Memento Mori
Back when I was in my elementary days. Chika noon sa campus namin na dati daw sementeryo ang kinatitirikan ng paaralan namin. Tapos naging hospital at naging school na nga. Yung school namin ay originally elementary school lang siya and yung katabi niya ay mapunong bakanteng lote lang.
Nang mag-grade5 ako inumpisahan nang putulin ang mga puno sa bakanteng lote na yun dahil gagawin daw high school.
Dahil nga mga malalakas trip naming magkakaibigan nang umagang yun nagtrip kami. Naglaro kami ng mata-mataya. Habulan dito, habulan doon.
Then later dahil nga mga pasaway kami nagkayayaan magcutting hahaha... sabi ng isa kong kaibigan sana daw walang pasok or walang teacher.
Medyo dumadami na kami sa room dahil dumadating na rin ang mga kaklase. Nagkalokohan kaming magkakaibigan na kunyare sasaniban si (friend1) para pauwiin kami hahaha...
Pero siyempre di namin ginawa. Lokohan lang talaga. Siguradong guidance ang aabutin namin kung ginawa talaga namin yun.
Later on dumating na rin teacher namin. Math mga besh! So ayun blah.. blah.. blah.. then nagpaalam si ma'am sandali dahil kukuha lang daw ng chalk (kakasolve niya sa pisara nakaubos siya ng 3chalks!)
Edi daldalan na naman kaming magkakaibigan. But suddenly si (friend1) biglang tumayo. As in sa sobrang biglaang tayo niya natumba pa yung upuan niya. Edi kami nagtataka iniisip namin kung anong drama niya. Nakatayo lang siya ng nakatungo tapos tumatawa. Ang creepy ng tawa niya. Yung tawang pangdemonyo $*#t!
Edi kami nagkatinginan magkakaibigan, iniisip namin na baka ginawa nga niya yung kalokohang napag-usapan namin kanina. Edi ako tumayo para batukan siya. Sabi ko "hoy gaga pabalik na si ma'am tumigil ka diyan baka maguidance pa tayo" pero walang effect mga teh! kyah! Tumigil lang siya ng tawa pero nakatayo pa din. Tumayo na yung tatlo pa naming kaibigan para paupuin siya nang bigla niya kaming lingunin ng tumitirik ang mata niya! Yung tipong halos umangat na talaga yung itim ng mata niya. Yung tingin niya samin galit. Kami naman siyempre dahil nga alam naming siraulo kami, kahit kinakabahan, di kami naniwala. Pinapatigil pa din namin siya. Pero $&@%@#*% bigla siyang nagsalita ng latin. Di namin maintindihan. Talagang nagpanic na kami. Kasi english nga di marunong yung (friend1) namin na yun latin pa kaya?
Napasigaw si (friend2) "*@&$$-@! Tawagin niyo si ma'am!"
Edi lahat kami nagpanic. Tumatawa na naman si (friend1) pero this time pinupukpok na niya yung desk gamit ang kamao niya.
Tumatakbong bumalik yung teacher namin at nakita niya yung kaibigan naming ganun nga. Wala na sa sarili.
»fast forward
Maaga kaming pinauwi non. Lahat ng grades. Tapos pinabendisyunan yung school namin. Salawang araw di nakapasok yung kaibigan namin na iyon dahil namaga yung kamay niya. Nung tinanong namin siya kung naalala niya yung nangyari sabi niya ewan, parang nananaginip lang daw siya ng gising. Tapos may sinabi pa siya na di ko na masyadong naintindihan.
Di lang yun ang huli dahil after weeks meron na namang sinapian sa school namin. Tatlong linggong sunud-sunod yun.
Hanggang dito lang po muna. Marami pa akong experiences next time na lang ulit.-MariaNgGlobal