Syani's Stories #002
Hi! Syanni ulit. Here's another story from me. Sana po magustuhan nyo.
Alam naman nating lahat na every undas eh naglalabasan lahat ng mga kakaibang kwento o experiences. Ito ang isa kung kwento.
Every undas nasa bahay lang kami. Kasi nga kapitbahay lang namin ang puntod nila Tatay at Nanay (mga grandparents ko po sa side ni Papa). Sabi nila pagNov 2 daw naglalabasan yung mga lamang lupa at mga kaluluwa. Pero for me. Wala naman. Tinawag na lahat kaming pamilya para makapagdasal na. Pagkatapos nun nagsipagkain na rin. Naging okay naman ang lahat. Medyo nalalasing na din sila Tito at Tita. So ako naman nagpasya nang bumalik sa bahay. Mga 200 steps lang naman yung layo. Buti pinayagan ako ni Mama. So ito na, tumambay lang ako sa kwarto at naglaro sa phone ko. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Nga pala yung higaan ko eh nasa tabi nang bintana. Nakadikit mismo yung bed ko sa pader at pagbumangon ako bintana na. At yun nga nagising ako. Pagdilat ko yung kisami yung nakita ko. Nakasabit pa yung ceiling fan. Lumingon pako para makita yung view sa may bintana. Normal na gising lang naman sya nang bigla kung naramdaman na parang ang hirap i-angat nang kamay ko. Nagtaka ako. Naisip ko baka naparalyze kasi nadaganan. Naisip ko ulit, bakit mapaparalyze eh normal ang posisyon ko. Don nako kinabahan. May mali. Tinatry ko syang igalaw. Wala talaga. Tinry ko ring igalaw mga paa ko. Nagawa ko naman pero ang hirap parang may nakahawak. Naalala ko na lahat sila nasa puntod. Pedi akong sumigaw at humingi nang tulong. Nung sisigaw na sana ako nakarinig ako nang maliit na tawa. Yung tipong galing sa maliliit na tao? Ang tinis nung boses at ang dami. Tapos biglang may nag-uusap pero di ko ma gets kung anong pinag-uusapan. Tapos magtatawanan ulit. Kinabahana ako. Feeling ko mga dwende. Nagulat ako nung may tumalon sa tyan ko. Wala naman akong nakita. Alam mo yung feeling na may kuting na tumalon sa tyan mo? Ganun na ganun. Tas ang ingay. Hanggang sa nagbabalikwas na ako. Natataranta na ako dahil may naririnig ako pero wala akong nakikita. Tapos parang hinihigpitan yung pagkakahawak sa kamay ko. Narinig ko pa na nagsalita yung isa sabi nya "wag nga kayong maingay gising na sya." Tumayo lahat nang balahibo ko. Meron pala talaga akong kasama! Nagtawanan ulit sila. Ang titinis nung mga boses. Nakakatakot! Sumigaw ako pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. Tinatry ko talaga na makawala. Pero wala talaga. Sumakit na mga binti at kamay ko pero wala. Hanggang sa naalala ko yung prayers na pinamana ni tatay. Yun daw ang dasalin ko kung nasa panganib ako. Paulit ulit ko yung sinasambit sa isip ko. Hanggang sa nakagalaw nga ako. Samalat sa Diyos. Dali-dali akong bumalik sa puntod at don ko lang napansin na pinagpapawisan ako nang matindi. At nung tinanong ako nila Mama kung ano nangyari sakin. Sinabi ko nalang na nagtalukbong ako natulog. Parang tanga lang diba?
After non, nilipat ko na yung higaan ko. Yung malayo sa bintana.
Syanni💕