21

89 2 0
                                    

"Hagdan"

Hi. Actually first time ko magconfess at saba mapost 'to, silent at avid reader din ako sa mga creepy post dito. (Pasensya na po kung hindi niyo feel, kasi hindi ako marunong magkuwento through typing and writing 😅) Grade 12 na ako ngayon at ishe-share ko lang yung experience ko nung Grade 9 hanggang grade 10. Lumaki ako sa probinsiya at nagtransfer dito sa siyudad noong Grade 5 ako dahil mas malapit sa hospital (sakitin kasi ako noon). 3 storey ang bahay namin and yung first floor (kusina namin) is parang underground kasi pagpasok mo 2nd floor na yun (yung sala namin) tas yung 3rd floor, every floor may tig-isang kuwarto. So eto na nga, it seems normal at first, kaso nung Grade 9 na ako nagsimula na yung odd happenings sa bahay namin. Yung kusina kasi namin floor mat lang yung nilagay sa floor kasi kasisimula palang bahay namin nun, so wala pang finishing touch kumbaga.. at sa first floor ako nagrereview (nasanay na kasi ako na doon magbasa) then one time nakita ko yung legs ng lola ko ( sa first floor, makikita mo kasi yung paa ng mga bumababa) at namukhaan ko din yung pantalong suot niya kaya sigurado akong siya 'yon tas yung pagstep niya sa hagdan is parang mabigat and makupad(alam niyo naman ang matanda na) pagkasulyap ko binalik ko agad yung mata ko sa notes ko pero naririnig ko siyang pababa pero nagtaka ako nang wala akong narinig na tumapak sa floor mat kaya lumingon ako pero wala akong nakitang lola ko. I mean sigurado akong siya yung pababa.. Tas may minsan ring pag nagrereview ako may naririnig akong bumababa ulit pero wala talagang tumatapak sa floor mat binilang ko yung steps simula 2nd floor hanggang 1st floor (14 lahat yon) tas nung marinig ko ulit sinimulan ko'ng magbilang at 13 lang yun naasar talaga ako nun kasi hindi ako natatakot hanggang sa dumating yung pinsan ko kasi dito siya nag-aral noong grade 11 siya so grade 10 na ako nun then after 3 or 4months nagtaka ako nung kumuha siya ng boarding house, minsan binisita ko siya then kinwento niya sa'kin na nkakaasar daw ako kasi paulit-ulit niya akong nakita na pababa tas tinatanong niya daw ako na kamusta school tas paglingon niya wala naman daw ako.. Tas nung umuwi daw siya ng maaga (2:30 pm ata or 3:00) lumamon daw siya agad at muntik nang mabulunan nung narinig niyang mahulog yung plato sa likuran niya kahit nasa safe zone yung mga plato.. Medyo naasar na daw siya non kaya lumipat.. Pagkagraduate ko ng grade 10 wala na akong naramdaman, wala na akong naririnig na pagtapak.. Ewan baka lumipat ng hagdan haha

-W.A.S.sup yow

HORROR STORIESWhere stories live. Discover now