28

73 1 0
                                    

"Sixth sense"

Hi admin!! Matagal na po akong reader ng spookify, now, I just want to share my own story... Sorry magulo ako magkwento. Hahaha

Eto na nga... Nag start na nga lahat ng to I think 4 years ago... Lagi na lang may nagpaparamdam sakin na kung ano, but this is different, the fact na parang di talaga sila nanakot. Like these situations: lumabas ako ng bahay para mag basketball... dahil nga ginagamit ko cellphone ko, nahagip ng mata ko yung pinsan kong lalaki na dadaan sa tapat ng terrace namin, tatawagin ko na sana nya pero bigla syang tumigil sa likod ng poste ng bahay namin sa gilid ng terrace, kaya nagsalita na ko, "huy, gago tataguan mo pa ko, kita ko damit mo white" tapos tumawa pa ako. Nung lumapit na ako p*ta walang tao. Nakakagago na kaya lakad-takbo ako palabas........
May time din na nag pepeysbuk ako sa tapat ng gate ng bahay namin ng over 10 pm, nakaramdam na ako ng antok kaya lang  naiihi na ko, no choice e, nasa labas naman ako kaya dun na ko iihi, sa tapat ng bahay namin may nakaparada na jeep tas sa likod nun nay puno ng mangga, naisipan kong dun na umihi, kasoooo...... Papalapit na ko sa puno e may narinig akong tumawa, kala ko yung Tito ko yun na nasa loob ng jeep kaya sinilip ko sa loob, dahil madilim na ng konti wala akong makita tapos tumawa ulit pero iba na yung boses, gusto kong mag freak out pero naalala ko lalake pala ako. Hahaha. Eto talaga, nagpunta ako sa bahay ng klasmeyt ko medyo malayo samin pero naglakad lang ako, actually hindi talaga sya pinunta ko dun e, yung pamangkin nyang nililigawan ko, hahaha. Tapos ayun, nandun kami sa bakanteng bahay dun lang din malapit sa kanila, bandang 6 na ng gabi nag uusap pa din kami dun sa loob, napatigil ako sa pag sasalita ng may napansin akong anino sa cr, wala syang pinto pero may harang kaso kalahati lang yung kita, para syang naka suot na pang madre, tas may lalaki sa likod nya, at tingin ko, sakin nakatingin yung anino kaya nagtaka ako. Napansin ng nililigawan ko kung saan ako nakatingin, may ilaw na nanggagaling sa labas pero madilim talaga kaya natakot sya nun tas napakapit sya sa braso ko, imbes na matakot e natuwa pa ko. Sinabi ko sa kanya yung nakita ko, sabi nya yung babae daw at yung Tita nya, tas yung lalaki daw sa likod yung lolo nya, saka ko lang na realize nun kung bat nila ako tinitingnan. Dun ako nakaramdam ng takot e, family members na nila nagparamdam. Pero para makabawi dinalaw ko yung lolo niya sa sementeryo nung undas.
Minsan yang mga bagay na nararamdaman natin at wala talagang intensyong manakot, king*na yung iba nangti trip lang.
Salamat.

~Yu

HORROR STORIESWhere stories live. Discover now