“He's my Best friend”
This story happen since 2009.7 yrs old ata ako nun.
Ganto kasi yun I have my imaginary friend its a boy.Pinangalanan ko siyang Mage(di ko alam kung saan ko iyo na kuha bigla nalang pumasok sa isip ko.)
Nung time na nakilala ko siya sa panaginip lang pero nagulat ako nun ng bigla nalang siyang nag pakita sa real.He's my first time friend during that time.
So ayun na nga iyon,yung una kasi nun sa panaginip ko umiiyak ako kasi you know pag bata kasi lapitin sa bad dream. Yung sa panaginip ko kasi hinahabol ako ng isang matandang baliw,may hawak siyang kutsilyo papatayin niya daw ako at hahabulin.Tass ayun na nga yung malapit na yung matandang baliw bigla nalang nag pakita yung si Mage(my friend) hinawakan niya yung kamay ko(yieh hawak kamay)tsaka dinala niya ako kung saan.Yung time na magtatanong nako ng pangalan niya bigla nalang siyang ngumiti tsaka niya sinundot yung noo ko,yung time na yun nagising na ako.Nainis nga ko eh kasi di ko man lang natanong pangalan niya.
Yung kakauwi ko palang mula sa school pumunta agad ako sa kwarto para gumawa ng homework(di ba masipag) tass nagpahinga yung icoclose ko na sana yung eyes ko May bigla nalang kumatok.So tinignan ko kasi syempre na curi ako kung sino.Namilog yung eyes ko ng makita ko kung sino iyon,it was him.Sabi ko pa nga totoo pala siya tass ngumiti lang siya.Tinanong niya ko kung ano daw ginagawa ko sabi ko matutulog na sana.Dun na nag start yung pagiging mag friends namin.Lagi niya kong pinupuntahan kapag mag isa ako sa bahay so ako naman lagi siyang pinapapasok.Feeling ko kasi nun kapitbahay lang namin siya.Pero yung time na yun nagtaka ako kasi bigla bigla nalang siyang nawawala kapag nanjan nayung Nanay ko.Yung pumunta ulit siya tinanong ko siya kung bakit siya bigla nawawala ang sabi niya dumadaan daw siya sa bintana.Binalewala ko yun.T umagal yung pagiging magkaibigan namin ng 2 months and 3 weeks(di ba bilang na bilang.)I was happy kasi lagi siyang nanjan para icomfort ako kapag May problema.Until one time na-realize ko na yung sa bintana pala ng kwarto ko kapag tatalon ka dun natutusok ka kasi gate natin nama'y patusok na parang diamond sa dulo(yung alam niyo yung gate nama'y diamong na patusok sa itaas ng dulo yung ganon ba basta ang hirap i-explain.)Nagulat ako kasi kung doon siya dadaan edi mamatay siya nun,yung time na nagtaka ako tinanong ko siya sabi ko paano ka makakatalon sa bintana ko eh kung delikado dun pero ngiti lang yung sinabi niya tass sinabi niya lang bye na.Yung sinabi niya yun nag oo lang kasi nga akala ko uuwi na siya sa kanila.Kinabukasan inantay ko siya para sabihin sa kanya na with honors ako.Di siya sumipot sabi ko sarili ko baka busy lang.Inantay ko siyang 2 days wala pa din siya dun naako kinabahan.Tinanong ko sa nanay ko kung nakita niya si Mage.Pero ang sagot ni nanay ang nag pa kaba sa akin.Ang sabi niya sinong Mage daw iyon tass sabi niya pa ba't lagi daw akong May kinakausap sa kwarto kahit ako lang daw mag isa.Tumatawa at umiiyak daw ako sa kwarto ng mag isa,sabi pa ni nanay kung May saltik daw ako sa ulo kung meron daw ipapagamit niya nalang daw ako.Nag taka ako sabi ko kung ano ano pinag sasabihin ni Nanay eh wala naman akong saltik.Sabi ko sa kanya si Mage yung kinakausap ko lagi tass tinanong niya ko kung sino si Mage sabi ko kaibigan ko po iyon Nay!,lagi siya pumupunta sa kwarto para lang pasiyahin ako.Sabi ni Nanay nababaliw na daw ako kasi daw minsan chinecheck niya ko sa kwarto kung May kausap daw ako pero kinakausap ko daw ay wala.Naiyak na ako nun sabi ko totoo yun si Mage he's my friend eversince na nakatira siya diyan sa kabilang bahay.Mas nagulat pa ako sa sinabi ni Nanay wala naman daw nakatira sa kabilang bahay dahil kabilang kalsada na daw iyon.Kwinento ni Nanay kay tatay Yung mga pinagsasabi ko tass ang sabi ni tatay Imaginary friend ko lang daw iyon. Sabi ni Tatay nagkakaroon ka daw nun kapag lonely ka or wala kang kaibigan.Totoo naman kasi,nung Grade 2 ako I DON'T have any friends,kasi pag nakikipag usap kasi ako sa ibang tao parang kinakabahan ako yung tipong nanginginig ako tass kung ano ano pa iniisip ko kapag nakikipag-usap ako sa ibang tao.Yung mga oras na yun dun na nabuo yung paghihinala ko na kaya pala siya lagi nawawala ng biglaan,kaya pala siya laging May sinasabi na “YOUR MY FRIEND AND DONT FORGET ME.”Kaya pala niya sinasabi sa akin na lagi siyang dumadaan sa bintana.Imagination lang pala lahat.Iyak ako ng iyak kasi para sa akin totoo lahat ng nangyari sa aming pagkakaibigan.Para sa akin si Mage is cute,moreno,parang laging Naka contact lence kasi mabilog yung mata niya its redish brown,tass yung ilong niyo matangos,And yung labi niya okay lang naman labi padin.L agi siyang Naka polo na Grey at tokong na maong,naka paa din siya.Di ko toh makakalimutan kasi para saakin totoo lahat di man nakakatakot atleast na share ko din toh.
For me Mage is my true best friend.H e's my true Best friend.