Last Lamay
Magandang Gabi mga ka spookify, this is not my first confession here in spookify and yung first confession ko is di pa napopost hehe thats why di ko pa magawan ng part2.
Anyways, tawagin nyo nalang po ko sa pangalang Jay. Meron akong kaibigan na namatayan ng lola , leslie and laila po name nila. Magagandang dilag po mga yan chost haha , tag ko kayo pag napost to. So eto na nga namatay ang lola nila Last year of MAY. Last lamay nun ng makompleto kaming magkakaibigan , syempre pag kompleto ang kaibigan maingay puro tawanan habang naglalaro ng baraha. Then mga alas dos ng madaling araw nagkaayayaan ng matulog , di kinaya ang antok sa sobrang pagod na den siguro. So ako nagdesisyon kung san kami matutulog , gusto kong matulog dun mismo sa bahay ng dalawa kong kaibigan kung san namatay lola nila. Eto namang dalawa kong kaibigan ( yung namatayan) ayaw matulog dun. Baka daw may magparamdam ganun. E wala kaseng tao dun sa bahay nila , lahat ng pamilya nila at kamag anak nasa lamayan , dun na den natutulog. Buti nalang tong iba kong kaibigan pumayag na dun matulog , para adventure daw ganun . Mga ilang minutong pagpaplano , dun kami mismo matutulog sa bahay kung san namatay ang lola nila pero tong dalawa kong kaibigan ( by the way magkapatid po sila) dun sila sa tita nila natulog. Ayaw talaga sumama, mga duwag haha sharot. So eto na nga lima kaming matutulog dun sa bahay ng kaibigan namin. Dalawang babae at tatlong lalaki kaming magtotropang nagtapang na matulog dun. Isa naming tropa lola nya den yung namatay , so magpinsan sila nung dalawa kong tropa na di sumama. Anlek pangalan nya , yung isa namang lalaki Karl name nya , gwapo yan pero duwag nga lang wahaha. Tapos yung dalawang babae , jocelyn and shienamae ang name nila. So eto na nga , naglakakad na kami papunta sa bahay ng tropa namin, medyo malayo layo yung bahay sa pinaglalamayan. Nung nakarating na kami ng bahay nila , syempre nandun yung takutan pero ako nagtatapang tapangan para matuloy yung pagtulog namin dun. Medyo inaantok na den kase ako kaya pinipilit kong di matakot. Pag pasok palang namin ng bahay nila , welcome na welcome kami kase bukas lahat ng ilaw nila . So umakyat ng kami ng pangalawang palapag ng bahay nila. Actually yung bahay po nila is maliit lang. Yung pangalawang palapag nila is parang mga 6ft lang mga ganun. Kaya pwede kang tumalon galing ng taas. Then dun sa baba nila dun mismo namatay ang lola nila . Kaya nag uunahan kami umakyat nun pero ako pa ren nahuli kase ako ang pinaka matanda sa kanila haha . So yun na nga pag akyat mo higaan agad tapos masikip , kaya siksikan kami ng konti sa taas. Tapos ako gitna nila , dalawang lalaki sa left , dalawang babae sa right baka ano pang gawin ng mga hinayupak na yun eh haha. So etong isa kong tropa di pa humihiga , naggigitara pa pampawala daw ng takot saka para medyo umingay ingay naman kami sa loob. Habang naggigitara sya biglang namatay lahat ng ilaw, as in namatay lahat ng ilaw , tapos nagsisigaw na yung dalawang babaeng tropa namin. Tapos tumahimik sila nung may narinig kaming ingay ng electric fan , bumukas yung electric fan sa baba kahit na nakapatay lahat ng ilaw. Nanginginig na kami sa takot nun. Yung higa namin dikit dikit na kami , nagyayakapan tapos yung mga mukha nila naka siksik sa mga braso . Kabang kaba na kami , gusto na naming umalis pero di kami makababa baka kase may makita kami sa baba. Tapos bumukas na yung ilaw , nagpaplano na kaming umalis. Nung patayo na yung isa kong tropa bigla namang nagkikislap yung mga ilaw. Nagsisi iyakan na kami nun. Nanginginig na ko sa takot nun . Di ko alam kung pinaglalaruan ba kami lola nya o baka nagalit samin kase ang ingay nmin sa lamayan. Tapos yun na nga , nasa taas pa ren kami mag iisang oras na di pa kami nakakaalis. Narinig namin nawala na yung ingay ng electric fan tapos namatay na den yung ilaw sa taas. Yung nagsisilbing liwanag lang namin nun yung butas ng bubong nila saka yung pader nila , plywood kase yun. Tapos nagpaplano na naman tong isa kong tropa na bumaba. Pagkatayo nya bigla syang tumakbo papunta samin tapos humiga yumakap , nanginginig. Bigla daw kaseng bumukas yung ilaw sa baba tapos may kung anong nakaputi daw sa baba na nakatayo. Napapa mura nalang ako sa takot nun, pray nalang ako ng pray na palabasin na nila kami dito sa bahay na to. Nakakadalawang oras na kami sa taas, pawis na pawis na kami sa kaba. Ako naman , bilang nakakatanda. Pota naglakas loob akong maunang bumaba. Mga hayup. Basta kung anong makita ko babanggain ko nalang ganun nasa isip ko nun. Tapos yung pagtayo nagsitayuan na den tong mga kasama ko. Tapos sabay sabay kaming nnagsitalunan pababa, e yung daan nun maliit lang. Yung tipong pag akyat mo sa taas nila sahig agad. Wala ng pinto mga ganun. Kaya nung nagsitalunan kami , nagkada ipit ipit kami sa butas. Di kami makaalis sa butas. T@ngina yung tipong nakabitin kayong lahat dun sa butas . mga baliw kase sabay sabay nagsitalon. Tapos nung pinilit kong makawala sa ipit saka nagsilaglagan yung mga tropa ko , yung iba lumagatok pa yung likod sa may hagdan. Tapos bigla pang namatay yung ilaw, di na namin kinuha yung mga tsinelas namin basta makaalis lang kami dun. Nagtatakbuhan kami sa kalsada papunta ng lamay , mga nakapaa lang kami tapos ang putik pa ng daanan. Nagulat yung mga tao sa may lamayan bat daw kami nagtatakbuhan. Tapos kwinento namin sa kanila yung nangyari. Baka daw ang ingay namin e ayaw daw ng lola nila nang maingay. Tapos nagpasama kami sa tatay ng kaibigan ko para kunin yung mga tsinelas namin, pag punta namin dun nakabukas na lahat ng ilaw. Parang wala lang nangyari.End
RIP lola lindaJay