CHAPTER 25.

55 2 0
                                    

EUNICE'S POV.

IT'S BEEN a year, since Yohan and i tie the knot. First Wedding Anniversary namin ngayon and i was really happy dahil nalaman ko na buntis ako sa first baby namin kung kaya't nagpahanda ako sa Azores Dine and Cafe ng isang surprised dinner para lang sa aming dalawa. Since nakapangalan na sa Azores ang Teodoro's Bakeshop and Cafe ay binago na nila ang pangalan at pati rin ang food production. Tinanggal ni Yohan ang tunay na pagkakilanlan ng Teodoro sa iba't ibang klase ng bakes at ginawa niyang sikat na kainan sa lugar.

Dahil ako naman ang Asawa niya ay ako na rin ang humawak dito. Ako ang pumili ng mga tauhan at sa akin dumadaan ang lahat ng kailangan maliban sa sales. Ayaw kasi ni Yohan na humahawak ako ng pera mula sa ari-arian niya. Sa lahat ng kaniyang mga desisyon, ni-minsan ay hindi ko siya kinontra.

Marami akong binago sa sarili ko para sa kaniya at masaya ako dahil magkakaanak na kami ni Yohan kahit sobrang stress ang pagsasama namin. Madalas kasi siyang gabihin at kung minsan ay lasing na kapag umuuwi ng maaga. Ako lang din naman ang napapagod sa bahay at madalas tinutulugan ko pa siya sa trabaho niya sa Company nina Dad.

"Where's Yohan? Bakit ikaw ang pumunta dito?" tanong ko sa bagong Secretary niya.

"Pinapasabi po niya na..." Pinutol ko ang sasabihin niya.

"Na ano? Busy siya sa meeting as his always alibay? Sabihin mo sa akin kung nasaan siya at ako ang pupunta sa kaniya!" matigas na sabi ko.

"Pero..."

"Sasabihin mo ba sa akin o tatanggalan kita ng trabaho mo?" Tinaasan ko siya ng kilay. Mabilis naman pala siya kausap. Nalaman ko kung nasaan si Yohan kaya agad na pinuntahan ko ang kinaroroonan niya. Sa El Remedeo Bar kung saan diumano may meeting siya.

Ngunit nadatnan ko siya na may kalaguyo sa bandang likuran ng kanilang kinauupuan. Hindi ko napigilan ang aking sarili kaya sinugod ko agad ang babaeng kalandian niya.

"Walang h!ya ka! Malandi ka! Hindi mo ba alam na may Asawa ang lalaking nilalandi mo?" Pagsabunot ko sa buhok ng babae at kinaladkad ko siya papunta sa exit.

"Eunice!" Pagpigil niya sa kamay ko at hinila ako palabas.

"Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan at lantaran talaga ang pambabae mo!" Paulit-ulit ko siyang sinampal.

"Ano bang sinasabi mo? Ka-meeting ko ang sinugod mo! Ikaw ang walang kahihiyan dahil lahat na lang ng babaeng makita mo sa tabi ko ay iyong pinagdududahan!" Pangangatwiran pa niya sa akin.

"Huwag mo akong gagawin t@nga!" Palahaw ko sa kaniya.

"Umuwi ka na sa bahay!" Taboy niya sa akin. Tatalikuran ko na sana siya ngunit biglang sumakit ang puson ko. Sakit na ngayon ko lang naramdaman.

"Yohan!" Nabigla ako sa nakita kong dug0 na umaagos sa aking mga hita. "Yohan, ang baby natin!" usal ko sa kaniya at hindi ko mapigilan ang aking mga luha. Isinakay niya ako sa sasakyan at agad na nagmadali sa pagmamaneho. Dinala niya ako sa malapit na hospital.

Ang tanging nasaksihan ko na lang ay dinala ako sa operating room at ang sumunod na nangyari ay hindi ko na nalaman pa dahil nawalan ako ng malay. Nagising ako sa isang maingay na paligid. Si Yohan agad ang aking hinanap sa paggising ko ngunit nabigo ako nang sabihin sa akin ni Kuya Gabriel na umalis siya ng walang paalam.

Ganito ba katindi ang galit niya sa akin simula nang pakasalan niya ako? Wala na siyang nararamdaman na pag aalala man lang sa akin. Ginawa ko naman ang lahat para paligayahin siya ngunit bakit niya ako sinasaktan ng ganito? Bakit? Saan ako nagkulang?

"Anong nangyari?" Paos ang tinig ko at masakit ang buong katawan ko dahil sa nangyari. Tiningnan ako ni Kuya Gabriel na tila nagluluksa.

"Eunice kasi..." utal niya na pinigilan ko.

She's 𝑫𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 the 𝐹𝑎𝑚𝑜𝑢𝑠 𝓑𝓲𝓵𝓵𝓲𝓸𝓷𝓪𝓲𝓻𝓮.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon