spookify 9

138 2 0
                                    

Sampaguitang tuyot

Nais ko ibahagi ang aking kwento , ito ay nangyari lamang noong nakalipas na araw ng nov 2,2018.
Ok bago ang lahat itago nyo nalang pala ako sa pangalan rico, kasama ang tatlo ko pang kaibigan , si maya , si jason at si ely. So ito na nga , nag umpisa ang lahat ng gabing iyon , kami magkakatropa ay kakauwi lang galing sa cementeryo dahil naglinis at marami kaming inayos don, para medyo sulit na rin kaya kinabukasan na kami umuwi, kinagabihan, nagkayayaan ang tropa mag inom.
"Tra pare shot tayo" Nang aakit na wika ni ely,
" osige pare sagot ko na pitchell at baso" Nang aasar na tugon ni maya",
So ito na nga nag umpisa na kaming uminom. habang tumatagal ang inuman ay napapansin kong tahimik at tila pinapawisan ng malamig si jason, kaya tinanung ko sya'.
Ako: Oh pare bat ang tahimik mo ? may problema ba ? nasusuka kana ba ? maya kana tumagay",
Jason": hindi pare ! , ayoko lang kasi ikuwento naranasan ko kahapon dun sa sementeryong pinuntahan natin eh , baka kasi pagtawanan nyo lang ako . lalo't mga nakainom na rin kayo, "malungkot na wika ni jason"
Ako: Sige pare ako makikinig sayo, ikuwento mo lahat . umalis muna tayo at dun tayo sa sala namin . sabihin mo kung anong naranasan mo ok?
Oo sge " wika ni jason"

Oh sya aalis muna kami medyo nasusuka na kasi to samahan ko lang mga pre wait lang" wika ko kela ely at maya."
(At ito na nasa sala na kami)

Ako: oh pare aNo bang nangyari?
Jason: pare ganto kasi kahapon , habang nililinis ko yung puntod nung tatay kong adik napansin ko parang may konting dugo sa nitcho nya , medyo may konting letra kaya binasa ko."
Ako: oh ano namang nakalagay?
jason: wag tularan (Pabirong tugon nya)
Ako: pare yung seryoso ano nga ?
Jason: sge pare ito, alam mo kahapon nung papunta palang tayo sementeryo? may babae nakablusang itim at may peklat sa kabilang pisngi at tingin ng tingin saken.  may bitbit syang sampaguita na nanunuyot na pero di ko alam kung bat nya binibenta pa, so ayon nakarating na tayo sa sementeryo , fast forward ko na , ayan na naglinis na tayo ng kanya kanyang puntod , yung saken medyo malayo sa inyo kaya ako lang mag isa , may sumisitsit sa likod ko pag lingon ko wala naman , iniisip ko baka may pokpok lang o mga batang hamog na nandun , so ayun na nga dumilim na habang inaayos natin yung pupwestuhan natin dun sumaglit ako para umihin , pero pare shocks andun nanaman yung ale at may hawak na tuyong sampaguita pare nakakatakot pare nanlilisik ang mata nya , hindi ko lang ikinuwento sa kanila dahil nalaman ko na ang rason bat niya ako sinundan, nagagalit pala sya dahil yung puntod ng asawa nya ang ginawa nating tambayan.
pre ? pare , uy!

Jason: ZzzzZzzZzz!

HORROR STORIESWhere stories live. Discover now