33

75 0 0
                                    

Pasa-pasa

Hi 😊 sana mapost naman 'to mga be. Baka naman pang ilang chika ko na 'to eh.
Una sa lahat, 'di ko alam kung paniniwalaan niyo yung kwento ko basta gagawin ko ang aking makakaya para mailahad lahat ng nangyari sa maayos na paraan.
Tawagin niyo nalang akong Ash(di tunay na pangalan)(7 years old) Bata palang ako eh lehitimong napaka kulit ko na. Lagi akong nakasunod sa mga nakakatanda sa akin sa tuwing sila ay may gagawin tulad ng paghuhugad ng plato, pag wawalis, pag huhukay at iba pa. Wala lang trip ko lang talagang tumunganga habang may ginagawa sila. Isang araw, mga bandang 6pm na ngapit bahay kami nila mommy sa tita (bali lola ko na sya) ni daddy na isang bahay lang ang pagitan mula sa bahay namin. Kasalukuyan kasi noong nagpapagawa ng bahay sila lola ng bahay. Dahil ako ay makulit, mula sa bahay nila lola eh bumaba ako at pinuntahan sila lolo (asawa ni lola syempre) at yung gumagawa sa gilid ng bahay nila para sumilip at tumunganga. Naghuhukay sila noon para yata sa poso negro at sa tabi ng hukay ay mayroong isang puso ng santol na malaki. 'Di pa man ako nakakatagal sa pag tunganga eh sinaway na ako ni mommy at agad na pinaakyat sa bahay nila lola. Akala ko okay lang ang lahat pero ng gumabi na nag iba ang timpla. Napagpasyahan kasi nila mommy na kanila lola nalang kami maghapunan at nang matapos na kami kumain, kasalukuyan ng naghuhugas ng plato si ate Jan(di tunay na pangalan) bunsong anak nila lola na mga nasa 20's nung panahon na iyon bigla niyang nabitawan yung basong sinasabunan niya at nasugatan siya. Medyo malalim kaya't tumigil muna sya sa paghuhugas ng plato. Sa sala siya ginamot nila mommy at matapos siyang gamutin, dun na nag iba. Base sa natatandaan ko, nag inhale muna sya non na sobrang lalim tapos bigla syang bumagsak sa sahig. Naalarma ang lahat at agad siyang nilapitan, maya-maya pa ay dumilat si ate jan. Namumula ang nga mata nito at nanlilisik. Kahit bata pa ako noon alam ko ng sinasapian siya. Niyakap ako ni mommy at sila daddy, lolo at kuya rj(kapatid ni ate jan) e inalalayan si ate jan. Mga pre kitang kita ko dalawang mata pa! Lumulutang si ate jan mga hanggang tuhid yung angat niya sa sahig. Hawak nila daddy yung mga braso at binti niya pero nakakawala pa rin siya. Dahil may alam si daddt about sa mga sapi, he asked kung anong kaylangan nung sumapi. Nakalimutan ko na kung ano yung sinabi basta ang natstandaan ko nalang e sabi nung sumapi "huwag niyo kaming gagambalain" then dinasalan nila si ate jan mga ilang minuti din yun bago tuluyang lumapag si ate jan sa sahig. At nang matapos yung sapi, may dumura at may tumulong dugo mula sa itaas(di namin alam kung saan galing kasi may bubong naman sila lola). Pagkatapos noon ay nagsiuwian na kami sa bahay. Kinabukasan nilagnat ako at sinakitan ng ulo. As  in sobrang sakit parang binubutas yung sentido ko. Dinasalan din ako ni daddy tapos may pinasuot saakin na pangontra daw at ng lumipas ang ilang mga araw, umayos naman ang lagay ko. Bihira nalang kami oumunta kanila lola after noon, madalas sila nalang ang pumupunta sa bahay.  Mga ilang taon din ang lumipas bago ko nalaman na kaya pala ako sinasakitan ng ulo e way daw pala iyon nung entity para ako naman yung gamitin para sapian. Fastforward, 13 years old ako nun, birthday ni ate jan at may handaan sa kanila, kasalukuyang nakatira pa rin si ate jan kanila lola. Nagkasayahan, kantahan at iba pa. Mga bandang 9pm na kami nakauwi nila mommy then nung oras na ng pag tulog, syempre mag dadasal muna. Nakapikit ako nun at bahagyang napaoadilat habang nagdadasal. Patapos na ako sa saking pagdadasal ng magpakita saakin ang isang matipunong lalaki na nakasandong itim na may sungay. Opo, tama kayo ng basa matipuno, as in yung may muscle, maputi sya, at yung muka niya parang yung sa 'truth or dare" na movie. May pangil at may sungay. Di ko namalayan na labis na pala akong nanginginig noon at pinagpapawisan. Hindi ko mamamalayan kung hindi pa ako nakita ni mommy. Umiyak ako bigla ng makita ko si mommy at agad kong kinwento yung nangyari. Dinasalan niya ako at binigyan ng pangontra. Buwan din bago nawala sa paningin ko yung entity na nakita ko. Ngayon wala na sya, powerful talafa si God kaysa sa mga tropa ng masama. Kaya kayo if ever na nakakaranas kayo ng katulad sa naranasan ko, mag pray lang kayo 😗

Ash
20**
Cavite

HORROR STORIESWhere stories live. Discover now