37

76 2 0
                                    

Salisi

Saturday: November 24, 2018. 1:54am.

Natapos na naman ang buong araw ng klase. Mula sa ikalawang palapag ng gusali na aking pinanggalingan ay bumaba na ako upang magpunta kung saan nakatigil ang aking sasakyan. Pero bago ako makarating doon, nakipagkwentuhan at nakipagkulitan muna ako sa aking mga kaklase habang pababa kami ng hagdan. Maayos silang nagpaalam sa akin at ganoon din ako. Kumaway ako sa kanila sabay ngiti tanda ng pagpapaalam habang kinukuha ang susi ng aking sasakyan. May mga estudyante sa bandang gilid na nag-uusap. Hindi ko sila maintindihan nang ayos ngunit alam ko na ang pinag-uusapan nila ay ang aking sasakyan. Bubuksan ko na sana ang pinto nang bigla akong napalingon sa aking kaliwa. Nakita ko siya. Si MJ. Ang kaklaseng aking hinahangaan. Tumingin din siya sa akin at bumati.

"Uy, Hello!" Sabi niya.

"Uy, Pauwi ka na? Sabay ka?" Aking tanong sa kanya.

"Oo, pwede?"

Hindi ko sinagot ang kanyang katanungan, bagkus tinawanan ko lang ito. Sa isip ko, napakagandang araw naman nito para sa akin. Ini-unat niya ang kanyang kamay, akmang naghihintay na aking hawakan upang tuluyan kong imbitahin sa loob ng sasakyan. Nilapitan ko siya, hinawakan ko ang kanyang kamay at tinulungan siya sa kanyang mga gamit.

"Hindi mo nakita si Ezekiel?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi e." Sagot niya,

Si Ezekiel ang madalas kong kasama pag-uwi. Ngunit ngayong araw na ito ay mukhang hindi siya sasabay sa akin. Wala rin akong ideya kung pumasok ba siya o hindi dahil nga ay hindi ko pa rin siya nakikita pasimula ang araw na ito.

Pumasok na kami sa sasakyan at dito na nagsimula ang kakaibang pangyayari. May pumasok na dalawang tao. Isang lalaki at isang babae. Nagwalang bahala ako dahil ang akala ko ay kasamahan sila ni MJ kasi siya ang nagpapasok sa kanila. Isinara ko ang pinto at pinaandar ang sasakyan. Apat kami sa sasakyan. Ako, na magmamaneho. Ang babae, na nasa tabihan ko. Ang lalaki na nasa likod ko. At si MJ na nasa likod din at katabi ng lalaki. Oo. Hindi ko siya (MJ) katabi sa unahan.

Tahimik sa loob ng sasakyan. Inakala kong mga kamag-anak sila ni MJ ngunit kitang-kita ko mula sa repleksyon ng salamin ang kanyang balisang mukha.

"Jee (nickname nya bukod sa MJ), kamag-anak mo?" Tanong ko na bumasag ng katahimikan sa loob ng sasakyan.

"Hindi..." ang sagot niyang nanginginig at nakapagpatirik ng aking buhok sa katawan

"HOLDAP TO! AKIN NA ANG KOTSE!" Ang deklara ng lalaking nasa likuran ko sabay tutok ng maliit na kutsilyo sa aking leeg. Sinabayan din ito ng babaeng aking katabi ng pagtutok ng kutsilyo sa aking tagiliran.

"KAPAG PUMALAG KA, PAPATAYIN KITA!" Dagdag pa ng lalaki na patuloy pa rin ang pagtutok ng kutsilyo.

Wala akong magawa. Kitang-kita ko kay Jee ang takot sa kanyang mukha. Kailangan mailabas ko siya dito.

"Inyo na ang kotse. Palabasin nyo muna kasama ko." Sinubukan kong makipagnegosasyon sa mga taong ito kahit alam kong pwede nilang hindi iyon sundin at sa bandang huli ay makukuha pa rin nila ang kanilang gusto.

Pinababa nila si Jee. At dahil maraming tao sa labas, ibinubulong ko sa sarili ko na huwag muna siya humingi ng tulong. Dahil kung humingi siya, tiyak tutuluyan ako ng mga taong ito.

"BABA!" Utos ng lalaking gigil na gigil na.

"Hindi... uurrggh!" Bago pa man ako patapusin ay ibinaon ng babae ang kanyang kutsilyo sa aking tagiliran.

"... yung bag ko lang boss... may projects ako..." Itinuloy ko ang pinutol na pakiusap.

Bumaba ang lalaki at binuksan ang pinto kung saan ako nakapwesto. Hinila niya ako at sapilitang pinaalis. At habang hinihila niya ako ay patuloy pa rin ang aking paglalapat ng diin sa aking sugat upang hindi ito masyado dumugo. Noong nakalabas na ako ay nilapitan ako ni Jee. Namumutla siya at nag-aalala ako ngunit mas bakas sa kanya ang pag-aalala para sakin. Pumasok ang lalaki sa kotse at ang mga tao sa paligid ay unti-unting nagkaideya kung ano ang nangyayari sa amin.

"HINOLDAP KAME!!!" Sigaw ko. Sabay harurot ng kotse upang tuluyang makalayo sa amin.

Tinangka ko pang habulin ang sasakyan. Nakita ko ang kakaibang plaka sa likod nito. Hindi ko masyadong matandaan pero lahat ito ay numero. 1501610? 1601018? 12016018? Hindi ko matandaan. Ang alam ko lang maraming zeroes ang plaka na iyon na nagpaalala sa akin na hindi ito ang plaka ng mga sasakyan sa Pilipinas. At hindi rin ito tunay na plaka. Ito ay panaginip lamang.

Namulat ang aking mga mata, tagaktak ng pawis at masakit ang tagiliran. Oo, masakit ang tagiliran ko. Wala akong ideya kung bakit ganoon ang panaginip ko pero buti na nga ay panaginip lamang.

-DOI

HORROR STORIESWhere stories live. Discover now