"Alone"
Itago nyo nlng ako sa pangalan na Pakundo,
Nagumpisa ito nung 8 years old ako, sa bahay namin na secondhand, dito na kami lumaki ng 3 kapatid ko, nabili yung bahay ng lola ko nung 1992, so matagal na kami nakatira dito.
Nung bata ako madalas kami nag away ng kuya ko, nung 8 years old ako nag away kami ng kuya ko at umiyak ako sa garahe namin, yung kuya ko nasa labas nkkpaglaro, ako lang nasa bahay nun nasa work magulang ko, habang umiiyak ako, napatulala ako at nanlamig nung nakita ko sa loob ng bahay nakatingin sakin yung babae medyo payat na matanda maputi ang mukha, naka ngiti sya ng todo sa akin, sa sobrang takot ko tumakbo ako palabas kasi wala ako kasama.
Simula noon nanaginip na ko na kaming dalawa ng kuya ko hinahabol kami ng matandang babae na nakangiti pero ang bagal ko yung kuya ko iniwan nya ako.
Simula nun lagi ako naaksidente dahil sa kuya ko, una naglalaro kami ng sinisigaan na mga basura ng nasaboy nya sa akin yung nag aapoy na plastic na tumama sa braso ko, Pangalawa ng naglalaro kami sa puno natusok yunh binti ko sa pako sa puno, pangatlo, nasagasaan ako sa tapat ng school kasi tinawag nya ako nung bumibili ako ng pancake sa gilid ng daan. Bukod dun sunod sunod na kamalasan nangyari sakin nubg bata ako. Ang tawag na nga sakin sa school dati nung grade 3 ako mr. Accident.
After 13 years, ako nalang ang nakatira sa bahay namin, naghiwalay na parents namin, yung tatay ko at kuya ko, nasa ibang bansa, mama ko at bunso ko nasa probinsya namin sa lolo ko, so ako nlng natira dito sa bahay dahil wala daw mag aalaga at magbbantay dito at dahil gusto ko na din tapusin pag aaral ko dahil mlpit ito sa school ko. Ang tanging kasama ko lang ay dalawa kong aso.
Simula nun mag isa na ko, lagi ako na sleep paralysis, natutulog ako lagi sa sala dahil bakante lahat ng kwarto. Sa panaginip ko na trap ako na paulit ulit, akala ko gisinh na ko pero hndi. Yung matandang babae na nakangiti sa akin papalapit sa akin, nag iba istura nya, nagkaroon sya ng balahibo sa leeg na parang manok, at nanginginig yung ulo nya habang papalapit sa akin, lumapit yung muka nya sa tenga ko at binulong na "sino na ang tutulong sayo?" Sa sinabi nyang iyon nagalit ako sa kanya at pilit ko ginalaw ang kamay ko at dinurog ko mata nya at nilamutak ko ang muka nya at nagising ako. Lagi na ko na sleep paralysis simula noon at nasanay na ko lagi ko sya nilalabanan sa panaginip ko. Simula noon ako nlng, ewan ko pero aaminin ko naging depress ako. Nakipag hiwalay ako sa Gf ko na 4 years dahil tingin ko hndi ako okay para sa kanya. Sinasaktan ko sarili ko, madalas kpg naiisip ko wala ng kwenta buhay, sinusugatan ko sarili ko. Umiinom ako ng alak para magka lakas ng loob mag bigti at tapusin na etong kamalasan at bangungot sa walang kulay na buhay ko.