CHAPTER 12.

47 3 0
                                    

YOHAN'S POV.

ANG GUNITA nang kahapon ay hindi ko na maibabalik pa. Magiging ama na ako ngunit wala akong maalala sa nakaraan. Maraming tanong sa isip ko ang hindi ko kayang bigkasin sa kaniyang harapan.

May nangyari ba talaga sa aming dalawa? Kanina pa ako pabalik-balik ng paglalakad sa loob ng hospital room kung saan siya naka-admit. Nag iisip akong mabuti sa desisyon na susundin ko.

"Umalis ka na baka hinihintay ka na ni Ms. Eunice." taboy niyang sabi sa akin.

"Buntis ka ba talaga?" Naniningkit ang aking mga mata habang tinatanong siya. Iniingatan kong magsalita ng hindi maganda ngunit hindi ko maiwasang derektahin siya.

"Gagawin ko ba ang kahihiyan na 'yun kung nagsisinungaling lang ako? Sinabi na sa'yo ni Doc. Tristan ang lahat at pati na rin ang kondisyon ng baby na nasa tiyan ko, hindi ka pa rin ba naniniwala?" matigas niyang paliwanag sa'kin.

"I'm sorry kung hindi ko maiwasan na pag isipan ka pero.." Pinutol niya ang sasabihin ko.

"Anong gusto mong palabasin huh? Kunwari lang na buntis ako para hindi matuloy ang engagement n'yo?Kung tutuusin nga dapat ka pang magpasalamat dahil sinabi ko sa'yo na magkakaroon ka na ng taga-pagmana sa lahat ng ari-arian mo kaysa naman sa hindi ko ipinaalam sa'yo di'ba? Ikaw pa itong ang lakas nang loob na magalit, samantalang ako 'yung naagrabyado! Sa tingin mo ba papayag ako na ganituhin mo ako? Hindi mo na pweding isipin ang sarili mo dahil magkakaroon ka na ng anak! Anak na natin ang pinag-uusapan dito!" panggagalaiting sabi niya. Tuluyan na yata s'yang nilamon ng galit upang kausapin ako nang hindi mahinahon.

Nais ko siyang kumbinsihin na hindi ko magagawang itakwil ang magiging anak ko dahil ayokong mangyari sa kanila, ang nangyari sa'kin. Hindi man ako gaanong ka-intirisado sa kaniya ay hindi ko sila kayang abandonahin. Ayokong lumaki ang bata na hindi niya ako nakikilala.

I will do everything i can to be a good father dahil hindi ko naranasan sa aking ama ang pagiging mabuti niya sa'kin.

"Pangarap ko noon na magkaroon ng anak and i'm just happy na natupad ko na iyon!" Marahan kong paglapit sa hospital bed na kinaroroonan niya at naupo ako sa giliran nang kinahihigaan niya.

"Huwag mo nang pagaanin pa ang loob ko, Yohan. Alam ko naman na napipilitan ka lang sa mga sinasabi mo!"

"Nasasaktan kita ng sobra at alam ko 'yun pero hindi ko akalain na aabot tayo sa ganito. Hindi ko hinangad na magkaroon ako ng anak sa'yo pero paninindigan kita. Pupunan ko ang atensyon na kailangan mo para sa ikabubuti ng ating magiging anak." mariin kong paliwanag sa kaniya. Iyon lang siguro ang hinihintay niyang marinig mula sa'kin kaya humina na ang kaniyang pag iiyak.

"Tahan na, wash yourself dahil iuuwi na kita sa bahay." dagdag ko pang sabi at tumayo na ako.

Lumabas muna ako saglit upang tawagan si Red to take charge the company this time. Kailangan ko nang lunukin ang katiting na hibla ng aking pride para sa ina ng magiging anak ko.

"Nagpa urgent meeting ang ibang board members dahil sa nangyari!" tinig ni Red sa kabilang linya. Halos pabulong na ang pagsasalita niya kaya't alam kong palihim ang kaniyang pagrereport sa akin.

"Sabihin mo sa kanila na hintayin ang announcement ko!" tuwid kong bilin.

"Sinong kausap mo?" tanong ni Dad na narinig ko.

"Mr. Azores.. ." Tiyak na nagulat si Red dahil pinagpatayan niya ako ng tawag.

"What are you going to do Dad?" Bulong ng isip ko. Bakit kailangan niyang pangunahan ang urgent meeting na iyon?

Babalikan ko na sana sa loob si Althea ngunit nagsalubong kami ni Eunice sa hallway.

"Yohan.. ." nalulungkot niyang sambit sa aking pangalan. Hindi ko na sana siya papansinin ngunit ang bilis niyang nakatakbo at nakayakap sa'kin. I tried to pulled her out to me ngunit lalong humihigpit ang kaniyang mga yakap. Pilit niyang isinusubsub sa aking dibdib ang sarili niya.

She's 𝑫𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 the 𝐹𝑎𝑚𝑜𝑢𝑠 𝓑𝓲𝓵𝓵𝓲𝓸𝓷𝓪𝓲𝓻𝓮.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon