00 pm na tas pagkazip na pagkazip ko ng bag ko biglang may tumayong anino sa tabi ko sa kama ni ate cam. Hindi ko rin alam kung maniniwala ako sa nakita ko o dala lang ng pagka matatakutin ko. Kahit nung pagkatapos kong maligo pakiramdam ko talaga may nanonood saakin. Mambobosong anino -_- napatulala ako sandali saka ako nagchat sa GC naming lima kung ano yung nakita ko. Umalis na ako sa unit na yon kahit pakiramdam ko nagpapalpitate ako. Dahil sa mga nararamdaman namin at sa pagkkwento namin, hindi na kami makalabas ng kwarto tuwing gabi lol kahit pag iihi dapat may kasama pa. Isang gabi tatlo lang kaming naiwan sa unit sila ate cam, ate tel, tapos ako. Niyaya namin yung kaklase ni ate cam na doon na lang matulog baklush sya mamshie namin para samahan nya kami. Anong oras na yon palipat lipat din ako kung kanino ako tatabi dahil hindi ko alam yung kalalagyan ng aking pwet dala ng pagkamatatakutin. Hanggang sa nakatulog ako sa tabi ni ate cam. Nagising ako bandang 2:58 pagkacheck ko ng phone ko tapos napansin ko bukas yung flashlight nung kasama naming mamshie tapos gising pa sya. Yakap nya pa yung plushie kong piggy. Hindi ko nalang kinausap tapos nakatulog na ako ulit. 5:18 am na nung nagising ako halos ilang oras lang din pala ako nakatulog. Nagising ako kasi nagkkwento na ang mamshie. Sabi nya may maligno daw sa kwarto kagabi nung sya nalang yung gising. Pinag lalaruan daw sya kasi palipat lipat yung itim na maligno sa kama ko, sa ilalim ng higaan, sa tabi ni mamshie o kaya minsan dumadagan daw sa kanya. Hindi nya nga alam kung iiyak ba sya o hindi. Nakangiti sa kanya na ang pangit daw ng mukha. Kaya bukas yung flashlight nya hanggat hindi pa nagigising ang isa samin.Dahil sa kwento nyang yun hindi ko na kinayang maiwan mag isa sa apartment kasi may pupuntahan silang tatlo at maiiwan ako nagdecide akong umuwi nalang muna dito samin tutal wala namang pasok. Tapos ito pa Linggo non, kumpleto na kaming lima. Naglalaba nun si ate tel tapos dalawa kami ni ate kay sa loob ng kwarto bale ako nasa kama ko nakaupo tas si ate kay may ginagawa habang nakatayo. Sila ate cam at ate kat nasa sala yata. Maya maya nakaharap ako kay ate kay tapos nasa likod nya yung switch biglang nagsara yung ilaw. Nakita kong nagturn off yung switch pero walang nagpatay! Nainis non si ate kay PMS pa ata. Akala namin isa lang saming lima ang nagpatay. Nakita daw ni ate kay na may nagpatay ng ilaw lumusot daw yung kamay sa may pintuan kasi medyo bukas yung pinto nun nakita nya pa daw na tumakbo palabas yung nakakulay puti na yun kaya nainis sya pero takte ako nakita ko lang na nag off yung switch. Yung puting nakita nya, same daw yon sa nakita nya nung nagsasampay sya sa may terrace one time. Kinwento nya yun samin. Sinundan nya yung puti na yon kasi akala nya yung mama nung landlady namin which is oldie na at baka daw madulas sa hagdan hanggang sa umabot na sya ng hagdan wala naman daw tao. Nagmamadali syang pumasok sa loob non kasi natakot sya bigla. Kung sa bagay bakit naman daw ganon nakalutang yung puting hinabol nya. Mag aalas sais na kasi yon ng gabi. Every 11:00 pm hanggang 12:00 am din may naririnig akong tawa ng sanggol pag ako nalang ang gising pero binabalewala ko nalang yun kahit natatakot na ako. May kung ano anong elemento ata yung nandito sa apartment na to. May mga kasama kami sa loob ng unit na yon pero ang tatahimik nilang magkakapatid halos laging nasa kwarto lang. Tsaka magkakaiba kasi kami ng sched since magkaiba kami ng school. Yung panganay kaedad ko 17, tapos may mga kapatid syang 1 babae tapos dalawa pang lalaki na bata pa. Nagkataon na nagsama sama kami sa kusina lahat kaya tinanong namin kung may nararamdaman din ba silang iba dito. Sabi nya samin one time bago daw siya umuwi sa bahay nila tinawag nya yung kapatid nya. Akala nya andon pa yung bata kasi parang may tao pang nag iingay sa kwarto. Pero pagsilip nya sya nalang pala yung hindi pa umaalis tapos nakikita nya yung may nakasabit na nagssway. Nagkwento din sya ng brief history ang kwento daw parang ancestral house daw pala ito. Matagal nang nakatayo dito hanggang sa nagkautang ng malaki yung matanda who happens to be the owner sa owner na nitong apartment ngayon, wala syang naging pambayad tapos ito na yung ibinayad kaya nirenovate at ginawang pa-rentahan. Hindi daw to ganito dati. Basta malaking bahay tapos capiz yung mga bintana basta pang sinauna talaga. Pero thanks God kasi natigil na simula nung napadasalan yung unit 6. Napabless na rin sa pari. Nakakatulog na kaming lahat ng mahimbing after non wala nang namba-bother na spirits. Baka siguro nabulabog lang namin sila kasi ang iingay din namin that time nung baguhan palang kami. Hindi ako naniniwala sa multo o kahit anong maligno pero natatakot ako sa kanila haha dala na rin ng mga kwento ng mga nakakatanda at yung may mga experiences na. Maganda yung building kung titignan mo pero kung mahina ang loob mo talagang manlulumo kang tumira dito. Pray lang tsaka tiwala kay God. Mukhang di naman nananakit ang mga spirits at mga "not-like-us" creatures na yun. Don't judge ppl, skl naman to choice nyo naman kung huhusgahan nyo o may mga violent reactions kayo I don't mind HAHAHA.-matotinang