spookify15

109 1 0
                                    

"Auntie"

Wala nang intro intro.
Grade 3 ako nang may umupa sa bahay namin,bale pamilya sila,dalawang matanda tapos tatlong bata at yung tatay nung mga bata hiwalay sila sa nanay nila.

Yung isa sa mga bata ay naging bestfriend ko pumasok kami sa iisang school,bestfriend ko siya ng halos 6 years.

Lumipas yung ilang buwan namatay yung isang matanda na tinatawa nilang "auntie",si auntie ay matandang dalaga.

Pagkatapos yung isang matanda ay nanghina at namatay na rin.

Lumipas yung ilang taon gr.6 na kami lumipat na sila ng ibang bahay pagkatapos gr.7 ako umalis na talaga sila sa malayong lugar.

Pagkatapos nilang umalis dun sa bahay na inupahan nila dun na kami nakatira,dito na nagsimula yung mga kwento.

Hindi talaga kami doon natutulog sa bahay na yon,isang gabi bakasyon mag n-night swimming kami kumuha kami ng goggles na pang swimming ng kapatid ko dun sa inupahan na bahay karamihan kasi ng mga gamit namin nandon,tapos dahil excited kami kaya sinukat namin yung goggles at nagsalamin sa whole body na salamin,yung salamin kasi don at nasa tapat lang ng pintuan ng kwarto,pagkasuot ko nung goggles bigla akong parang nanigas kasi may nakita akong itim na babae mapayat siya nakasilip sa pintuan n katapat ng salamin,sa sobrang takot ko tumakbo ako palabas at sinigawan yung kapatid ko na bilisan lumabas ng bahay at i lock agad.

Simula nong kinuwento ko yon sinabi sakin na guniguni ko lang daw pero naririnig ko din sa mga tita at tito ko na nakitira don na meron nga daw doon.

Minsan daw may parang nagbubuhos sa bowl,tapos yung balde na walang laman bigla nalang tataon yung patayong nakataob,tapos kapag daw maraming hugasin sa lababo ay parang yung mga pinggan sa lababo ay pinagdadabugan.

Nung nalaman ko yon naalala ko si "auntie" kasi galit nagalit yon kapag may hugasin sa lababo.

Simula non ay hindi nako natutulog don.

HORROR STORIESWhere stories live. Discover now