CHAPTER 1.

111 4 0
                                    

ALTHEA'S POV.

YOHAN AZORES is a black card user's. He's one of the most famous billionaire in the world. An ultimate crush. Luxurious brand model, tall and handsome. Maraming celebrity girls ang nagkandadarapa sa angking ka-gwapuhan niya at isa na ako roon.

"Sino ba naman ang hindi maghahabol sa kaniya, kung ganito kagwapo ang makikita mo paggising!" sabi ko nang magising na ako. Bumungad ba naman sa'kin ang bagong labas na poster ni Mr. Chinito Hot coffee este ni Mr. Yohan Azores.

Kailan kaya siya mapapa-sa'kin? Ilan beses ko na siyang nakikita sa personal dahil malapit ang bakeshop and cafe na pinagta-trabahuhan ko sa kaniyang pagmamay-aring company.

Matagal na akong may gusto sa kaniya ngunit isang lihim na pagtingin lang iyon na hindi ko masyadong binibigyan nang pansin dahil sino ba naman ako? Isa lamang akong hamak na Cashier assistant sa Cafe na madalas niyang tambayan at 'yun lamang ang tanging maipagmamalaki ko sa panahon ngayon. Doon sya madalas magkape at pagkakataon na ang sadyang naglalapit sa aming dalawa o marahil iyun ang pinakamasarap na isipin. Na baka marahil may gusto rin siya sa akin.

Alas-otso na pala nang gabi at night shift kami ngayon ni Sandy sa Teodoro's Bakeshop and Cafe. Biglaan ang pasok namin at malaki ang pagtataka ko dahil ngayon lang ito nangyari sa trabaho namin.

Si Sandy kasi, kung ano-ano na lang ang kinukuwento sa'kin tungkol kay Mr. Chinito Hot Coffee, hindi ko tuloy naintindihan kung anong dahilan ni Manager Joshan para papasukin kami sa Bakeshop. Hindi naman siguro maraming costumers t'wing gabi?

Bahala na nga si Batman. Papasok ako kung kinakailangan.

Biglang nag-ring ang phone ko dahilan upang lalo akong mapabangon sa aking kinahihigaang sofa. Medyo masakit pa ang likod ko dahil sa sobrang ngalay sa tinutulugan kong sofa. Nagre-rent lang kasi ako ng bahay. Tatlong libo kada buwan ang aking bayad, kasama na roon ang tubig at kuryente. Ang trabaho ko ay isang cashier assistant sa Teodoro Cafe na pagmamay-ari ni Mr. Lozarnes. Madalas ko syang tawaging Mr. Chinito Hot Coffee dahil sa singkit niyang mga mata at Hot Coffee ang palagi niyang ino-order sa Cafe, t'wing magkakape siya roon.

Ilang minuto pa ang nakalipas nang matapos na akong maligo, hindi pa ako kumakain kaya't ang plano ko ay sa bakeshop na lang ako kakain. Pagdating doon ay sa likod ako dumaan para hindi mahalata ni Manager Joshan ang late kong pagpasok but there he is, tumatayog ang kilay sa pagtaas.

"Anong oras ang sinabi kong shift mo ngayong gabi?" sarkistong tanong pa niya sa'kin kahit na alam ko naman kung ano ang ibig niyang sabihin.

"7:00 pm po pero kasi..." hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko.

"My goodness Althea! Ano ba sa tingin mo ang oras ngayon? Late ka nang dalawang minuto!" duro niya sa'kin gamit ang ballpen niya sa pag check in ng shift ko.

"Sorry na, Manager Joshan, 'di na mauulit!" pakiusap kong sabi.

"Ikakaltas ko na sa sahod mo ang mga late na pagpasok mo! Ako ang matetegi kay Mr. Teodoro kapag pinagbigyan pa ulit kita!" deretsang sabi niya sabay ikot ng kaniyang mga mata bago ako talikuran.

"Kawawang nilalang, may sasahurin ka pa ba?" natatawang pang aasar sa'kin ni Sandy.

"Kasalanan mo ang lahat kung bakit wala akong ipambabayad sa bahay!" inis na bulong ko sa kaniya.

"Mr. Hot Coffee pa more!" baling niya sa'kin sabay tawa.

"Kainis!" bulong ko pa habang inaayos ko ang counting area.

"Gusto mo bang malaman kung bakit pinapasok tayo ngayon ni Manager Joshan?" hirit niya sa aking likuran habang inaayos naman niya ang kaniyang area sa mga cakes na bagong labas lang ngayon.

She's 𝑫𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 the 𝐹𝑎𝑚𝑜𝑢𝑠 𝓑𝓲𝓵𝓵𝓲𝓸𝓷𝓪𝓲𝓻𝓮.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon