43

58 1 0
                                    

KULAM

Goodevening Spookify!
Pang ilang sulat ko na to dito pero hindi napopost sana mapost na to.

2008, August 29 6:00 am
Maaga ako nagising at nagsalang ng kanin para sa aking baon na tanghalian sa school.
Sumunod nagising ang mama ko at unang napansin ko yung maga nyang mga mata.
Inasar asar pa sya ng papa ko dahil sa para daw syang intsik sa mata nya.

August 30:
Pinacheck up si mama sa hospital para malaman kung anong sakit nya niresitahan sya ng anti bacterial na mga gamot.
Pero umabot ang ilang weeks hindi padin sya gumagaling dumadagdag na namamaga yung mga hita at mga tiyan nya. Akala namin buntis sya pero hindi.
Matapos ang pagpapadoktor napagdesisyunan ng papa ko na ipa albularyo si mama. Agad na sinabi ng albularyo na nakulam daw ang mama ko, may naiinggit daw saamin. Naiinggit daw sila kase umaangat na kami sa buhay at napagawa na namin yung bahay namin. Kumpleto kami sa gamit na magkakapatid at lahat ng gusto namin ay naibibigay ng aming mga magulang samin. Sabi ng albularyo kamag anak lang daw namin ang gumawa.
Pero matapos ang pagpapagamot di padin gumagaling ang mama ko.
Umabot na sa point na naghahallucinate na sya. May nakikita na syang ibat ibang uri ng nilalang na hindi namin nakikita. Katulad ng duwende at mga tamawo na dumadaan daw sa bahay namin pag hapon.
Sobrang hirap sa sitwasyon ko kase ako ang panganay. Elementary student palang ako. Ako ang nag aalaga sa mga kapatid kong maliliit na tatlo.

December 2008, Dinala si mama sa maynila para ipatingin ulit sa doctor pero walang nakitang sakit. Umiyak kaming apat dahil naiwan kami sa lola namin sa aklan.
Lalong humihina si mama araw araw.
Hanggang sa iniuwi na ulit sya sa aklan.

Pagkauwi nya palagi na syang nag aagaw buhay. Pumapayat na din sya. Yung mga hita nya magang maga pati yung tiyan nya sobrang laki.
Naawa ako sakanya pero wala akong magawa. Palihim ko syang pinagmamasdan sa kanyang silid. Habang tinititigan ko sya onte onteng bumuhos ang luha ko hanggang sa di ko na napigilan at napa upo ako sa sahig.

Sobrang sama ng loob ko sa taong gumawa nito sa mama ko. Gusto ko syang gantihan pero wala akong magawa.

Di lang isa kundi madaming beses na nag agaw buhay ang mama ko.
Nagka baon baon na kami sa utang dahil sa pag papagamot sakanya pero yung papa ko hindi sya sinusukuan.
Hanggang sa August 29, 2009.
Galing ako sa bahay ng pinsan ko. Pauwi ako ng marinig kong umiiyak ang tiyahin ko.
Kumaripas ako ng takbo at naabutan ko. Naabutan ko ang malamig na bangkay ng aking pinakamamahal na ina.
Di ko na nagawang lapitan sya dahil nanginginig ang aking buong katawan.
Di to totoo. Ayaw kong paniwalaan na patay na sya. Paano na kami? Paano na si Papa at ang mga kapatid ko? Paano na kaming nagmamahal sayo?

Kung alam ko lang na kukunin ka kaagad ng diyos, kung alam ko lang na ganun lang kaikli ang panahong makakasama ka namin. Sana oras oras kong ipinaramdam sayo na mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita ma
Diko matanggap pero kailangan kong maging matatag para sa mga kapatid ko.
Noong kinuha ang mama ko para dalhin na sa punirarya nagparamdam pa sya sakin. Narinig ko pa yung iyak nya. Iyak nang hindi pa gustong umalis.
Alam kong mahal na mahal mo kami mama, kaya sana palagi mo ding tatandaan na mahal na mahal ka namin.
Nakapagtapos na din pala yung panganay mong anak. Balang araw maibibigay ko na sa mga kapatid ko yung pinangako ko sayo. Di man naging maayos yung pamumuhay namin nung nawala ka, di kami sinukuang bigyan ng sapat na pagmamahal at pag aaruga ni papa.
Maging masaya kna dyan at wag mo na kaming intindihin. Palagi kitang inaalala at palagi kang andito sa puso ko, namin ng mga kapatid ko.
Mahal na mahal kita!

Glaiza
Aklan

HORROR STORIESWhere stories live. Discover now