41

79 1 0
                                    

Apartment Nightmare

Hi Spookify, avid reader po ako at gusto ko lang ishare tong experience ko.
-----

Medyo mahaba po ito at hango naman sa totoong kwento na nangyari sa amin sa apartment sa may Cainta.. Sana magustuhan niyo ang kwento kahit medyo magulo kasi di ako marunong magkwento hahaha.

Simula nung napunta kami dito sa Cainta, palipat lipat kami ng apartment. Pero di ko makakalimutan ang huling apartment na tinirhan namin bago kami napunta sa mismong bahay na namin sa Mindoro.

Isang buong bahay yon na hinati lang sa tatlo. Nung una, sa gitnang parte kami nakatira. Okay naman. Masaya.. Hanggang sa nagsimula lahat nung dumating yung gabi na dumalaw yung isang pinsan ko (Itago nalang natin sa pangalang Toy). Natulog sila sa bahay katabi ng kuya Nj niya (Di tunay na pangalan). Bago sila matulog, pinatay ni Kuya Nj ang ilaw at sinarado na ang pinto ng kwarto nila para di matakot si Toy. Nung madaling araw na, nagising si Kuya Nj na bukas na ang ilaw nila at nakataklob ng kumot si Toy at umiiyak. Tinanong ni kuya Nj kung ano problema ni Toy, sabi nito may nakatayong lalaki raw sa pinto nila. Mahaba ang buhok at duguan ang mukha. Nung tinignan ni kuya Nj ang pinto, wala namang nakatayo pero nakabukas na ang pinto kahit nilock niya naman ito. Naglakas loob nalang siyang bumangon para isara muli ang pinto at hinayaan nalang na bukas ang ilaw at bumalik nalang muli sa pagtulog after niya patahanin ang kapatid niya. (Mahirap dahil talagang nakakakita si Toy kahit bata pa ito hanggang ngayon na malaki na siya.)

Nung mga sumunod na araw, nakikita na rin ni kuya Nj na may kalaro ang 2y/o na anak ng kapatid ko pero di naman nila nakikita kung sino. Bigla nalang may inaabutan ng pulbo o kaya naman tatawa bigla na para bang may nagkekwento sa kanya.

Pati ako madalas na binabangungot at di makatulog ng maayos bawat gabi. One night, katabi ko yung dating bff ko sa pagtulog. Bigla akong nagising ng madaling araw kasi may naramdaman ako na lumapit sa tenga ko at may binubulong.. Akala ko bff ko yun kaso nagtaka na ako kasi sobrang bigat ng dumagan sa akin at namanhid na buong katawan ko at di makagalaw.. Yung bulong sobrang hina nung una.. Hanggang sa palakas ng palakas. Latin yung binubulong kaso di ko alam kung anong ibig sabihin. Nagising nalang ako nung pinalo ako ng bff ko para gisingin.. Binabangungot na naman pala ako. Nangyari din yun nung nalipat kami sa harap na bahagi nung bahay. Same sh*t. Pero this time bf ko katabi ko at pinsan ko ang nasa baba ng kama. Sobrang pagod na pagod ako nung from OJT dahil night shift ako at sobrang antok nakatulog agad ako pagkauwi. Kitang kita ko sa panaginip ko na may tumapat sa tenga ko. May binubulong.. Tulad nung unang bangungot, mahina hanggang palakas ng palakas na Latin. Sobrang takot na takot ako. Hanggang sa ginising ako ng pinsan at bf ko kasi sumisigaw na raw ako. Binalewala ko nalang kahit takot na takot na ako at di ko na rin inalam yung Latin na yon.

Kahit mga pinsan ko na kasama ko sa bahay at bf ko na dumadalaw dalaw dun ay marami ng kababalaghan na naramdaman at naranasan. Tulad nalang ng pagkakita ng nakabigting babae sa bandang hagdan, batang naglalaro, lalaking mahaba ang buhok na duguan na lagi nalang nagpapakita sa kanila, tumutunog yung piano kahit walang nagamit, o kaya naman makikita ni Jewel (yung 2y/o na anak ng ate ko, di tunay na name) na may  babaeng parang gumagapang sa kisame hanggang pader, at may gumagaya sa isa sa amin na parang doppleganger.

Naisipan na rin namin umalis doon after ng ilang taon kasi palala na ng palala yung nangyayari sa amin. Pero di pa rin pinalagpas yung huling gabi namin doon. Nagiinuman kaming magpipinsan kasama ng mga magulang namin. Nakita nalang ni ate K (pinsan kong nakakakita rin ng multo at laging pinapakitaan sa bahay ng kababalaghan) na si Jewel ay naglakad ng tulog. Nagsuot ng tsinelas at palabas ng kwarto. Nasa terrace kami nun at kitang kita namin from the window kaya hinabol namin kasi baka dumeretso sa hagdan at mahulog. Nung nakuha na namin si Jewel, binalik nalang namin sa kama at tinabihan ni mama. Nung natulog na kami naiwan yung pinto ng kwarto at cabinet namin na bukas. Hinayaan nalang namin kasi pagod na kami sa pagiimpake at kabubuhat. Binangungot na naman ako pero this time mas takot na takot na ako.. Sa panaginip ko, katabi ko ang tita ko at ang papa ko. Nasa kubo raw kami malapit sa ilog. Nagtatawanan kami ng tita ko, tas nagulat ako nung pagtingin ko sa papa ko sobrang sama ng tingin niya sa malayo at pagtingin ko sa labas ng kubo may lalaki rin na masama ang tingin sa same place na tinitignan ng papa ko. Maya maya may lumabas na dalawang lalaki galing sa dulong tanaw ng ilog. Para lang silang lumulutang. Yung papa ko at yung lalaki sa tapat ng kubo namin, patalim ng patalim yung tingin nila don at sinusundan ng tingin yung dalawang lalaki. Hanggang sa yung dalawang lalaki napunta sa likod namin ng tita ko sa labas ng kubo. Nakangiting nakakatakot at sinabi sa papa ko na ibigay nila ako at aalis sila. Yung tatay ko at yung lalaki sobrang talim na yung tingin nila at minumura nila yung kumukuha sa akin na humawak na sa leeg ko. Hanggang sa nagising ako, lambot na lambot ako at sobrang nanginginig sa takot at lamig na lamig. Damang dama ko yung pagkuha sa akin sa panaginip ko nung dalawang lalaki. Bigla akong napatingin sa pinto at cabinet na bukas, sobrang dilim. Lumipat ako sa kama ng mama ko at ni Jewel. Nagising ate ko which is katabi ko sa pagtulog, nagtaka ako kasi yung tingin niya sa akin pabalik balik.. Pinakiusapan ko siya na isara ang cabinet kasi natatakot na ako at baguhin niya yung pwesto niya sa pagtulog. Kinabukasan, sabi ng ate ko di niya raw alam kung sino ang totoong ako.. Kung yung katabi niya ba o yung ako na lumipat sa kama ng nanay ko at ni Jewel. Kinwento ko lahat ng panaginip ko. Sabi nila buti raw nagising ako kasi baka mamaya kapag nakuha ako sa panaginip ko eh hindi na ako magising at malamang ay may gumaya na naman daw sa akin para manlinlang.

Masaya na kami na wala na kami sa apartment na yun. Sinasabi nalang nung mga ibang nakarenta doon na may nagsasalita raw sa loob kahit wala pang nakatira sa inalisan namin tuwing gabi. Minsan naman daw parang may batang naglalaro sa hagdan o umiiyak na babae. Pinagdarasal nalang namin na mawala na yung kababalaghan sa apartment na yun.

Jj

HORROR STORIESWhere stories live. Discover now