CHAPTER 11.

45 1 0
                                    

VINCE POV.

...

BUMIYAHE ako ng malayo dahil kailangan kong makipagkita sa isang tao na importante sa buhay ko, since siya ang dahilan kung bakit nagbago ang buhay ko. Iniwan ko na muna kay Joshan ang bakeshop and cafe as i always do. Bahala na muna siya doon since magulo ang lahat ng pangyayari sa engagement party nina Yohan at Eunice. Sana ay naayos na rin nila ang mga ginamit doon dahil ayokong managot sa tunay nagmamay ari ng Bakeshop and Cafe na 'yon.

Inihinto ko ang sasakyan sa isang sarado at mataas na gate ngunit nagbukas na ito dahil palabas ang vintage car na sasakyan niya. Bumisina ang driver dahil nakaharang ako sa dadaanan nila ngunit hindi ako pumayag. Lumabas ang driver niya at kinatok ako sa bintana.

"Hoy! Anong problema mo ha?" sigaw sa'kin ng kaniyang driver. Ibinaba ko ang bintana ng aking sasakyan upang makilala nila ako.

"Nand'yan ba si Tita?" baling ko sa driver. Bago na naman ang driver niya.

"Mang Apolo ako na ang bahala sa kaniya!" lumabas siya mula sa sasakyan at nilapitan ako.

"Pumasok ka sa loob, mag usap tayo!" nakangiting sabi niya sa'kin.

She looks so beautiful. Walang makatatalo sa ganda niya maliban na lang kung itabi sa kaniya si Althea.

"Hindi po ba ako naka-aabala?" Dahil mukhang may pupuntahan siya. Sa suot niyang black dress na maraming design na diamonds at sa kumikinang na gintong kwintas at hikaw. Sa daring red niyang lipstick at naka-high class Louie Vuitton bag pa siya. Nasisigurado ko na may kailangan siyang puntahan.

"Hindi naman, oh sige bumaba ka na d'yan sa puchu-puchu mong sasakyan at halika sa loob!" paliwanag niya kaya bumaba na ako ng sasakyan.

"Mang Apolo, ikaw na ang bahala sa sasakyan niya!" kaniyang bilin sa driver at pina-iwanan sa'kin ang susi.

Kamamatay lang noon ng asawa niya na si Mr. Mathias Teodoro at 14 years old pa lamang ako nang makilala ko siya. Siya ang nagbigay sa'kin ng panibagong buhay. Pinag aral niya ako at pinakain. Ipinaranas rin niya sa'kin ang maluhong buhay. Ipinamana niya sa akin ang Teodoro's Bakeshop and Cafe at isinalin niya sa aking pangalan ang ibang lupain na iniwan ni Mr. Teodoro sa kaniya.

Sa sobrang dami nang kaniyang alahas ay halos bumitin ito sa'kin nang yakapin ko siya. Ang tagal namin hindi nagkita. Mga two years yata dahil madalas siyang nasa italy, us, new york at europe para sa pag attend niya ng fashion shows. Mahilig kasi siya sa mga ganoong klase ng events. Kahit pa nga noong ikasal ang prinsipe ng brazil ay imbitado rin siya. Wala siyang pinapalampas na okasyon basta social gatherings ang pupuntahan.

Napakabait niyang tao kaya gustong gusto kong suklian ang utang na loob ko sa kaniya, kahit na alam kong walang kabayaran ang lahat ng ginawa niya para sa'kin.

Ang tanging maitutulong ko na lang sa kaniya ay maibsan ang kalungkutan at pangungulila niya sa isang anak.

'Yun lang ang tangi kong maibabayad.

Sa bermuda garden natuloy ang aming pag uusap. Napapalibutan kami ng magagandang bulaklak mula sa garden niya. Nakatutuwang isipin na hindi nagbabago ang mga hilig niya ever since before.

Nagpahayin agad siya ng italian food sa kaniyang mga katulong. At inalok niya ako na uminom muna ng best seller niyang wine from barcelona. Hindi ko siya mahindian dahil anak na rin ang turing niya sa'kin.

Iniikot ko ang wine sa kopeta at saka ko inamoy bago ko nilasap ang sarap ng kaniyang wine. Natutuwa siya sa ginawa ko dahil alam niyang tumatak sa'kin ang mga turo niya simula nang magkakilala kami.

"Mukhang busy ka po today?" pasubali ko dahil hindi na siya nagpalit pa ng kasuotan at tuluyan na niya akong kinaharap.

"Kilala mo naman ako, Hijo. Mainipin akong tao kaya gusto kong gumala kung saan saan." sabi niya.

She's 𝑫𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 the 𝐹𝑎𝑚𝑜𝑢𝑠 𝓑𝓲𝓵𝓵𝓲𝓸𝓷𝓪𝓲𝓻𝓮.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon