TITO, TITA, KAYO PO BA YAN?
Hi Spookify, I just want to share my experience last week. Diko alam kung creepy or what, kayo na bahala mag judge. And admin, please hide my identity.
Hi, ako nga pala si Mj. Naniniwala ba kayo sa doople ganger? Diko alam kung exact spelling ko pero yun na yun. Nangyari to last week, ff. Pauwi ako galing school non then gutom na gutom ako tas sakto nakita ko si tita ko na papunta ng bayan to buy for dinner "Tita may pagkain po ba sa bahay?" tanong ko pero di sya nagsalita kaya ako wala nang nagawa kundi ngumiti nalang kaya ayun umuwi akong gutom. Ff, gabi na non pero wala pa si tita kaya i've decide na tanungin si tito kung bat wala pa si tita eh time na para sa dinner pero hindi rin sya sumagot kaya nanahimik nalang ulit ako. After ko tanungin si tito pumasok muna ako sa kwarto, nagphone muna saglit habang naghihintay na dumating si tita na bumili ng pagkain pero sa kalagitnaan ng pagiscroll ko sa facebook, nakita ko yung post ni ate na kasama nya si tito at tita sa tarlac so ako napaisip, pano napunta don si tito eh kausap ko lang sya kanina dito sa bahay? Kaya ako lumabas agad ng kwarto para tignan kung nasa labas si tito ng bahay, paglabas ko wala man lang katao tao sa labas as in. Kaya tinawagan ko si ate, tinanong ko sya kung nasan sila tito sabi nya sinundo daw sya ni tito at tita sa trabaho, dahil nga sa takot ko kaya binalewala ko lang yung nasa isip ko na "sino kaya yung kinausap ko kanina?" habang nasa labas ako nakaramdam ako ng malamig na hangin, alam ko sa sarili ko na hindi sya normal na hangin ang weird ko diba? So eto na nga nung naramdaman ko yun pumasok nako agad sa bahay, wala pang 5 mins may narinig akong nagbukas ng pinto kaya akala ko dumating na sila tito kaya ako naeexcite na mejo kinakabahan kasi nga diba yung nangyari pero i was wrong akala ko sila pero iba, iba talala, si tito at tita nga yung dumating pero yung doople ganger nila, gets nyo ko? Kaya ako kunyari wala lang alam kaya binati ko pa sila "Magandang gabi po tito tita" pero di sila nagsalita dumaan lang sila sa tabi ko pero yung aura nila iba, saktong paglagpas nila sakin nafeel ko ulit yung sobrang lamig na hangin, kaya ako pumasok agad sa kwarto, nagsearch about sa mga doople ganger. Then nagulat ako na saktong nagload yung sinesearch ko dumaan si tito sa pintuan ng kwarto ko pero nakalutang sya, ang weird sobra dahil sa takot ko nagsara na ko agad ng pinto at patuloy na nagsearch at confirmeeed. Doople ganger nga sila nung naprove ko yun nagpray ako agad, nagsabi ng in jesus name ng paulit ulit hanggang sa makatulog ako. Sa kalagitnaan ng tulog ko ginising ako ng tunog ng maingay na sasakyan kaya ako nanahimik muna hanggang sa tawagin ako ni tita upang kumain, tinanong ko sya kung san sila pumunta ni tito sabi nya sinundo daw nila si ate sa tarlac kaya ako bigla nanamang natigilan. Legiiit mga bes hanggang ngayon wala pa rin ako pinagkukwentuhan ng nangyari, salamat sa pagbabasa. Libre bash kung di kayo naniniwala haha. Yun lang salamat ulit admin, sana mapansin mo tong post ko.
carrots