CHAPTER 5.

52 2 0
                                    

YOHAN'S POV.

KAILANGAN kong tawagan si Red para sa schedule ng meetings ko ngayon, with Delgado's Advertising Company.

Konektado ang kumpanyang ito sa aking project proposal sa Dad ni Eunice. Napirmahan na ang ilang dokumento ngunit nang tanggihan ni Eunice ang engagement proposal ko ay nag-cancel din ang D.A.C.

Mas malaki ang kailangan ko sa D.A.C kaysa sa Company ng Lee Family. Nasaktan din ako sa pagtanggi ni Eunice sa proposal ko dahilan para tuluyan kong baguhin ang plano ko. Nawalan agad ako ng gana sa kaniya palibhasa hindi niya alam ang pinagdaanan ko.

Kung hindi ko makukuha ang approval ni Mr. Lee dahil kay Eunice. May malalapitan akong iba. Mas matimbang sa'kin ngayon ang pera kaysa sa pagmamahal. Mas mahalaga sa'kin ang Azores Corporation Company dahil dito ko napatunayan na walang halaga ang buhay kung walang pera.

Bumabalik sa ala-ala ko ang panahon na iniwan ako ni Mama, sa tapat ng mansion ni Mr. Azores habang may dala-dala akong regalo na cake. Naalala ko rin nang makaharap ko ang sinasabi ni Mama na tunay kong ama. Unang beses pa lamang kami nagkita ni Mr. Azores ay agad niya akong pinagmalupitan. Inapakan muna niya ang regalo kong cake pagkatapos ay ipinakain sa'kin at dahil bagito pa lamang ako noon at walang matatakbuhan ay tiniis ko ang lahat. Hindi biro ang pinagdaanan ko sa kaniya bago ko narating ang tugatog ng aking tagumpay. Pinaghirapan ko ang pagtanggap niya sa'kin bilang tunay na anak. Pinag aral at pinakain man niya ako sa kaniyang mga palad ay alam kong may kapalit iyon. Nakuha ko man ang mga bagay na mayroon ako ngayon ay hindi ko malilimutan ang kalupitan niya sa'kin. Naging mahirap muna ako bago ko nakamit ang kung anumang kinatatayuan ko ngayon. Hindi madali ang naging proseso ng buhay ko bilang pinaka-sikat na bilyonaryo kaya't lagi akong nakahanda sa problemang ikasisira ng reputasyon ko, maliit man o malaki.

Ala-ala na lang ang pasakit na 'yun sa buhay kong ito hanggang ngayon. Ngunit tila nauntog ako ng sobrang lakas dahil sa sakit ng ulo na aking naramdaman pagkagising.

"Mabuti naman at nagising ka pa!" bungad na bati sa'kin ni Vince.

"Why are you here?" derektang tanong ko sa kaniya.

"Bakit? Sino pa bang inaasahan mong madadatnan mo rito? Ah, i knew it! Si Althea ba ang gusto mong makita?" Nagsisimula na naman s'yang mang asar.

"I mean..." Napapagaw ang boses ko.

"Magdamag ka niyang binantayan. Hinihintay niya ang paggising mo, naawa naman ako kaya pinauwi ko na muna!" nakapamulsang sabi niya.

"Where's my phone?" Paghahanap ko sa cellphone ko. "Kailangan kong makausap si Red!" Nahihilo ako.

"Nakausap ko na siya! Sinabi kong nasa hospital ka at kailangan mong mag-leave in 3 days!" paliwanag niya.

"Leave?" kunoo't noong angal ko sa sinabi niya. "Gan'yan ka ba magpatakbo ng negosyo mo, panay leave? Kainis!" maktol ko pa.

"But at least makapag iisip ka pa kung ano ang desisyon na gagawin mo!" Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil namamaga yata ang ugat sa utak ko. Nakalog yata ang ulo ko sa sobrang lakas nang pagsuntok ng Tristan na iyon sa mukha ko.

"I made my decision, uuwi na ako at aasikasuhin ko ang lahat ng aberyang ginawa mo, Mr. Teodoro!" matigas kong singhal sa kaniya ngunit pinagtawanan lang niya ako.

"Hindi ka pa rin ba natatauhan? Best friend niya ang nakalaban mo sa boxing kagabi, What if balikan ka niya pero dito na sa hospital? He's on duty now!"

"Magkaibigan sila ng Althea na 'yon?" Napaisip ako kung paano nagkaroon ng kaibigang lalaki ang babaeng panira sa buhay ko.

"Yes and your worst is, mas pinili ka niya kaysa kay Tristan! She made up her decisions na ipagpatuloy ang paghabol sa'yo! Hindi ka ba nakokonsyensya na kayang talikuran ni Althea ang lahat ng mga taong importante sa buhay niya just to have you!"

She's 𝑫𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 the 𝐹𝑎𝑚𝑜𝑢𝑠 𝓑𝓲𝓵𝓵𝓲𝓸𝓷𝓪𝓲𝓻𝓮.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon