CHAPTER 8.

45 2 0
                                    

TRISTAN'S POV.

...

A FEW WEEKS AGO. Nagsalubong ang landas namin ni Vince sa gym. Trainor ko ang nagtuturo rin sa kaniya kung paano ang tamang pagsuntok sa kalaban dahil natalo ko siya ng isang beses. Nakita ko na siya noon, sa labas ng bahay ko pero alam kong hindi ako ang pakay niya.

"Best friend ka lang naman niya kaya wala kang karapatan na pagbawalan ako sa panliligaw ko sa kaniya!" matigas niyang usal sa'kin. Nasa shower room kami parehas at kapwa naliligo. Sinusundan niya talaga ako para lang makuha ang sempatya ko sa naka-planong panliligaw niya sana kay Althea.

Vince Teodoro, kilala niya kami pero hindi ko pa siya nakikilala.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? At sinong may sabi sa'yo na wala akong karapatan kay Althea? Magkababata kami kaya lahat ng desisyon niya ay dapat alam ko!" Pagwisik ko sa kaniyang mukha ng sabon na ginagamit ko.

"Kababata?" Tinawanan niya ako sa sinabi ko. Naniningkit na ang aking mga mata sa pagmamayabang niya.

Sa locker nang gym natuloy ang aming pag uusap. May ipinakita siya sa'kin na envelope.

"Buksan mo para makilala mo siya!" Inihagis niya sa'kin ang envelope at binuksan ko naman ito para matapos na ang paghihinala ko sa kaniyang sinasabi.

"Alam kong galing siya sa bahay ampunan and so what?" kunoo't noo ko sa aking nababasa sa papel.

"Hindi ko alam kung nagkukunwari ka lang o sinasadya mong h'wag nang alamin pa! Kababata ko si Althea, parehas kaming nagmula sa bahay ampunan but.." Pinutol ko ang sasabihin niya sa pamamagitan ng pagpunit ng papeles na ipinakita niya sa'kin.

"Wala akong pakialam! Hindi pa rin ako makapapayag sa gusto mo! Hindi ko hahayaan sa sinuman sa inyong dalawa ni Yohan Azores ang makakakuha ng atensyon niya!" matigas ko pang sabi pagkatapos ay tinalikuran ko na siya.

"What if, magtanong siya sa'yo?" Hinila niya ang braso ko pabalik.

"Ano naman kung malaman niya kung sino ka talaga? Kinalimutan na niya ang kaniyang pagkabata nang dahil sa'yo kaya h'wag ka nang umasa pa!" Pumiglas ako sa pagkakahawak niya.

"You'll never know, Tristan!" saad niya bago ako iwan doon. Nauna pa siyang nakalabas kaysa sa'kin.

Sasabihin ba talaga niya kay Althea kung sino talaga siya? Iyon lang ba talaga ang alas niya para makuha ang pagsang ayon ko sa planong panliligaw niya?

***

ALTHEA'S POV.

HINDI ko alam kung bakit ayaw tumigil ng aking mga luha sa pagbuhos nito, matapos kong marinig ang sinabi ni Yohan na ikakasal siya at engagement nila ngayon ni Ms. Eunice.

Nasasaktan ako para sa sarili ko dahil kahit na ano pang gawin ko ay sadyang hindi para sa akin si Yohan. Gawin ko man ang lahat, talunan pa rin ako.

"Tahan na kase!. Hayaan mo na mapakasal sa iba ang b*w!sit na bilyonaryo na 'yon!" sabi ni Sandy habang panay ang paghaplos sa aking likuran.

"Hindi naman ganu'n kadali 'yun. Nakikita mo ba sila sa loob ngayon? Dito pa talaga sa bakeshop nila ginanap ang engagement party!" Garalgal na ang tono ng aking pananalita.

"Sasabihin ko sana kaya lang umalis ka na!" saad ni Vince.

"May kinalaman ka rin sa engagement party ngayon? Alam mong ikakasal na si Yohan?" kunoo't noo ko sa kaniya. Mas nagulat pa ako sa fixed marriage nina Yohan at Ms. Eunice kaysa sa nalaman ko na siya ang kababata ko.

"Gusto mo bang tawagan ko si Tristan at ipasugod natin sila para tumigil ka na d'yan?" pananakot pa ni Sandy.

"H'wag! Magagalit lang siya sa'kin. Sasabihan na naman niya ako na ang t*nga t*nga ko! Ang bob0 ko kasi nagpapatalo na naman ako sa damdamin ko!" pagmamatigas kong sabi.

"T*nga ka naman talaga! Kung maka iyak ka d'yan, akala mo naman si Yohan lang ang lalaki sa mundo at siya lang talaga ang minahal mo. Hindi ka naman nagkaganyan kay Wesley!"

"First Love ko si Yohan!" paglilinaw ko.

"How did you say that kung last two years mo pa lang siya nakikilala?" tanong ni Vince sa'kin.

"Di'ba kapag mahal mo ng sobra sobra ang isang tao, hindi mo kayang ipaliwanag kung bakit mahal mo siya? Ganoon ang pakiramdam ko kay Yohan!" Ilan beses ko na ito nasabi sa kanila pero ayaw nila akong paniwalaan.

"Hindi naman talaga ikaw ang mahal niya, huwag mong ipilit ang mga bagay na hindi naman talaga nakalaan sa'yo!" paliwanag pa ni Sandy. "Tara na sa loob! Kailangan natin asikasuhin ang bakeshop ni Vince!" pag aaya pa niya sa akin.

"Hindi ko sila kayang makita na nagpapakasaya!" Nangingilid na naman ang mga luha.

"Umuwi ka na lang, ihahatid kita!" prisintable ni Vince.

"Nagsisimula na ba?" tanong ko pa dahil hindi ko masilip ang loob sa kapal ng mga guests na naroon.

"Palagay ko, oo!" tugon ni Sandy.

"Umuwi na lang tayo, let's go!" Paghila ni Vince sa aking kamay ay eksaktong pagdating ni Tristan.

"Huwag mo siyang hahawakan!" Humarang pa siya sa aming gitna at itinago ako sa kaniyang likuran.

"Tristan?" kunoo't noo ko sa biglaan na pagdating niya. Alam rin ba niya na engagement ngayon ni Yohan?

"Kailangan natin mag usap!" Hihilahin niya ang kamay ko ngunit mabilis na nakalapit sa'kin si Vince at hinila rin ang kabila kong kamay.

Paghahatiin ba nila ang katawan ko sa gitna? Kainis.

"You're late! Alam na niya kung sino ako!" sabi ni Vince na ikinalito ko. Kilala na rin siya ni Tristan.

"Alam ko kaya ilalayo ko siya sa inyo!" matigas na sabi ni Tristan at nakuha niya ako. Tumuon ang ulo ko sa tigasin niyang dibdib.

"Nagsisimula na nga yata!" usal naman ni Sandy. Panay siya ng masid sa loob ng bakeshop.

"Nagseselos ka ba dahil nalaman na ni Althea kung sino ako noon sa buhay niya?" pilyong tanong ni Vince. Wala naman akong kailangan kampihan sa kanila pero ayokong magkagulo sila nang dahil lang sa'kin.

"Paano kung sabihin kong oo, nagseselos ako! May angal ka?" Derekta kaming nagkatinginan ni Tristan. Dumistansya agad ako sa pagitan namin dalawa.

Ito ba ang ibig sabihin niya?

She's 𝑫𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 the 𝐹𝑎𝑚𝑜𝑢𝑠 𝓑𝓲𝓵𝓵𝓲𝓸𝓷𝓪𝓲𝓻𝓮.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon