CHAPTER 32.

54 2 0
                                    

Vince's POV.

Isang araw na ang lumipas, mula noong isugod namin sa hospital si Yumi. Nanghihina ang kalooban ni Althea sa sitwasyon ng anak niya. Ni hindi niya magawang tingnan o mabantayan ang bata at mas pinili ang manatili sa mansion. Si Tristan muna ang pinagbantay ko sa kay Yumi, sa hospital at umuwi ako para kumbinsihin si Althea at palakasin ang loob para bisitahin ang anak niya.

Pagkarating ay nadaanan ko siya sa balkonahe. Tila malalim na naman ang iniisip o marahil pinakakalma ang sarili.

"Wala ka bang balak na puntahan si Yumi?" Lumapit ako sa kinatatayuan niya.

"How is she?" tanong rin ang naging tugon niya.

"Kailangan niya operahan para mas bumuti na ang lagay niya." paliwanag ko kasabay ng buntong-hininga. Hindi ko na sana sasabihin ang tungkol doon pero malalaman din naman niya once na makumbinsi ko siya na pumunta sa hospital. "Hindi mo ba siya bibisitahin? Hinahanap ka lagi niya!" Sinilip ko ang mukha niya.

"Ayokong makita niya na mahina ang loob ko sa ngayon. Ayokong isipin niya na stress ako sa pag-iisip!" saad na paliwanag niya.

"Ano ba 'yan iniisip mo huh? Tell me para naman matulungan kita!" Yumakap ako mula sa likuran niya. Ipinaramdam ko ang mainit na halik sa balikat niya.

"W-wala..." sabi niya at dumistansya sa aking nagawa.

"Pati ba naman ako ay iiwasan mo ng ganiyan? Bakit pakiramdam ko, simula nang maging tayo mas lalong mahirap na malapitan at makausap ka. Ano ba talaga ang tingin mo sa akin? Bakit mo hinayaan na mahalin kita at maghintay palagi sa'yo? Si Yohan pa rin ba ang gumugulo sa isipan mo?" Tiningnan ko siya ng tuwid.

"H-hindi ko nais na ganiyan ang isipin mo, Vince." usal niya.

"Then why are you acting like that?" Kunot noo ko.

"Iniisip ko, paano kung malaman niya na nasa hospital si Mayumi? Baka kunin niya sa atin ang anak ko, Anong gagawin natin?" Naluluha na agad ang kaniyang mga mata.

"Hindi mangyayari ang nasa isip mo! I told you, kailangan maging malakas ang loob mo, kailangan ka ni Mayumi!" Hinawakan ko nang mabuti ang nanginginig sa lamig na kamay niya. Nagkaroon siya ng ganoong instincts dahil sa pinagsasasabi ni Yohan sa kaniya.

"Sorry..." saad niya at yumakap sa akin.

"And I won't let him do that!" sabi ko upang kumalma siya.

Nang gumaan ang loob niya ay inaya ko na siya papunta sa hospital. Nasa hallway pa lang kami, naririnig na namin ang malalakas na tawa ni Yumi. Tila may kausap ang bata.

"Ngayon ko lang narinig tumawa ng gano'n si Mayumi!" Kunot noo ni Althea at nagkatinginan kami.

"Baka binibiro lang siya ni Tristan!" sabi ko pero nagmadali siya na buksan ang pinto. Nagtaka ako nang hindi siya makapasok ng diretso sa loob.

"Mabait naman po pala kayo, bakit nagagalit po sa inyo si Mommy?" Tinig ni Yumi. Pakiramdam ko, hindi si Tristan ang kausap ng bata.

"Mag-bestfriend talaga kami ng Mommy at Daddy mo pero—" Hindi natuloy ang sasabihin ni Yohan dahil pumasok na kami ni Althea sa loob.

"Bakit ka narito?" tanong ko agad.

"Mommy, Daddy he's here to visit me po." Paliwanag ni Yumi.

"Pumayag si Tristan na bisitahin ko ang anak k—I mean ang anak niyo!" paliwanag niya.

"Di'ba sinabi ko naman sa 'yo, Mayumi. Don't talk the stranger!" matigas na sabi ni Althea.

"He told me that he's your best friend, nag-sorry na po siya about last time!"

She's 𝑫𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 the 𝐹𝑎𝑚𝑜𝑢𝑠 𝓑𝓲𝓵𝓵𝓲𝓸𝓷𝓪𝓲𝓻𝓮.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon