CHAPTER 2.

86 5 0
                                    

HINDI KO MALAMAN ang magiging reaksyon ko nang kunin sa'kin ni Mr. Azores ang mismong address ng bahay ko. Binigyan niya rin ako ng calling card dahilan para mapako ako sa mismong area na kinatatayuan ko sa bakeshop.

"I smell something fishy! Very fishy!" saad ni Sandy habang naglilinis na ng sahig. Maagang ipinasasara ni Manager Joshan ang bakeshop and cafe ni Mr. Teodoro dahil tumawag daw ito sa kan'ya at hindi na rin ipinaliwanag pa sa'min ang dahilan.

"Niyaya ka ni Mr. Chinito Hot Coffee ng isang date tapos ngayon ipinapasara na ito ni Mr. Teodoro. Di'ba magkaibigan sila? Hindi kaya pinagti-tripan ka lang ng dalawang mayaman na 'yon?" tamang hinala na usal pa niya.

"Trip?" Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon tapos ganito mag isip ang kaibigan ko. Palibhasa hindi pa sya naiinlove kahit na kanino.

"Oo, trip ka lang nila, in other words it's a prank! Hindi mo ba naiisip na dahil bilyonaryo ang taong gusto kang maka-date?" Gusto pa rin niya na matauhan ako sa aking kat+ngahan.

"Sandy, siya na ang lumapit sa'kin, hindi ako!" paglilinaw ko naman.

"Sige bahala ka! Basta kapag sinaktan ka na naman niya, mag iyak ka na lang ulit!" pag irap na sabi niya.

Paano na lang kung interesado talaga sa'kin si Mr. Azores? Paano na lang kung sadyang gusto niya akong makilala nang lubusan? Nakahihinayang ang pagkakataon kung palalagpasin ko pa ito.

Biglang nag-ring ang phone ko. Sa sobrang excited ko na makausap muli si Yohan ay sinagot ko ang kung sinong tumatawag.

"Pwedi ba tayong mag usap?" tinig ni Wesley. My ex-boyfriend, two years ago.

"Para saan pa?" tanong kong tugon sa kaniya. Nawala ang excitement ko nang marinig ko ang boses niya. Hindi siya ang inaasahan kong tatawag sa'kin.

"Magkita tayo!" sabi pa niya.

"Busy ako!" tugon kong muli sabay buntong hininga at pinutol ko na ang tawag. Hindi na ako nagpa-alam pa kay Sandy sa'king pag-uwi, iniwanan ko ang susi ng bakeshop and cafe sa counter area bago ako umalis.

...

Isang lalaki ang nadatnan kong naghihintay sa tapat ng tinutuluyan kong bahay. Nabuhay muli ang dugo ko sa katawan dahil sa tingin ko ay si Yohan na ang lalaking ito.

"Althea!" salubong sa'kin ni Wesley. Yayakapin pa sana niya ako ngunit naka-iwas agad ako.

"Anong ginagawa mo dito?" kunoo't noong tanong ko sa kaniya at dumistansya ako ng malayo.

"Gusto kong magpaliwanag sa'yo! Please kausapin mo naman ako kahit ngayon lang!" pakiusap niyang sabi.

"Pagkatapos nang lahat ng mga ginawa mo sa'kin? Matagal na tayong tapos, Wesley!" Umiwas ako nang tangkain niyang hawakan ang kamay ko.

"I'm sorry!" paghingi pa niya ng despensa ngunit hindi ko maramdaman na bukal iyon sa loob niya. Dalawang taon kong tiniis ang ugali niya, alang alang man lang sa relasyon namin dalawa. He cheated on me, hindi iisang beses o dalawa. Maraming beses niya akong niloko, paulit ulit hanggang sa nagsawa na akong intindihin siya.

Bago pa ako mahibang sa pagmamahal ko kay Yohan ay si Wesley muna ang unang lalaki na nakilala ko ngunit hindi ganoon katibay ang paninindigan ko sa pag-ibig sa kaniya. Hindi tulad nang pagmamahal ko ngayon kay Yohan.

"Kayong mga lalaki panay ang sorry, lagi nyo naman ginagawa! Syempre kaming mga babaeng mahihinang nilalang, konting sorry nyo lang, patawad agad pero uulit-ulitin nyo naman kasi nakukuha nyo naman kami sa sorry, papagurin nyo kami sa pag-intindi sa mga kasalanan nyo hanggang sa bitawanan na lang namin kayo. Ano ang ending? Kami pa rin ang mali kasi napagod kami, kasi bumitaw agad kami, nasa amin ang lahat ng paninisi! Nasa amin yung pangongonsensya! Hindi naman nalalaman ng karamihan kung ilan beses namin nilamon yung pride namin bilang babae para lang intindihin kayo!" Parang isang malakas na bomba itong galit ko sa kaniya. Naubos na nga siguro ang pasensya ko sa katulad niyang manloloko.

She's 𝑫𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 the 𝐹𝑎𝑚𝑜𝑢𝑠 𝓑𝓲𝓵𝓵𝓲𝓸𝓷𝓪𝓲𝓻𝓮.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon