spookify 4

209 3 0
                                    

MAGISA SA BAHAY

Good evening po sainyong lahat, i am an avid reader sa Spookify at gusto ko pong i-share sainyo yung medyo nakakatakot na mga nangyari sa akin sa t'wing ako lang ang nasa bahay. Noong una, wala pa namang nangyayari since kami kami lang ng pamilya ko. Yung kuya ko, bunso kong kapatid, nanay ko at papa ko. Ako lang magisa sa bahay kasi yung mga magulang ko at yung bunso kong kapatid umalis kasi may inaasikaso sila, yung kuya ko naman nagaaral kaya saktong paguwi ko palaging ako lang sa bahay.
Mga hapon nung ako'y umuwi galing sa eskwelahan, syempre napagod. Binaba ko na bag ko at dahil sa kaboringan ng magisa ka lang sa bahay, ang ginawa ko ay gumuhit ako artist din kasi ang papa mo Plinano kong gumuhit sa may sala sa labas ng bahay kasi maaliwalas doon at matatakutin kasi ako since magisa pako sa bahay. Makalipas ng maguhit ko na yung peyborit kong si luffy sa one piece hihi, may biglang sumitsit. Syempre dedma lang kasi maliwanag pa ang araw araw ay sunday. Hanggang sa pangalawang sitsit lumakas yung pagtugon. Kinalibutan ako kasi sa pangatlong narinig ko sa mismong tenga ko na. Lintik!!! Para bang bigla akong na-ground kasi parang tanga sa tapat pa ng tenga tinignan ko yung nasa tapat kong mga bintana kung may taong sumitsit, lumabas ako ng bahay walang tao at saka sa tenga ko galing bali mumu talaga. Tinawagan ko pa tita ko no'n di ko kasi matuloy yung pagguhit ko, yun na nga lang pede kong gawin e. Tas ang ginawa ko pagkatapos kong tawagan tita ko, binidyuhan ko yung bahay kung san ako gumuhit ang sabi ko "Hindi ako natutuwa sa ginagawa mo" medyo kalmado syempre pacool si koya, feeling strong. "Huwag mo nang ulitin yan" habang nililibot yung camera sa buong bahay na parang tanga.

Meron pa yung oras na ako lang ulit magisa sa bahay, gabi pa yun kasi palagi nila akong iniiwan huhu. Nagtutupi ako ng mga damit habang nanonood ng palabas sa tv. Ang view ko non yung tv syempre nasa harapan ko na nasa sala tas yung left view ng mata ko ay yung kusina. Habang nag mumulti-tasking ako, bigla nalang may itim, napakalaking kapa na itim basta ganun, tas nakalutang siya papuntang bodega sa likod. Connected kasi yung kusina at madaming nakatambak na mga gamit don. Ayun kinilabutan ako sa nakita ng maganda kong kaliwang mata, ang ginawa ko dali dali akong nagsindi ng mga insenso sa mga suluk sulukan ng bahay namin. Parang dadalawan lang ng mga demonyo e hahaha tas meron pa kaso naantok nako baka binabasa niya tong ipopost ko ngayon. Syete 😂
Wag magbasa sa madilim, open mo flashlight mo ng makita mo paligid mo jk lang HAHAHAHA

Oshyy

HORROR STORIESWhere stories live. Discover now