32

89 1 0
                                    

EYE DREAMER?

Natagalan ako sa part na ito lalong lalo na yung pinakalast na mababasa nyo BUT FIRST I ADVICE NA MAGPRAY KAYO BAGO MATULOG kasi hindi ko talaga nagustuhan ang nakita ko at dalangin kong wag nyong o ninumang tulad kong dreamer o mapanaginipin na mapuntahan o maencounter man lang ito.
Sa una talaga hanggang sa sariling paranormal experience lang ang balak kong isigaw dito mapanakaraang kabataan ko man o yung sa kasalukuyang taon but may isang story dito ang nakapukaw ng atensyon ko.

Hindi ko na kasi matandaan kung kailan ako unang naging mapanaginipin. Ang tanging natatandaan ko lang may pumatak na kung anong klaseng tubig na malapot sa noo ko noon at dun na naging maayos ang bata days ko sapagkat simula nun wala na akong nakikitang anuman sa bintana namin. Next time ko na lang po ikukwento ng maayos ang tungkol sa kakaibang tubig na yun kasi may importante akong gustong mabigyan ng kasagutan at OPO MAHABA HABA ITO kaya tyagaan nyo na lang basahin at admin pasensya na putol putol ko na namang maisesend ito. Maraming salamat at ito na sisimulan ko na.

Normal naman daw talaga ang managinip eh. Lahat nakakaranas nga naman. Pero bakit saakin iba. Iba sya kasi mga taong hindi ko naman kakilala, yung damit nila pangkasaluluyang panahon. Iba sya kasi nakakaeye to eye ko sila. Hanggang ngayon nga palaisipan yan saakin lalo kung nakikita ba nila ako o nandoon talaga ako? Sa totoo nga niyan ito ang dahilan kung bakit ilag akong makipag-eye to eye sa kung sino man kapag nasa labasan o may pupuntahan ang lingkod nyong sender. Yung para bang natatakot akong may mamukhaan, o kaya may makita man lang sa mata nila. Naiinggit nga ako kasi may mapapalad na ang nakikita sa panaginip ay yung mga kakilala at pamilya talaga nila. Ako siguro once ko pa lang napanaginipan ang papa ko at nangyari na pala. Nauna na nga yata akong bigyan ng signs na may mangyayari kay papa dun sa previous story kong nagising akong inuusog nya ang higaan ko. Pero hindi dyan magfofocus ang story ko. Heto yun...

-- Sino Ka? --
Sa isang kwartong may kadiliman ang napuntahan ko. Tanging ilaw na nanggagaling mula sa labas ng nakabukas na pintuan ang unang nabungaran ko. As usaul isang tahimik na panaginip na naman iyon kasi wala akong marinig sa paligid, pero yung pakiramdam ko sa kinalalagyan ko hindi ko mawari kung takot ba o lungkot. Naguguluhan ako sa pakiramdam ng paligid nun kaya nagpasya akong tumingin na sa paligid. Mula sa kanan ko ay may mga babaeng nakahubad na nag-iiyakan. Oo tandang tanda ko ito, yung isa sa kanila kalevel ng chin o baba yung haircut nya. Nasa lima yata o apat lang sila. Paano ko nasabing nag-iiyakan gayong tahimik na panaginip yun? Face mga bes, halata maging sa takot na takot nilang pagsisiksikan sa isang sulok na iyon. At paanong hubad ba? Kumot mga bes, iisang kumot na hatak nilang magkakasabay panakip sakanila pero hindi nila lubusang matakpan ang bawat isa kasi maliit lang yung kumot kaya nakita ko ang ilang bahagi ng katawan nila atengs na nalalantad habang nag-iiyakan. Si ateng chin-level yung haircut, huhuhu sya yung matagal na nakaeye to eye ko. Taena! Hindi ako natakot bagkus may naramdaman ako sa titig ni ate girl sa panaginip. Lalapit dapat ako nun! Oo wala na akong pakialam kung nakikita ba ako, kung andun ba ako basta lalapit dapat talaga ako nun pero ampopo hindi ako makagalaw palapit kay ate girl. Dun ko narealize na hindi ko kontrolado ang napuntahan ko. Siguro napansin din yun ni ate girl kaya tumingin sya sa likuran ko, na left part na nung kwarto so tumalikod ako at nagawa ko naman. Sa isip ko nun siguro hanggang pagtingin lang ang magagawa ko, hindi ako makakalapit man lang. Pagtingin ko nga sa left part ng kwarto may mga lalaki. Hindi ako sigurado sa bilang nila pero yung hitsura nila wala silang pang-itaas na damit. Yung pinakanasa unahan nila nakapantalon sya, tulad nung mga babaeng nag-iiyakan eh nasa sulok sila at halatang nagsisiksikan din. Tipong may ayaw lapitan at may tinataguan kasi pamaya't maya silang nagbababa ng tingin at aayos ng pagkakasiksik sa sulok na iyon. Hindi sila tulad ng mga babae na nag-iiyakan nun pero yung mga mukha nila masasabing kong parang may ayaw sundin, nagmamatigas o nanlalaban pero takot at walang magawa. Si kuyang nakapantalon na nasa unahan nila napansin yata ako kasi nagkaeye to eye kami at HINDI NAKALIGTAS SA MATA.
O PANINGIN KO NOON SA PANAGINIP KONG IYON ANG PAGKUNOT NG NOO NYA SAAKIN! Hindi ko napigilang mapakunot-noo din o magtaka sa titig nyan iyon. Nasa ganun kaming pag-a-eye to eye ni kuyang nakapantalon ng bigla syang tumingin sa pintuan. Ako tinitingnan ko pa nun yung mga nasa likod ni kuyang nakapantalon na mas lalong nagsiksikan na ultimo yung mga ulo nila mas itinago nila kaya naman nagtaka ako at nagpasyang lumingon na sa pintuan. Paglinhon ko nga'y isang lalaking nakadamit at pantalon ang nakita ko basa na rin sa ilaw na nanggagaling sa likod nya mula sa nakabukas na pintuan. Yung pagtataka ko kanina ay mas lalong naoblehan kasi yung mukha nya. YUNG MUKHA NYA WALA KANG MAKIKITA KASI NABABALOT NG DILIM! LITERAL NA DILIM! NI MATA, NI ILONG PATI BIBIG WALANG WALA!! Gulong gulo ang pakiramdam ko nun kasi perstaym kong makakita ng taong nababalot ng dilim ang mukha sa panaginip. Pilit kong inaaninag ang parteng mukha ng misteryong lalaki na iyon na nung mga sandaling iyon ay basta na lang nyang itinuro si kuyang nakapantalon na nasa left side ko. Ang nakita ko ngang reaksyon ni kuyang nakapantalon ay isang matinding pag-iling ng ulo at saka sa mas umusog pasiksik sa dulo tipong lumalayo dun sa misteryosong lalaking nababalot ng kadiliman ang mukha pero nakakapagtaka talagang mula leeg hanggang sa paa nya naliliwanagan naman sya ng ilaw na nanggagaling sa nakabukas na pintuan. Noon sigurong titingnan ko na ulit sila ategirl na nagiiyakan sa kanang parte ng kwartong iyon ay nagising akong agad agad pero bumigat din naman agad ang talukap ng mata ko at OPO nakabalik ako sa mundo ng panaginip. Sa pagbabalik ko nasa labas ako, gabi sya nung mga time na yun dala ng madilim at may mga bituin sa langit nun. Yung lugar hindi ko sure kung abandonado pero may damuhan, sa malayuan nga mga mga puno din. Sa kanan ko naman may mga kotse akong nakita, 3 o apat yatang kotse. Ang natandaan ko lang yung pinakamalapit saaking paningin.

HORROR STORIESWhere stories live. Discover now